CHAPTER 80: ALICE'S POV

275 5 0
                                    

Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang presentation. Agad akong nagtungo sa dressing room para magbihis.

"Alice, good job. Tignan mo magaling ka rin mag model.",napatingin ako sa kanya nang makita ko siyang nakangiti. I feel bad, nang bigla kong makita sa kanya ang mga ngiti ni Prin.

"Hindi nga eh. Parang an tsaka ko kanina.",pagkatapos ay tumawa ako para takpan ang kalungkutan ko.

"Ahmm, uuwi kana ba? Hatid na kita.",tumingin naman ako sa kanya at pinagmamasdan siya. Hindi ko alam pero nakikita ko sa kanya sa Prin. Sa mga kilos at galaw niya.

"Sir Andreuw, hindi mo naman kailangan ihatid mo pa ako. Kaya ko naman umuwi. Sapat na sa akin ang pagiging supportive mo sa akin.",ayokong magtiwala ulit sa ibang lalaki. Oo, mabait siya, at malapit kay lola pero hindi ibig sabihin nun, na hahayaang kong mahulog ako ulit. Kung si Andruew man ang binigay ng diyos para makalimutan ko si Prin, hindi pa ako handang tanggapin siya.

"No, gabi na. Baka kung paano kapa diyan. I' ll drive you home. Saka pupunta rin ako dun, dadalawin ko si lola.",mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Wala akong ibang choice kundi mag patianod sa kanya.

"Andruew bitawan mo ako. Hindi mo naman kailangan hilain ako. Nakakahiya sa mga employee's mo nakatingin sila sa akin.",ramdam kong nakakahiya ang hilaim niya ako. Ngunit lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahak niya. Hanggang sa unti unti kong naramdaman ang kahinaan sa akin. Im i really strong enough to begin again. Ngunit sa tuwing iniisip kong magsimula ulit, lalo akong nakakaramdam ng kahinaan. Natatakot akong bitawan ang lahat lahat. Gusto ko parin itong panghawakan dahil nagbabakasakali parin akong babalik sa dati ang lahat.

"Dont mind them.",muli akong tumingin sa kanya. At sa tuwing titingin ako sa kanya, si prin ang nakikita ko. Hanggang sa makarating kami sa parking lot, walang humpay akong nakatingin sa kanya. Lahat ng galaw, kilos, lahat lahat nakikita ko sa kanya si Prin.

"Is there anything wrong to me? Kanina kapa nakatingin sa akin eh.",mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Nasobrahan ata ako sa katititngin sa kanya.

"Araw araw ka nang papasok ah. You are now regular employee.",hindi ko magawang maibuka ang bibig ko para magsalita. Tama bang mapalapit ako sa kanya? Siya na ba ang binigay ng diyos sa akin para kalimutan si Prin?

Nang makarating kami sa bahay, wala imik akong bumaba at dumiretso agad sa taas. Pumasok ako sa kwarto at doon, muling bumuhos ang mga luha ko.

"Naguguluhan na ako. Ano ba ang dapat kong gawin?"

Walang humpay na bumubuhos ang luha ko habang binabalikan ko kung paano kami nagsimula ni Prin. Kung paano ko siya nakilala. Naalala ko pa nung oras na sinisisi ko siyang binunggo niya ako. Hindi ko alam na dahil dun, mag crocross ang landas namin. At ngayon naniniwala ako sa na PINAGTAGPO LANG KAMI PERO HINDI ITINADHANA.

Hanggang sa hindi ko namamalayan na nakahiga na ako sa kama ang papikit na ang mata.

"Wifey, gising na. Pinagluto na kita ng ulam mo."

"Mamaya lang husbie, inaantok pa ako."

"Magtatampo ako niyan wifey, lalamig na yung pagkain na hinain ko ohh.. Gising kana.",agad akong bumangon nang makita ko ang napagandang muka ng taong mahal ko.

"Oh ayan, gising na ako. Magtatampo kapa?",pagkatapos ay tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Agad niya naman akong sinundan. Hanggang sa makarating ako sa may sala nang mabilis niyang niyakap ang likuran ko nang mahigpit.

"Alice naman eh, bigla mo nalang akong iniiwan. Pwede ba huwag kang umaalis.",umikot ako at humarap sa kanya pagkatapos ay hinawakan ko ang mga pisngi niya.

"Prin, husbie, hindi kita iiwan. Promise! Kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa ating dalawa.",kitang kita ko naman ang mga kislap ng mata ni Prin habang nakatingin siya sa akin.

"So, hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari? Kahit paglaruan tayo nang tadhana, tayo parin sa huli. Alam mo naniniwala ako na TAYO AY PINAGTAGPO PARA TAYO'Y ITADHANA.",ramdam ko ang mainit na likidong dumadaloy sa pisngi ko at pagkatapos ay unti unting naglapat ang mga labi namin kasabay nun ang unti unting paglabo ng lahat.

"Hindi!! Hindi!! Prin!!",napabaringkwas ako sa kama nang magising ako mula sa isang maganda ngunit bangungut na panaginip.

"Prin, gustong gusto na kitang makita. Miss na miss na kita.",sumasabay ang pag agos ng mga luha sa pisngi sa kirot sa nararamdaman ko mula sa puso ko.

"My dear? Are you having a bad dreams? Cause i hear your screaming. Is there anything problem my dear?",tanong sa akin ni lola habang hinahaplos niya ang balikat ko.

"GrandMa, i really missed him. I want to see him. But i cant.",pagkatapos ay mahigpit akong yumakap kay lola.

"Who's him? Is that your father?",tanong sa akin ni lola habang hinahaplos niya ang likod ko. Kumalas naman ako sa pagkakayakap bago sabihin ang totoo.

"No, its the man i love the most grandma. He is the man ive met 1 year ago. The man ive fell in love.",muling pumatak ang mga luha ko sa pisngi ko. Muli naman akong niyakap ni lola.

"Go on my dear. Let it go.",ilang sandali akong nakayakap kay lola hanggang sa naramdaman kong medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Is that the reason, why you want to return to Philippines? To see the guy youve been said?",hindi ko magawang sumagot kay lola. Hindi ko alan kung gusto kong umuwi sa pilipinas para makita o gusto kong umuwi sa pinas para sa pamilya ko? Hindi ko alam,nalilito ako. Hindi ko maintindihan ang sarilim ko.

"Then, go. Follow your heart my dear, because the heart is very hard to fizzle.  When your heart command you to go back, then follow it. Bacause heart has its own reason that the brain or even the law does not have.",pagkatapos ay tumayo si lola at tuluyan nang lumabas ng kwarto. Nanatili naman akong nakatingin sa kanya habang inaalala ang mga pinayo niya.

A/N: Maikli lang ang point of view ni Alice kasi gusto kong habaan ang POV nung susunod.

Abangan niyo kung sino ang magbabalik. Sino kaya ang susunod kay Alice?

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon