CHAPTER 40: ALICE'S POV

467 9 0
                                    

Pagkatapos akong i pa check up ni Prin, agad din kaming umuwi. Agad niya akong pinagpahinga.

Umakyat ako sa taas upang mag hinga sa kwarto namin. Ngunit hindi ako makatulog. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi niya kanina. Natatakot siya para sa akin. Nag aalala siya para sa akin. Kusang ngumingiti ang mga labi ko sa tuwing iniisip ko ang mga sinabi niya kanina. Kaya pala galit siya dahil nag aalala siya sa akin.

Ramdam ko nang sinusumpong ako nang pag ka tukmol. Napapatili nalang kasi ako bigla. Pero syempre tinatakpan ko nang unan para hindi niya marinig.

Pagkaraan ng isang linggo, ganun padin kami. Nasa bahay lang. Kain, lalabad, papasok, matutog.

Unti unti narin akong nasanay na kasama siya sa isang bahay. Nagiging magaan na ang loob ko sa kanya dahil kahit papano hindi naman siya mahirap pakisamahan.

"Hey!! Anong ginagawa no diyan?",napatigil ako sa paggawa ko ng paper mache ng bigla niya akong yakapin sa likuran ko. Bigla akong nanigas sa kina uupuan ko. Naging libangan ko ang paggawa ng ibat ibang paper mache. Ito ang isa mga paraan ko para hindi ako maboring.

"Ahhmm. Heto, gumagawa ng paper mache.",nauutal kong tugon sa kanya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil sa tuwing nag didikit ang katawan namin, may kakaiban nalang akong nararamdaman.

Agad siyang umupo sa tabi ko pag katapos tinignan ang isang swan na gawa sa papel.

"Saan mo natutunan ang paggawa nnang mga ganto?",napatingin ako sa kanya ng bigla niyang hawakan ang swan. Nag tama ang mga mata ng bigla rin siya lumingon sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko sa tuwing mag tatama ang mga mata namin.

"Sa Papa ko. Bata pa ako nun nang turuan niya ako kung papaano gumawa ng ganto.",pagkatapos umiwas ako ng tingin. Ramdam ko nang bibigay na ako anumang oras.

"Can you please teach me how to do that?",biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Paano ko siya tuturuan? Hysst, Prin naman bakit ba habang tumatagal bumabait ka sa akin?.

Hindi ako naka pag salita nang bigla siyang lumapit sa akin. Magka dikit na ngayon ang hips to sa hips niya. Gish, lumayo ka nga sa akin. Naiirita ako. Lalo pang bumilis ang pag kabog ng dibdib ko nang bigla siyang humarap sa akin. Pansin kong nakatingin siya sa akin kaya naman hindi ako maka galaw ng maayos.

"Lumayo ka nga! Nakaka distract ka.",usig ko sa kanya. Hindi ko na gusto ang nangyayari ngayon.

"Huh! Paano mo ako matuturuan kung malayo ako sayo? At saka mas gusto kong katabi kita habang gagawa ako.",pagkatapos niyang sabihin ngumiti siya. Lalo tuloy akong na aakit sa kanya kapag nakikita ang mga nakaka akit niyang dimple. Kailangan kongag hanap nang paraan para makatakas ako sa kanya. Para hindi ko siya naturuan.

"Sorry hindi pala kita matuturuan. May kailangan akong labhan na damit. Saka kailangan ko pang ayusin yung mga bulaklak sa garden.",nakita kong napangiti siya nang sabihin ko ang mga palusot na naisip ko. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko at bakit ito ngumingiti.

"Did you forget, na may mga maid tayo na siyang gagawa sa mga yan. Are you making excuses para hindi mo ako maturuan?",sabog! Anong klaseng palusot ba ang naisip ko. Tama naman siya may mga maid kami na siyang gagawa sa mga iyon. Bakit ba hindi manlang ako nakapag isip nang mas magandang palusot.

"Hindi ah! Bakit naman ako mag papalusot para lang hindi ka turuan. At saka hindi ako tutor nang mga taong gustong mag paturo sa mga gantong bagay. Mayaman ka naman diba? Bakit di ka nalang kumuha ng taong tuturuan ka sa paggawa ng mga paper mache. Kasi kung ako lang, hindi kita matuturuan nang maayos.",sa wakas naka isip ako nang mas magandang palusot. Siguro naman ok na to para maiwasan ko siya.

"Its fine kahit hindi mo ako matuturuan nang maayos basta ang importante mag eenjoy ako sa pag tuturo mo. And for your info. kahit mayaman ako wala sa dugo namin ang pag kuha nang mga tutor. Dahil mula kami sa dugo ng mga taong smart. Hmmt.!",napatiklop naman ang bibig ko nang banggitin niya iyon. Wala na ba talaga akong kawala, kasi kanina pa tuyo ang utak ko kaiisip nang palusot pero wala, hindi mabisa. Bakit ba naman kasi nag ka interest tong lalaking iti na mag paturo sa akin.

"Sige na tuturuan na kita. Pero in one condition. Hindi ka sa tabi ko uupo. Umupo ka sa kabilang upuan.",utos ko naman sa kanya. Ngunit hindi ito sumunod. Lalo pa siyang lumapit sa akin. At ngayon heto na naman ang mga hita namin na magkadikit. I want to pull him away from me pero di ko magawa.

"Bakit ba ayaw mo akong katabi? Huh! Dont tell me that your attracted to me? Or your having desire im my hot damn gorgeous bady at this cute face.",sabay taas na muka nito at kumindat. At ang masama, itong malanding puso ba to, tuwang tuwa.

"Bahala ka diyan. Dami mong nalalaman.",pagkatapos tumayo na ako paalis sa sala. Nag punta ako sa garden area. Naiwan naman siyang mag isa roon. Hindi ko alam kung anong meron ako at bigla akong umalis sa kanya. Basta isa lang ang alam ko, ayoko siyang ngumingiti ang kumikindat dahil doon talaga ako mahina.

Nasa garden area ako at abala sa pag aayos at pag disilig nang mga halaman. Isa rin ito sa mga libangan ko ang araw araw na diligan at alagaan ang mga ito.

"Hey, it seems na enjoy ang ginagawa mo ah. Can i join?",narito na naman ang asungot. Bakit ba palagi nalang itong bumubuntot sa akin. Kung nasan ako naroon din siya, kung anong ginagawa ko gagawin din niya.

"Andito ka na naman. Lagi ka nalang buntot nang buntot sa akin. Kung gusto mo dun ka sa pool maglinis!",sumbat ko sa kanya. Pero agad niyang kinuha ang isang host at pina andar ito. Ay ngayon heto narin siya nagdidilig sa mga halaman.

"Ano ba Prin! Nababasa ako!",sigaw ko sa kanya. Alam kong sinasadya niya akong basahin. Ang asungot na ito, wala na talagang magandang maidudulot sa mundo.

"Ayyt, sorry. Wait. Naligo kana ba?",napatingin ako sa kanya nang tanungin niya ako kung naligo na ako. Inirapan ko lang naman siya, dahil ang totoo hindi pa ako naliligo.

"Wala ka nang pake kung hindi pa ako naligo.",sumbat ko sa kanya pagkatapos inirapan ko siya. Natigil naman ito sa pagdidilig pagkatapos nagtungo siya sa switch area ng host. Nagulat nalang ako nang biglang lumakas ang tubig na lumalabas sa host.

Lumayo ako sa kanya para hindi akk mabasa. Nang bigla niyang itutok sa akin ang host dahilan para mabasa ako nang tuluyan.

"Prin!!! Ano ba! Itigil mo nga yan.!!",walang patid ako sumusigaw habang walang niya akong binabasa. Agad ko naman kinuha ang host na hawak ko at iniharap sa kanya. Syempre nilakasan ko rin ito, kaya heto kami ngayon parang batang naliligo.

"Oh ayan. Nakaligo kana.!",pagkatapos tumakbo siya palabas nang garden. Gusto ko siyang habulin kaso hindi ako mabilis tumakbo. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo nang maayos. Hindi na ako umakyat sa kwarto para maligo dahil alam kong naroon din siya at naliligo

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon