CHAPTER 24: ALICE'S POV

527 6 1
                                    

Blooggg!!!

Dali dali akong nagtungo sa malakas na pinanggalingan ng putok ng baril. Nakita ko si papa na hawak hawaka ang isang kalibre na siyang kumitil sa buhay ng isang tao.

"PRIN!!!"

"Pa, anong ginawa mo!?",sigaw ko kay papa habang hawak hawak ang wala nang buhay na si Prin. Isang tama sa ulo ang kumitil sa buhay niya.

"Hindi ko sinasadya Alice!! Wala akong kasalanan!! Maniwala ka!!",sigaw ni papa. Hindi ako makasalita dahil nakatutok padin ang baril nito sa akin.

"Hindi!! Pagbabayaran mo ang ginawa mo pa!! Hindi ko hahayaang patayin mo siya nang walang dahilan!! Ipaghihiganti ko ang taong mahal ko!!",tumayo ako at naglakad paalis sa minaroroonan nila nang bigla aking makaramdam na kirot sa likuran ko. Nagpatuloy padin ako at nagmadali na makaalis ngunit hindi pa ako nakakalayo ng bumigay na ang katawan ko. Ramdam kong may mainit na lumalabas sa bunganga ko.

"Inutil kang bata ka!! Isusuplong mo pa ako!! Haha!! Sige magsumbong ka kung mabubuhay kapa!",muling kinalabit ni papa ang gatilyo ng baril niya.

"Huwag!!!"

Napabalingkwas ako sa kama nang bigla ako gisingin ng isang masamang panaginip. Tumingin ako sa paligid ko para hanapin si Prin. Nag alala ako nang hindi ko siya nakitang nakatulog sa kama.

"Mahal ko? Bakit ko sinabi yun sa panaginip ko?",paulit ulit kong tanong sa sarili ko. Patuloy kong inaalala ang nangyari sa panaginip ko. Nang bigla kong maalala si Prin. Nagmadali akong lumabas at hinanap si Prin. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko siyang mahimbing na natutulog sa sofa.

"Hysst, salamat nandito siya."

Muli akong umupo sa harap nitong upuan. At ngayon nakaharap ako sa kanya. Walang patid ang utal kong halughugin ang pangyayari. Isip diyan isip dun. Ng bigla kong...

"No!"

Kusang tumulo ang mga luha ko nang maalala ko ang lahat nang nangyari. Sa pagkakataong iyon hindi kona mapigilan ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko. At ang papa ko ang dahilan kung bakit nararanasan niya ni Prin ang gantong sakit ngayon.

"Im sorry Prin! Hindi ko alam na ang ina mo pala ang aksidenteng nabaril ng papa ko.",patuloy na pumapatak ang mga luha sa pingi ko habang iniisip ang pangyayarung iyon. At ngayun naalala ko na ang babaeng hawak hawak ni Prin sa bisig niya. Ito ang babaeng namatay makalipas ang dalawang buwan.

Pagkatapos namin mag kwentuhan ni Anne, umuwi na ako. Pagkarating ko sa bahay natanaw ko ang mga taong nag uumpulan malapit sa amin. Nilapitan ko ito at nang makita ko isang babaeng naka handusay at duguan. Mahahalata mong galing sa mayamang angkan ang babae. Maputi at makinis ito, maraming alahas sa katawan at higit sa lahat maganda.
Pagkalipas ng ilang minuto dumating ang pulis at inasikaso ang krimeng naganap.

Pagkatapos nun umuwi na ako sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis ng bigla kong narinig ang pagtatalo ni mama at ang stepfather ko.

"Anong ginawa mo?bakit mo binaril ang babae?makukulong ka neto.!",sigaw ni mama kay papa.

"Aksidente ang nangyari,maniwala ka! Hindi ko sinasadya ang nangyari!",sagot naman ni papa.

"Paanong aksidente?kitang kita ko ang pagbaril mo sa babae." sagot naman ni mama.

"Ganto ang nangyari!huminahon ka muna ! Pwede?. Nakita ko siyang tumatakbo dahil hinahabol niya ang nagnakaw sa bag niya kaya dali dali kong kinuha yung baril. Hinanap ko kung saan susulpot yung magnanakaw at ng makita ko kinalabit ko pero biglang sumulpot yung babae kaya yung babae ang tinamaan. Yan ang nangyari!",tarantang sinalaysay ni papa ang pangyayari.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon