CHAPTER 31: MARK PRIN'S POV

464 9 0
                                    

Pagkatapos kong mag bihis agad akong bumaba sa kusina at kumain. Hindi ko roon nadatnan si Alice. Kayat bago ko siya hanapin mas minabuti ko munang kumain.

Matapos kong kumain ng tanghalian nagtungo ako sa kwarto ngunit wala rin siya roon. At alam ko na kung saan ko siya mahahanap.

Nagpunta ako sa garden ni Mom. Alam kong mahilig siyang magpunta roon, kaya sigurado akong nakaupo na naman ito sa round table sa may lilim ng malaking puno.

"And there you are.",wika ko ng makita ko siya sa ilalim ng puno. Umupo ako sa tabi niya.

"Tapos kanang kumain?",tanong nito sa akin.

"Oo, tapos na. Ikaw bat dika kumain?",ranong ko sa kanya habang nakatingin sa mga bulaklak.

"Busog pa ako.",wika naman nito. Hindi ko alam kung papaano simulan ang sasabihin ko.

"Uminom kana ba ng gamot mo?",nakakapagtaka ang mga galawan niya. Consern ba siya sa akin or sadyang maalaga lang siya.

"Hindi na kailangan. Dahil nabawi kona ang tulog ko. Ok na ako.",tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad lakad sa gulid ng fishpond. Actually hindi siya fishpond, parang kuhanan lang ng pandidilig na tubig sa mga halaman.

Nanaig sa amin ang katahimikan. Ilang minuto kaming walang imikan. Hanggang sa....

"So anong plano mo sa kasal natin?",napatingin ako sa kanya at bumalik sa kinaroroonan niya matapos niyang tanungin ang plano tungkol sa kasal.

"Papayag kana ba? Pwede ka pa naman umatras kasi may isang linggo pa. Makakapaghanap pa naman ako ng ibang babaeng maari kong pakasalan.",sagot ko naman sa kanya. Walang emosyon ang muka nitong tumingin sa akin.

"Kung ganun, tutulong ako para hanapan ka ng ibang papakasalan.",pagkatapos tumayo na ito at naglakad paalis sa kinaroroonan namin. Hindi pa siya nakakalagpas sa kinaroroonan ko ng dali dali kong hinawakan ang kamay nito.

"Paano kung ikaw yung gusto kong pakasalan.",napatingin siya sa kamay nitong hawak ko.

"Bakit ako?? Kung pwede namang iba nalang. Hindi mo na rin kailangan pang ipagamot si mama, dahil alam kong nahihirapan na siya at baka hindi na rin siya tumagal.",wika nito. Hindi ko binitawan ang kamay nito sa pagkakahawak ko.

"Dahil ikaw ang gusto ko. At alam kong kailangan mo rin to para sa mama mo. Huwag mong sukuan ang mama dahil siya mismo patuloy na lumalaban.",tugon ko sa kanya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinaikot si Alice para humarap sa akin. Nakita ko ang pamumuo ng mga luha nito.

"Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo Prin. Masasayang ang lahat dahil sa huli alam ko at ramdam kong bibigay din si mama?",wika nito. At sa pagkakataong ito tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mga pisngi niya.

"And if that is happend, believe me. It is the worst feeling that will happen to your life.",nakita kong bumagsak ang mga patak ng luha sa mga pisngi nito.

"Oo na, natatakot akong mawala si mama, si mama nalang meron ako. Kaya hindi ko na kakayanin pa kung pati siya iiwan ako.",humagulgul ito sa iyak. Dali dali ko naman siyang niyakap. Gusto kong malaman niya na kahit masungit ako sa kanya, handa akong samahan at damayan siya sa problema. My weakness is when i saw a girl screaming, nagiging malambot ang puso sa tuwing makakakita ako ng babaeng umiiyak.

"Sige lang, ilabas mo lang yan.",wika ko sa kanya. Hindi na siya nagsasalita, dahil nagpatuloy parin ito sa pag iyak sa bisig ko.

Alam kong mabigat ang dinadala niyang problema. Idagdag mo pa ang kalagayan ng mama at ang kasunduan naming dalawa.

Sa ilang segundo nitong umiiyak alam kong nailabas na niya ang bigat sa dibdib niya kaya naman natigil na ito sa pag hagulgul.

"Sige pumapayag na akong magpakasal sayo. Pero pwede bang humingi ng favor sayo?",tumindig ako ng pagkakatayo at tumingin sa mga mata niya.

"Sure, ano yon?",tumingala siya sa akin. Dahil kahit may katangkaran siya hindi mo maikakailang mas matangkad parin ako sa kanya.

"Magpakakasal ako pero sana huwag mong pabayaan si mama, gaya ng dati ipapagamot mo parin siya. And please sabihin mo sa akin ang lahat ng nagyayari sa kanya. Huwag mong itago ang kalagayan niya.",ngumiti naman ako. Pagkatapos tinitigan ko lang siya. Alam kong nag aantay siya ng sagot ko. Kaya minabuti kong patagalin ko muna bago ako sumagot.

"Hoy, ano na Prin?",wika nito. Nag aantay parin siya ng sagot.

"Hindi mo kailangan sabihin yan, dahil ganyan mismo ang gagawin bilang kapalit ng kasal.",tugon ko sa kanya. Umupo kami ulit sa sa round table. We start getting to know each other. And this time, comfortable na ako sa kanya. Unti unti kaming nagkakamabutihan. Pero gaya ng dati deal lang ito. Walang dapat mahulog sa isat isa.

"So, may naging boyfriend ka na ba? Or asawa?",nasamid naman ito nang tanungin ko iyon.

"Haha!! Nagpapatawa kaba? Wala pa no! Mula bata ako isda na kasama ko.",wika naman tapos ngumiti siya. Her gorgeous smile makes me smile. I like her pointed nose, natural red lips and chick at her damn fucking light brown eyes. Sa ganda niyang yan wala siyang naging Bf.

"Hoho!! Sa ganda mong yan, wala pang nagkamali sayo.",kasabay nun tumawa naman ako.

"Ayy Owo!! Grabe ka ah. So means kamliam lang ang magkagusto sa akin.",hinampas niya naman ako sa balikat matapos niyang sabihin iyon.

"Teka,paano pala yung kasal natin? Nakapag plano kana ba?",muli nitong tanong sa akin. Tumingin naman ako sa kanya bago sumagot.

"Oo, si Dad na nag plano dun. May kaibigan kasi si Mommy na nag oorganize ng mga event kaya siya nalang yung gagawa lahat.",sagot ko sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin sa akin matapos kong sabihin ang tungkol sa wedding namin.

"And before i forgot, bukas pupunta si Tita Crizzhy para sukatan tayo ng mga damit. Dont worry, wala kang gagastusin dito.",tumayo na ako at umalis matapos kong sabihin iyon. Hindi na ako nag paalam sa kanya. Iniwan ko nalang siya roon. Pumasok naman ako sa kwarto at nagpahinga. Kailangan ko pang bawiin ang puyat ko kagabi.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, bigla kong naalala si Mom. She will never attend my wedding anymore. She will neved see me having my own family.

Auugrrhhh

Nasapo ko ang noo ko ang noo ko habang iniisip iyon. Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin yung presence niya. I need a mother beside me.

Napatayo ako mula sa pagkakahiga ko. Nagpunta ako sa hidden mini Bar ng kwarto ko at uminom. Hindi pa alam iyon ni Alice. Dahil medyo maloob yon. Ilang minuto din akong nag pakalunod sa alak. Hanggang sa....

"Huy, tama na yan Prin. Lasing kana?",nagtaas ako ng tingin para makita ko kung sino iyon.

"Alice!",what the hell she doing here. Ang alam ko hindi niya alam ang mini Bar ko dito bakit ngayon narito siya.

"Anong ginagawa mo dito?",hindi pa nito nasasagot ang sinabi ko ng bigla niya akong hilain.

"Tara na! Tama na yan!",hila hila niya akong nilabas sa Bar at ng makarating kami sa kwarto pinahiga nya ako doon. Sa sobrang lasing ko tuluyan na akong natulog. Ngayon kahit humilik siya, hindi na ako mapupuyat dahil mas nauna akong makakatulog sa kanya kayat malayong marinig ko ang hilik niya.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon