CHAPTER 3: ALICE'S POV

1.2K 23 1
                                    

Kakauwi lang namin ni mama galing hospital. Ipinapagot parin kasi si mama dahil hindi pa maayos ang sakit niya. Kailangan niya ng maintenance na gamot para mapigilan ang pagkalat ng cancel cell sa buong katawan niya.

Pagkagaling namin sa hospital dumaan muna kami sa botika para bumili ng gamot.

"Anne, pabili nga ng gamot,eto yung reseta.",iniabot ko kay Anne ang listahan ng gamot na kailangan kong bilhin. Si Anne ang mag iisa kong matalik na kaibigan. Bata palang kami siya na ang naging kaibigan ko.

"Eto na yung gamot Alice.",iniabot sa akin ni Anne ang gamot.

"Magkano lahat?,tanong kay Anne habang iniaabot sa akin ang gamot.

"1,259",sagot ni Anne sa akin,kasabay nun ang pagkamot ko.

"Ma,baka pwedeng bawasan nalang natin yung gamot kulang pera natin eh.",tanong ko kay mama.

"Magkano ba kulang Alice.",tanong naman ni Anne sa akin.

"50", sagot ko naman kay Anne sabay ngiti.

"Asus,50 lang pala sige ako na magbabayad.",sagot ni Anne

"Salamat Anne, hayaan mo babayarin ko rin to." Tugon ko naman kay Anne

"Sige nak, mauna na ako mukang marami pa kayong pag kwekwentuhan ni Anne..", pagkatapos umalis na si mama.

"Uy,anong nangyari sayo nung nakaraang araw?", tanong ni Anne sa akin habang palabas siya sa botika.

"Wala yun, ang alam ko kasi nabunggo ako eh sabi ng doktor hinimatay lang pala ako", sagot ko naman sabay ngiti.

"Oh bat ka ngumingiti?", tanong naman ni Anne na parang nagtataka.

"Nasampal ko kasi yung lalaki sa pag aakalang nabunggo niya talaga ako, Epic kaya!",sabay tawa ko.

"Haha! Ka gago mo naman. Nagawa mo talaga yun?, tanong naman ni Anne ulit.

"Oo nga, nasampal ko yung makinis, maputi at mala artistang muka niya.",sabay ngiti ko,ulit.

"Teka, pogi? Alam mo pangalan niya?",tanong ni Anne ulit sabay tusok sa tagiliran ko.

"Ahmmmm, oo! Siya si Mark Prin Sy. Yan ang pangalan niya.", tugon ko naman kay Anne na tila nagulat nang sabihin ko ang pangalan ng lalaki.

"Mark Prin Sy??sure ka?", nag aalangang tanong ulit ni Anne.

"Oo,siya pa nga nagbayad ng hospital bill ko eh..oh diba yaman!",sabay ngiti ko kay Anne ulit.

"Mayaman talaga, siya ang kaisa isang anak ni Dimark Sy. Ang nag iisang taga pag mana ng pinakamalaking mall sa buong mundo."sagot naman ni Anne.

"Ibig sabihin siya ang Heredero ng Sy. Siya ang taga pag mana ng Mall of Asia. Grabe ang yaman niya pala sobra!",pahabol na sambit ko naman kay Anne.

"Pero kahit mayaman na sila,madalas naman mag away ang pamilya nila. Lalo ng yung mag amang si Dimark at Prin. Alam mo mama's boy nga daw si Prin kasi malapit siya sa mama niya. Sabi nga daw niya, dibaleng yung daddy na niya ang mamatay wag lang daw ung mommy niya. Oh diba!", tugon ulit ni Anne.

Hindi ko akalaing makikita ko ang Anak ni Dimark. Nuon ko pa gustong makita ang nag iisang tagapag mana ng Sy pero nakilala ko siya ng di ko nalalaman. Kaya pala Sy ang last name niya.

Pagkatapos namin mag kwentuhan ni Anne, umuwi na ako. Pagkarating ko sa bahay natanaw ko ang mga taong nag uumpulan malapit sa amin. Nilapitan ko ito at nang makita ko isang babaeng naka handusay at duguan. Mahahalata mong galing sa mayamang angkan ang babae. Maputi at makinis ito, maraming alahas sa katawan at higit sa lahat maganda.
Pagkalipas ng ilang minuto dumating ang pulis at inasikaso ang krimeng naganap.

Pagkatapos nun umuwi na ako sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis ng bigla kong narinig ang pagtatalo ni mama at ang stepfather ko.

"Anong ginawa mo?bakit mo binaril ang babae?makukulong ka neto.!",sigaw ni mama kay papa.

"Aksidente ang nangyari,maniwala ka! Hindi ko sinasadya ang nangyari!",sagot naman ni papa.

"Paanong aksidente?kitang kita ko ang pagbaril mo sa babae." sagot naman ni mama.

"Ganto ang nangyari!huminahon ka muna ! Pwede?. Nakita ko siyang tumatakbo dahil hinahabol niya ang nagnakaw sa bag niya kaya dali dali kong kinuha yung baril. Hinanap ko kung saan susulpot yung magnanakaw at ng makita ko kinalabit ko pero biglang sumulpot yung babae kaya yung babae ang tinamaan. Yan ang nangyari!",tarantang sinalaysay ni papa ang pangyayari.

Hindi ko na nakayanan ang mga salitang pumapasok sa tenga ko, kaya lumabas na ako.

"Alice, naka uwi kana? Kanina kapa ba diyan?",tanong ni mama sa akin habang pareho silang gulat.

"Oo Ma,kanina pa ako dito.",sagot ko kay mama habang nararamdaman ko na ang pagbuo ng luha sa mga mata ko.

"So,narinig mo yung pinag uusapan namin ng papa mo?",tanong ni mama sa akin.

"Huh?hindi naman ano po ba pinag uusapan niyo?",tanong ko kay mama na parang wala talaga akong narinig.

Tumalikod ako kila mama upang hindi makita ang pag patak ng mga luha ko. Sinubukan kong kalimutan ang mga narinig ko ngunit hindi ko magawa. Hindi ako makapaniwala na naka patay ng tao si Papa kahit sabihin nating aksidente ang nangyari, naka patay parin siya.

Nagpasya na akong mag pahinga at matulog. Habang nakahiga ako sa kama mo biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang anino ni mama.

"Anak, alam kong narinig mo ang lahat, huwag ka ng magsinungaling!",tugon ni mama na parang nagtitimpi ng galit.

"Ma,anong plano niyo?kailangang pagbayaran ni papa ang ginawa niya!",sambit ko kay mama habang sinusubukan kong pigilan ang sarili ko sa pag iyak.

"Yan ang huwag na huwag mong gagawin Alice!! Wag kang mag susumbong sa mga police!!", galit na sabi ni mama sa akin.

"Pero Ma, may kasalanan si Papa at kailangan niya itong pagbayaran!", usig ko kay mama na kasabay nun ang pag agos ng luha sa mga mata ko.

"Sige! Magsumbong ka!!sabibin mo sa police na mamamatay tao ang papa mo!!",sigaw ni mama sa akin habang hinihila niya ako para ilabas sa kwarto.

"Ma, tama na!!",pagmamakaawa ko kay mama na walang tigil niya akong pinag hihila.

"Ngayon sasamahan kitang magsumbong sa police! Pero pagkatapos nito mag kalimutan na tayo!", sabi ni mama pag katapos niya akong itulak palabas ng bahay.

"Ma! Kaya mong gawin to? Kung totoong aksidente ang nangyari wala kang dapat ikatakot dahil kung hindi sinasadya ni papa hindi siya makukulong!!",sumbat ko kay mama habang hawak hawak ko ang braso kong tumama sa pinto.

"Hindi mo ba mahal ang papa mo?! Kung talagang mahal mo kami ng papa at mga kapatid mo hindi ka gagawa ng bagay na ikaka pahamak namin!!",sigaw ni mama sa akin habang walang tigil siya sa pag hampas sa katawan ko.

"Mahal ko kayong lahat Ma, pero gagawin ko kung ano ang tama!",sagot ko kay mama.

"Sige gawin mo!!at itatakwil kita bilang anak ko!kalilimutan kong anak kita Alice!!",galit na sabi ni mama at pagkatapos nun pumasok na ito sa loob samantalang ako naiwan sa labas.

Wala akong ibang magawa kundi ang humagulgol at umiyak. Minsan naiisip ko kung may puwang pa ako kay mama. Dahil sa nakikita ko ngayon parang isang langgam nalang ako na kahit anong oras pwede niya akong tirisin.

Nakaupo ako sa may upuan sa labas ng bahay ng biglang dumating sina Jobert at Albert na parehong galing sa probinsiya. Doon sila nag aaral at nakatira sa tiyahin kong walang anak. 
Minsan lang sila mag punta dito sa manila dahil marami silang ginagawa.

"Ate Alice!!kamusta ka?",bati sa akin ng dalawa kong kapatid.

"Eto buhay pa ate niyo",sabay yakap ko sa kanila.

"Ma!!,andito kami ni Jobert!",sigaw ni Albert at pagkatapos nun pumasok na ang dalawa kong kapatid sa loob samantalang ako nanatili sa labas.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon