CHAPTER 76: ALICE'S POV

384 10 5
                                    

Nang magising ako, palapag na ang eroplano. Tantandang tanda ko pa ang lugar na ito, narito na ako bangkok. Nakaramdam ako ng galak at saya dahil after how many years, muli ko nang masisilayang bayang pinanggalingan ko.

Nang makalapag ang eroplano, agad akong lumabas. Pumara ako ng taxi at sumakaya patungo sa bahay ng mga grandparents ko. Actually it was surprise, hindi nila alam na babalik ako rito ngayon.

Huminga ako ng malalim bago ako bumaba sa taxi. Pagkatapos pumasok ako sa gate at kumatok sa pinto. Hindi pa ako nakakakatok ng biglang bumukas ang pinto.

Hindi ko magawang maiiwas ang tingin ko sa lalaking lumabas sa pinto. Nakasuot ito ng toxido at naka coat. May katangkaran din ito. May maitim at makinang na buhok, at matangos na ilong. His eyes was light as cloud. And his lips are so kissable. Pero un lang. Wala akong kahit attraction na naramdaman. Oo, pogi siya, may itsura at mukang mayaman pero wala paring hihigit sa lalaking nakilala ko almost year from now.

"Who are you? Are you having some business matter with them?",tanong nito sa akin, pagkatapos ngumuti. Nag iwas lang ako ng tingin pagkatapos naglakad, akmang papasok na ako ng biglang sumara ang pinto.

"Ouchh!",napahawak ako na noo ko ng mauntog ako sa pinto na biglang sumara. Biglang kumulo ang dugo ko ng makitang may kislap ng kasiyahan sa mata ng lalaki habang nakatingin sa akin.

"Anong nakakatawa dun!! Baliw! Tukmol!",pagkatapos umirap ako sa kanya. Mabilis kong hinawakan qng seradura ng pintuan pagkatapos pinihit ko ito. Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan ng bigla ulit itongag salita.

"Kung hindi ka naman kasi tatanga tanga dika mangyayari sayo yan. Uso ang mag ingat.",hinihiling kong sana bumuka ang lupa at lamunin ako. Nakakaintindi siya ng tagalog! At nakakapagsalita pa! Patay! Hiyang hiya akong humarap sa kanya. Ngunit nagulat ako ng makita kong wala na ito. Mabilis kong kinalat ang mga mata ko. Nakita ko siyang pasakay na sa sasakyan nito.

"My dear!!",nabingi ako sa sigaw ni lola. Napangiti ako ng mabilis niya akong niyakap. I miss my grandma so much.

"GrandMa!, how are you? Its been a long year when i last saw you.",pagkatapos muling yumakap si lola ng mahigpit.

"My dear Alice. I really miss you. How long you've been here?",tanong sa akin ni lola pagkatapos kumawala siya sa pagkakayakap niya sa akin. Agad naman kaming pumasok sa loob ng bahay at sinimulan ang kwentuhan.

"By the way GrandMa, is grandPa here?",kitang kita ko ang pagbabago ng emosyon ni lola ng mabanggit ko si lolo.

"Your GrandPa already passed away. Its been 6 years from now.",pagkatapos nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata nito. Oh God. Bakit hindi ko manlang nalaman ang pagkawala ni lolo.

"Im sorry Grandma. Im sorry for leaving you a long time.",pagkatapos niyakap ko siya. I really miss my lola.

Nanatili ako kay lola habang narito ako sa thailand. Lumipas narin ang ilang linggo ngunit wala parin akong balita tungkol kay Prin. Gusto ko siyang tawagan ngunit sa tuwing sinusubukan kong tawagan lagi kong naalala ang pinagusapan namin ni tito Dimark. 'I'll help you na pag aralin ang mga kapatid mo. Ako na bahala sa kanila basta the only one thing you do to compensate me, is to leave my son. No communication. Wala lahat. Huwag ka nang magpakita sa kanya.

Pinapanalangin ko nalang sa panginoon na sana ok siya. Na sana gising na siya at maayos ng ang kalagayan niya. At sana maging masaya na siya.

"My dear! Is there anything bothering you. I observe those past days that you always dismay? Is there any problem my dear?",pinunas ko muna ang luha ko bago ako humarap kay lola. Oo, walang araw na hindi pumatak ang luha ko sa tuwing iniisip ko siya. Hindi ko alam pero parang may kulang sa buhay ko. Parang nawalan ng patutunguhan ng buhay mula nang malayo ako sa kanya at mula nang tanggapin kong hindi na kami magtatagpo pa.

"Im okay GrandMa. I just missing my Mother who is in heaven also like GrandPa.",sa ilang linggo ko rito. Hindi ko pa nasasabi kay lola ng wala ba rin si mama.

"Are you saying may dear that liza already past away. Oh! God.",pagkatapos lumapit sa akin si lola at niyakap niya ako. Ilang buwan narin ang nakalipas mula ng mawala si mama, pero kahit ganun, hindi parin siya mawala sa isip ko. Halos araw araw kong binabalikan ang nakaraan kasama si mama. Hindi man siya naging mabuting ina, pero natuto ako ng dahil sa kanya.

"God has a plan Alice.",pagkatapos hinaplos ni lola ang pisngi ko. Tama naman si lola. Everything happen, God has a plan. Parang kami ni Prin, plano ito ni God kaya i have no choice kundi tanggapin at sunduin kung anuman ang plano niya.

"Lets eat my dear.",mabilis kaming nagtungo ni lola sa kusina at kumain. Kailangan kong maging matapang. Oo lagi kong namimiss si Prin, ngunit kailangan kong tatagan para sa mga kapatid ko.

Matapos kaming kumain, agad akong nagtungo sa terrace kung saan makikita mo ang maaliwalas na tanawin at tanaw ang ganda ng kapaligiran. Hanggang sa bigla akong napaisip.

Hindi ako maaring maging tambay lang dito, kailangan ko ng trabaho nang sa gayon may pang tustos ako sa pangangailangan ko.

Mabilis kong hinanap ang mga papel na dala ko pagkatapos inaayos ko ang mga ito para sa pag aaply ko ng trabaho.

Kumunsulta din ako kay lola kung saan ako maaring mg apply ng trabaho, mabilis niya naman sinabi ng mag aaply ako sa Ford car company, kaya naman Hindi na ako nagdalawang isip ng mag apply roon.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa isang companya. Masasabi mong likas na sikat at maunlad ang business dahil sa laki at lawak ng lugar. Makikita mo rin ang mga nag gagandahang mgasasakyan na nakahelera at ang mga plane.

Bigla akong nakaramdam ng kaba habang papalapit ako ng papalapit sa office ng HR. Bago Pa ako pumasok, sinubukan ko ulit huminga ng malalim. Unti unting bumikas ang pintuan. "Wow, high tech ah, bumubukas nang walang nagbubukas. Halatang mayaman ang opisina dahil napakaganda ng loob into. Malayo palang ako kitang kita ko na ang isang tao ang nakaupo sa chair.

Tumikhim ako para makuha ang atensiyon niya pero nagkamali ako. Hindi manlang nagkamaling tumingin sa akin. Hangggang sa makarating ako sa mismong harap ng upuan niya.

"Good afternoon Maam.",pagkatapos nun ay humarap sa akin ang babae. Kusa itong ngumiti at pinakatitigan ako.

"So, can i know what's your name?",pagkatapos ay iniabot ko ang resume ko.

"Im Alice Watcharapon Maam. Ive finish BSA. Batchelor of Science in Accountancy.",mariin nitong pinakatitigan ang resume ko. Lord please po. Sana makuha ako. Kailangan ko ng pero.

"Ok. But someone told me, that i should not accept a person especially Alice Watcharop. So, im sorry to say, you can go.",pagkatapos ay tumayo na ang babae at lumabas.

"Mokong ba ang may ari nito. Ayaw na akong tanggapin. Duh!! Kala mo naman maganda business mo!! Duh!! Hindi kayo kawalan.",mabilis akong lumabas ng opisina at naglakad. Hindi talaga matanggal sa isip ko ang sabi ng HR officer. Ok. But someone told me, that i should not accept a person especially Alice Watcharop.

Sa sobrang inis ko, hindi ko nmamalayang mali na pala ang tinatahak kong daan palabas ng building.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon