CHAPTER 44: ANNE'S POV

370 4 0
                                    

Nahuhulog ang mga luha ko habang nasa harap ng kabaong ni Tita Lisa. Binurol ito ss bahay nila. Narito rin ang mga kapatid ni Alice at ang mga kamag anak nila.

"Ma!! Bangon kana diyan!! Sasamahan mo pa kami umakyat ni Jobert sa entablado diba!!",hagulgul ni Albert habang nakayakap sa kabaong ng mama niya. Ang dalawang kapatid ni Alice talaga ang sobrang nag hihinagpis ngayon. Minsan lang nila makita ang mama nila dahil sa probinsiya sila naka tira, doon sila nag aaral kaya naman isang beses o dalawang beses lang sila makabisita sa isang taon.

"Anak!! Bakit hindi mo sinasabi na malala na ang sakit mo!! Sana napa gamot kapa namin!!",nagwawala naman ang ina ni Aling Lisa. Nag iisang anak lang ito kaya naman sobrang bigat tanggapin na wala na ang kaisa isang anak nila. Hindi na nasundan si Aling Lisa dahil nag karoon ng bukol ang matres niya kaya tinaggal ito.

Saan man ako tumingin dako ng bahay, nakikita ko ang mga taong naghihinagpis at nag iiyakan. Hindi ko magawang lumapit sa mismong kabaing ni Aling Lisa. Lumabas ako ng bahay nila para pigilan ang sarili ko sa pag iyak.

Hanggang ngayon, wala akong kasiguraduhan kung maabutan ni Alice ang mama niya. Dahil napag usapan ng pamilya niya na tatlong araw lang ang burol nito. Kaya sa makalawang araw ililibing na ito.

Sinubukan ko ulit na tawagan si Alice ngunit hanggang nagyon cannot be reach parin ito. Ayaw ko naman tawagan si Prin, dahil baka isipin nito na sinisira ko ang plano niya.

"Ate, nasan po si ate Alice?",tanong ni Jobert. Sobrang pulang pula ang mata nito dahil kagabi pa ito umiiyak. Nakikita ko mula sa mga mata nito ang sobrang kalungkutan. At sa tuwing makikita ko sila, ramdam ko rin ang nararamdaman nila. Bata pa sila para nawalan ng magulang. Hindi pa nakaka graduate ng secondary si Albert at Jobert, kaya naman nanghihinayang sila dahil hindi sila masasamahan ng mama nila para umakyat sa stage. What a worst feeling of that. Yung hindi kana masasamahan ng mama mo sa stage kasi wala na siya.

"May importanteng lakad ang ate niyo, kaya wala siya ngayon.",tugon ko sa kanya. Hindi nila pwedeng malaman kung nasan ang ate nila. Hanggang maari, kailangan itago ito dahil para rin ito sa kapakanan nila.

"Akala ko ba mahal ni ate si mama? Bakit mas pinili niya yung lakad na yun kesa kay mama!!? Pinabayaan niya si mama!",ngayon masama na ang tingin nila kay Alice. Hini nila alam kung gaano naghirap si Alice para sa mama nila.

"Mahal ni Alice ang mama niyo. Pero kailangan niya gawin yun dahil para rin sa mama niyo yung ginagawa niya. Kaya intindihin niyo ang ate niyo.",sinubukan kong paki usapan ang mga kapatid niya. Pero nagmatigas sila. Iniisip nila na makasarili ngayon si Alice, dahil hinayaan niyang mamatay ang mama nila.

"Hindi!! Ngayon walang kwentang anak si ate Alice!! Pinabayaan niya ang mama. Kaya mula ngayon! Hindi ko na siya ituturing na ate at kapatid, tutal patay na rin si mama kaya wala na kaming koneksiyon!!",sigaw ni Jobert. Napaluha nalang ako ng sabihin niya iyon. Bakit kahit anong sakripisyo ang gawin ni Alice hindi nila maapreciate. Kung alam lang nila ang lahat.

"Huwag mong sasabihan ang ate mo ng ganun! Dahil hindi mo alam kung anong hirap ang ginagawa niya rito!! Mas pinili nga niyang iwan ang pag aaral niya sa mama niyo!! Para sa inyo!! Pasalamat kayo ng kapatid mo at nakaka pag aral pa kayo, eh siya! Nakita mo ba ang ate mo sa mga pag hihirap na ginagawa niya para mapag aral kayong dalawa!! Huh!! Kaya wag mong pagsasalitaan ang ate mo ng ganyan!!",sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko hahayaang maging ganun ang tingin ng mga kapatid ni Alice sa kanya.

"Talaga!! Kung talagang mahal niya si mama? Nasan siya ngayon? Bakit ikaw ang nandito at hindi siya? Ate Anne, kung alam mo lang kung gaano kasakit mawalan ng ina. Alam mo bang buong buo ang tiwala namin kay ate na maaalagaan niya si mama, na gagawin niya lahat para mabuhay pa siya ng matagal. Pero bakit anong nangyari? Nuong huli naming punta rito lumalaban pa si mama. Hindi namin kaya ate Anne na wala si mama.",pagkatapos humagulgul ulit ito. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Nag uunahang pumatak ang mga luha ko ng yakapin ko siya. Ramdam ko ang lungkot at hinagpis na nararamdaman niya. Pero gusto kong nalaman nila, na kahit anong mangyari, nariyan parin ang ate nila at hindi sila pababayaan.

Pagkatapos kong yakapin si Jobert agad itong pumasok sa loob. Umuwi narin ako para maka pag pahinga. Ako kasi ang nag bantay buong gabi kaya kailangan ko ring mag pahinga.

Pagkauwi ko sa bahay agad akong naligo at nagbihis. Muli ko ulit tinawagan si Alice ngunit cannot be reach pa rin ito.

Ano ba Alice. Bakit nakapatay ang cellphone mo. Please, kailangan mong malaman ang nangyari sa mama mo. Dahil baka hindi mo na siya maabutan pa.

Hindi na ako nag dalawang isip pa kaya agad ko nang tinawagan si Prin, para tanungin kung ano ang balak niya.

The person you've calling is not in line. Please leave a message.

Isa rin to, hindi rin sumasagot sa tawag ko. Nag aalala na ako sa kanila. Bakit hindi nila sinasagot pareho ang tawag ko.

Humiga na ako para matulog ngunit lumipas na ang isang oras hindi parin ako makatulog. Kaya naman minabuti ko nalang pumunta sa burol si Aling Lisa. Total malapit lang ang bahay ko sa bahay nila. Ay nang makarating ako roon, tumambad sa akin si Lola Yrna, ang mama ni Aling Lisa. Nakatingin ito sa akin. Hindi ko mapagtanto kung anong klaseng kislap ang meron sa mata nito.

"Nasan si Alice? Bakit wala siya rito?",tanong nito. Halatang malat na ang boses nito dahil sa kaiiyak.

"Wag po kayong mag alala. Baka bukas meron na po si Alice rito.",tugon ko sa kanya. Napaluha naman siya nang sabihin ko iyon.

"Antagal na mula nung huling kong makita si Alice. Pero bakit wala siya ngayon? Nasan ba siya?",alam kong nag aalala rin ang lola ni Alice para sa kanya, ngunit natatakot akong sabihin sa kanila kung nasan ba talaga si Alice. Pero alam kong mapag kakatiwalaan ang lola niya, at maiintindihan nito ang sasabihin ko.

"Nasa Hawaii po siya. Sa totoo lang po kinasal na po siya. Nuong nakaraang tatlo linggo.",nakita ko ang pagkagulat sa muka ni lola Yrna.

"Ano? Bakit? Sino? Bakit hindi ko manlang nalaman.?",ibat ibang tanong ang lumabad mula sa bibig niya nang sabihin kong kasal na siya.

"Maniwala po kayo. Ginawa ni Alice yun para iligtas ang mama niya. Pero sa ngayon hindi ko po muna sasabihin sa inyo. Si Alice nalang po mag sasabi sa inyo ng lahat.",tugon ko sa kanya. Ayaw kong maki alam sa kanila. Kaya mad magandang si Alice balang ang mag sasabi para maiintindihan nila ng maayos.

"Bakit niya iniwan ang mama niya? Bakit mas pinili niya ang asawa kesa mama niya?",tanong ni lola habang tumutulo ang luha nito. Nahahabag ako sa kalagayan nila. Sa tuwing nakikita ko silang umiiyak, naawa ako. Kaya naman agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Malalaman niyo po bukas lola pag naka uwi na si Alice. Magiging maayos din po ang lahat. Alam kong masaya na si Aling Lisa ngayon sa piling ng diyos. Kaya sana mag pakatatag tayo para sa kanya.",wika ko habang hinahaplos ko ang likuran nito. Panay ang hikbi nito kaya naman walang tigil kong hinahaplos ang likod nito. Masakit para sa isang ina ang mawalan ng anak, lalo nat mag iisang anak lang siya.

God has a plan for them. Just believe at trust God because he know the right.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon