CHAPTER 7: MARK PRIN'S POV

798 10 1
                                    

Nang maka uwi ako sa bahay. Hinanap ko ang folder na binigay ni Dad. Naalala ko nahulog pala ito malapit sa tindahan, nakalimutan ko itong balikan.

Kinaumagahan

Nagpunta ako sa skwater area ngaunit wala na akong nakitang brown envelop kaya mas pinili kong mag punta sa office ni lolo para sabihin ang nangyari.

"Goodmorning sir." bati na naman ng mga employado, pero gaya ng dati naglakad lang ako ng diretso at di pinansin ang mga tao.

Pagkadating ko sa office ni lolo,wala sya doon kayat tinawagan ko siya.

"Lo, where are you? Im here at your office.",pabungad kong sabi kay lolo.

"I visit the area. Im at bay walk.",sagot naman ni lolo.

"I have something to tell you.",sambit ko kay lolo.

"Ok, wait for me. Babalik na ako diyan sa office.",tugon ni lolo pagkatapos pinatay na niya ang phone niya.

Naghintay ako ng ilang sandali sa office ni lolo. At nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan tinignan ko ito at nakita ko si lolo.

"Anong sasabihin mo,Apo?",pabungad na tanong ni lolo sa akin habang papunta ito sa kanyang upuan.

"Yung proposal paper Lo, hindi ko mahanap. Nahulog kasi ito kahapon,ngayon binalikan ko sa lugar kung saan nahulog pero wala na ito.",mahaba kong paliwanag kay lolo.

"Ito ba ang hinahanap mo?",tanong ni lolo kasabay nun nilabas niya ang brown envelop.

"Yan nga Lo!  San mo nakuha?",tanong ko kay lolo habang naglalakad ako papunta sa kanya.

"Let's say na, nakita ko ito hawak ng isang babae, kaya kinuha ko.",sambit naman ni lolo.

"I thought i misplace this.",tugon ko naman kay lolo.

"Next time, ingatan mo ang mga papel na bininigay ko sayo dahil importante yang mga yan.",usig naman ni lolo.

Pagkatapos nun humakbang na ako patalikod para lumabas sa office pero biglang nagsalita si lolo.

"At saan ka naman pupunta?",tanong ni lolo sa akin.

"I need to finish this paper so that the company will be on my own.",sagot ko kay lolo at lumabas na nga ako sa office.

Nagtungo ulit ako sa skwater area na pagpapatayuan ng resort. Kailangan kong hanapin ang handler para mapapirma sa proposal.

Habang naglalakad ako sa bay walk para marating ko ang mas malapit na daan papasok sa iskinita may biglang humawak sa likod ko. Hindi ko tuloy namalayan ang kamay ko sa pagsakal sa tao.

"Ikaw!",sigaw ko kay Alice.

"Oo ako.",sagot naman nito.

"Remove your hand from my shirt!",utos ko sa kanya.

"Wala akong masamang balak sayo, kailangan lang kitang maka usap!",tugon ni Alice habang hingal na hingal sa paghinga na mukang napagod sa paghabol sa akin.

"For what!? Are we close? Wag mo akong mahawakan at maka usap dahil naaalibadbaran ako sa mga babaeng katulad mo na pera lang ang habol!!.",sigaw ko ito sa kanya pagkatapos nagpatuloy ako sa paglalakad pero wala parin itong tigil sa pagsunod at pagsasalita.

"Saglit lang!! Kailangan lang talaga kitang maka usap!",paki usap nito sa akin.

"Cge!! In 5 minutes only, because i have to find someone.!",usig ko ito sa kanya.

"Nakikiusap ako sayo,wag niyo nang gagalawin ang lugar namin. Wag na kayong magpatayo ng resort dito. Mas kailangan namin ang lugar na to. Kaya nakiki usap ako. Kung matutuloy ang plano niyo, mawawalan kami ng tirahan pati na kabuhayan at sa pagkakataong iyon may mga taong mamamatay. Mahirap na kami kaya wag niyo na kaming lalong pahirapan.!",mahabang paliwanag ni Alice sa akin.

"Mamamatay?? Huh!! Your so exaggerate!!.", sigaw ko sa kanya pagkatapos tinulak ko siya para tumabi.

"Oo!! Mamamatay!! At isa na ang mama ko dun.",paki usap nito at nakita ko mula sa mga mata niya ang na mumuong luha.

"Edi mamatay lang! I dont care!!.",sumbat ko ito sa kanya pero bago pa ako tumalikod para maglakad, dumampi na sa muka ko ang sampal niya.

"Wala kabang magulang!! Wala kabang nanay!! Pagtitinda lang ng isda ang kabuhayan namin dito at kung mapapaalis kami,saan pa kami kukuha ng pera?? May sakit ang mama ko at kung mawala kami dito,wala na akong mapagkukuhanan ng tinda at pag nangyari yun, wala na aking pambili ng gamot ni mama para sa maintenence niya!!",sigaw nito sa akin at kasabay nun nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa mata niya.

Hindi ko pinakinggan ang mga sinabi niya sa akin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng bigla ulit itong mag salita.

"Hindi mo mahahanap ang taong hinahanap mo!! At hinding hindi niya pipirmahan yan!!",pahabol na sabi ni Alice bago ito umalis sa kinatatayuan niya.

Nagpatuloy ulit ako paglalakad at nang makita ko ang kanto na sinasabi nilang patungo sa tirahan ni Lisa Watcharapon mas lalo akong nagmadali para makarating sa tirahan niya.

Kumatok ako sa bahay nila pero walang sumasagot. Naghintay ako ng ilang oras at nagbakasakaling makita ko siya at mapapirma.

Hanggang alas 5 na ng hapon, wala padin sila kayat nag desisyon nalang akong umuwi. Pero bago pa ako makaliko sa kanto natanaw ko na sila, kaya bumalim ako muli paga gawin ang proposal.

Nang malapit na ako sa bahay niya. Namumukaan ko ang taong nasa bandang kanan. Habang papalapit ako ng papalapit mas lalo kong namumukaan ang tao. Kayat ng nasa mismong bahay na ako,laking gulat ko ng makita ko si Alice.

"Wait!! Ikaw po ba si aling Lisa?",tanong ko sa matandang inaalalayan ni Alice.

"Oo, ako nga.",sagot naman nito sa mahinang boses na mukang nanghihina at may sakit.

"Oo, siya si Lisa Watcharapon, ang handler ng area na ito.",sabat naman ni Alice.

"Ma, pasok ko muna kayo huh, magpahinga kayo sa loob Ma, at ako na bahala sa bisita.",tugon ni Alice sa kanyang ina at pinasok naman niya ito sa lood ng kanilang bahay. Pagkatapos ng ilang sandali lumabas ulit si Alice para kausapin ako.

"Ano? Nakita mona kalagayan ng mama ko diba!? Kayat hindi mo siya maaring pilitin sa proposal na yan! Kailangan niyang magpahinga kaya sana sa pagkakataong ito pagbigyan mo ako. Wag mong bulabugin ang mama ko!.",usig ni Alice sa akin. Wala naman akong ibang magawa kundi umuwi nalang din,dahil sa nakikita ko mukang mahina talaga at may sakit ang mama niya.

Umuwi na ako sa bahay at nadatnan ko naman si Dad na umiinom.

"Oh Son, mukang pagod ka.",tugon ni Dad sa akin.

"I think Dad, mahihirapan ako sa proposal na pinapagawa ni lolo.",sambit ko kay papa habang paupo ako sa tabi niya.

"Son, dont force yourself to do that kind of proposal. Remember you have a choices. Either proposal or nuptial.",tugon ni Dad sabay tawa.

"I think, never mangyayari ang nuptial. But pag sa proposal kahit mahirap i will.",sagot ko kay Dad. At pagkatapos nun umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. At pagkatapos kong maligo humiga na ako sa kama ko at tuluyan nang natulog


My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon