CHAPTER 78: ALICE'S POV

278 5 0
                                    

Hindi ko akalaing napakaliit ng mundo. Ang lalaking nakita ko kahapon nasa harapan ko ngayon ay ang masaklap bigla nalang akong binangga.

Are you blind? Did you not see me?",sigaw ko sa kanya sabay taas ng kaliwang kilay ko. I need to be strong, hindi ko hahayaang maging mahina ako sa lahat ng oras. Sapat na naging mahina ako kay Prin nuon, pero ngayon, hindi na mauulit.

"I must be the one who asking that! Bulag kaba? Hindi mo ba ako nakita?",biglang kumulo ang dugo ko sa lalaking ito. Naku! Pasalamat ka at nasa loob ako ng company dahil kung hindi, kanina pa kita ginombag! Hindi ko namalayang sobrang lapit na pala ng muka sa muka ko. Tignan mo talaga tong tukmol na to, nanananching pa ata.

"Hoy! Alam mo bumibinggo kana sa akin ah. Kahapon kapa!",at pagkatapos ay nagpumeywang ako sa harap niya. Hindi ako papayag na kung sino sino lang ang sasagot sagot sa akin.

"Is that a GOOD attitude of a applicant?",namilipit ang tenga ko ng diinan niya ang GOOD ATTITUDE.

"Eh ikaw, is that the appropriate attitude of a employee?",kitang kita ko ang pagkairita sa muka niya. Pero sa tingin ko, hindi ganyan magsuot ang employee, dahil kung titignan daig niya pa manager kung manamit.

"Pwede ba, give respect to me. Nandito ka sa lugar namin, so practice humbliness. OK?",pagkatapos ay tumawa ito at nag pamulsa habang nakatingin sa akin. Calma Alice, huwag kang papatinag sa lalaking yan. Kaya mo yan!!

"Duh! Sorry to say, but i dont give respect to the person who did not respect me first. Kaya kung gusto mong i respeto kita, respect me first.",hindi ko alam kung saan dako ng dila ko nakuha ang salitang yon. Pero kahit paano may naisagot ako sa mokong na to.

"Sir!",napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko ang isang babae na papapit sa amin. OMG! bakit niya tinawag na sir itong lalaking to? Huwag niyang sabihin manager ang kaharap ko.

"What's the matter Faith?",muli kong binalik ang atensiyon ko sa lalaki at napansin ko itong paasar na ngumiti. Pag ito manager, Tumakbo ka ng mabilis Alice!! Nakakahiya ka!!

"Sir, the members of board meeting is waiting you.",tinanggal niya ang pagkakapamulsa niya at tumayo ng maayos sabay tingin ulit sa akin.

"Faith, can you introduce me to this stranger. So that she will know the place she was.",mabilis akong tumingin sa babae. Bigla akong nakaramdam ng lamig sa kamay ko, nanginginig din ang tuhod ko. Sorry po!! Hindi ko alam na manager pala ang kausap ko..

"Great day Maam. I want to introduced to you the young owner of Ford Cars Company, Mr. Andreuw Ford.",nanigas ako sa kinatatayuan ko sa sinabi ng babae. Hindi magawang maigalaw ng ulo ko kaya naman hindi ko na namalayang umalis na ang dalawa samantalang ako naiwan doon at hiyang hiya. HELP ME LORD, MALI PALA AKO, HINDI PALA MANAGER, OWNER PALA SIYA!! SANA LORD BUMUKA ANG LUPA AT LAMUNIN AKO. PROMISE SASAMA AKO AGAD SA LUPA.

Pagkatapos ng nangyari, para akong lantang gulay ng lumabas ng building.  Bawat minuto tumitingin ako sa mga tao, feel ko kasi pinag uusapan na nila ako dahil sa ginawa ko.

Naupo muna ako sa waiting area upang mag antay ng Bus, halos isang oras na akong nag aantay ngunit wala paring Bus na dumadaan, kaya naman napag pasyahan kong bumili muna ng makakain sa convenient store. Bumili ako ng isang tubig at cookies. Habang palabas na ako ng store hindi ko namalayang tumulo ang luha ko habang tinitignan ko ang bottle ng mineral water. Eto oh, magtubig ka muna. Naalala ko si Prin dahil sa tubig na binigay niya sa akin nung mga araw na tinakbo namin si mama sa hospital.

Sobrang sakit parin pala, akala ko magiging maayos ang lahat kung iiwan namin ang isat isa pero bakit lalo akong nahihirapan. Sa tuwing naiisip ko siya, parang bumabalik ang lahat lahat. Sana maging maayos na ang kalagayan mo Prin. Sana magising kana.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon