CHAPTER 57: ALICE'S POV

444 4 2
                                    

Maaga akong nagising. Pinalibot ko ang paningin. Natuwa naman ako nang makita kong naroon si Prin sa tabi ko, pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makita ko angga unan sa pagitan namin.

Agad akong tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo, nakita ko ang dalawang message sa phone ko. Agad ko itong tinignan. Ang isa kay Anne at ang isa nama'y kay papa.

Alice punta ka dito sa bahay. Baka nakalimutan mo birthday ko ngayon kaya samahan mo ako. Dito kana rin matulog.

Your friend, Anne.

Pagkatapos kong basahin ang message agad ko itong nireplayan.

Haha, happy birthday Besty! Huwag kang mag alala hindi ko nakalimutan birthday mo. Pero sige, sasamahan ko ang pinakamagandang kaibigan ko para i celebrate ang birthday niya.

Matapos ko siyang replayan. Agad ko ring binuksan ang message sa akin ni papa.

Punta ka rito sa bahay. Narito ako ngayon at may importante akong sasabihin. Bilisan!

Papa, Eubert

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Ano na naman ang balak nito.

Agad akong tumayo at akmang lalabas na sana ako sa pinto ng bigla ko naalala si Prin. Baka magalit na naman sa akin yun pag di ako nag paalam, pero paano ako magpapaalam kung tulog pa siya.

Mabilis akong kumuha ng papel at sinulatan ito.

Goodmorning Prin. Sorry sa nangyari kahapon. Gusto kong malaman mo na wala kaming ginagawang masama. Maaga akong umalis dahil may importante akong gagawin. I hope na sana hindi kana galit.

Your wife, Alice.

Agad ko itong dinikit sa pintuan para makita niya kung sakaling lalabas na siya. Agad akong bumaba sa sala, nakita ko naman roon si tito Dimark.

"Oh! Iha, saan lakad mo? Kumain ka muna.",bungad niya sa akin. Yumuko naman ako nilang tanda ng paggalang sa kanya.

"Goodmorning po tito. Salamat po pero dina po ako kakain.  Paki sabi kay Prin may importante po akong gagawin. Kaya po baka hindi na ako makakauwi mamayang gabi rito.",bati ko kay tito habang abala ito sa pag sisisim ng kape.

"Sure, i'll tell to him."

"Salamat po.",wika ko sa kanya pagkatapos mabilis akong lumabas ng bahay nila. Naglakad ako hanggang sa labasan ng village. Wala kasing pumapasok na sasakyan sa loob ng village kaya naman kailangan mong lakarin hanggang sa labas ng village para nakasakay.

Pagkalabas ko sa village, agad akong sumakay sa taxi. Nagtungo ako sa bahay ni Anne.

"Anne! Happy bday!",bati ko kay Anne pagkatapos niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kala ko makakalimutan mo ang birthday ko.",tugon nito pagkatapos kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Syempre hindi. Ikaw pa. Malakas ka sa akin.",muli ko siyang niyakap.

"Halika, pasok na tayo.",pagkatapos hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako papasok sa bahay niya. Agad naman akong bumitaw sa kanya dahilan para magtaka ito.

"Kasi Anne, may kailangan akong puntahan. Promise sasamahan kita sa birthday mo.",wika ko sa kanya.

"Pero pwede bang huwag mong sabihin kay Prin kung saan ako pupunta. Kung pupunta siya rito at magtatanong, sabihin mo hindi ako nagpunta rito. Pupunta ako kay Papa at dapat hindi malaman ni Prin yun dahil kung hindi mapapahamak siya. Maasahan ba kita Anne?",tumango nalang si Anne bilang tanda ng pag sang ayon. Pagkatapos mabilis ko siyang niyakap at mabilis akong umalis. Nagtungo ako sa lumang bahay namin at nadatnan ko naman si Papa roon.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon