CHAPTER 13: MARK PRIN'S POV

598 7 0
                                    

Sinundo ko na mismo sa hospital si Alice. Pero bago ko siya sinundo, dumaam muna ako sa agency para kumuha ng mga katulong na mag aalaga kay aling Lisa habang wala si Alice.

At pagdating namin dito sa bahay, napansin kong mukang may mali kay Alice pero di ko ito binigyan diin kaya dumiretso na ako sa loob nang may bigla akong narinig.

"Anong ginagawa mo?!",sigaw ko sa kanya. Nakita ko siyang nagsusuka sa labas. Hindi ko maiwasang magalit. Napaka unmanlike ng ginawa niya. Kayat inutusan ko siyang nilisin mismo ang dumi niya.

"Halika, pasok ka!"

Pinapasok ko siya sa loob. Hindi mo maiwasang maasar sa galaw niya. Siya yung taong ignorante. Lahat ng sulok ng bahay tinitignan niya.

"Grabe! Bahay mo to? Sobrang laki!",puri nito sa bahay ko.

"Ano ba! Parang ngayon kalang nakakita at nakapasok ng ganitong kalaking bahay ah!",sigaw ko sa kanya habang siya naman wala parin tigil sa pagtingala sa bahay.

"Ngayon palang talaga ako makakakita ng gantong bahay.",tugon naman nito agad. Pagkatapos pina upo ko na siya sa sofa.

"Ano naman magiging trabaho ko dito? Ayaw ko naman na wala akong gagawin dito habang pinagpapanggap mo ako.",muling sabi ni Alice.

"Gawin mo kung anong gusto mo! Wala akong pake alam, basta galingan mo lang sa pagpapanggap bilang gf ko. At pag nakilala kana ng parents ko, mag papakasal na tayo. Dont worry fake wedding din ang gagawin ko. At pagkatapos nun, after 1 year,pwede ka nang lumayo at wag ng magpakita sa akin.",mahabang paliwanag ko sa kanya.

Pagkatapos nagpunta ako sa taas, para magbihis.

"Yaya, pakuha naman ako ng meryenda.",paki usap ko kay Ate Rose, ang katulong namin na taga luto at taga handa ng mga pagkain.

Maya maya dumating na ang meryendang hinihinhi ko kay ate Rose.

"Oh yan! Mag meryenda kana! Alam ko naman patay gutom ka!",sumbat ko kay Alice. At di naman ako nagkamali dahil agad niyang dinakma ang pagkain sa harapan niya.

"Ano ba! Pwedeng umasta ka ng maayos! Ayusin mo yang pagkain mo.",sigaw ko sa kanya. Hindi naman siya umimik.

"Pagkatapos mong kumain sumama ka sa akin sa taas, mag uusap tayo!",bilin ko sa kanya.

Pagkatapos niyang makapag meryenda dinala ko siya sa kwarto ko. At katulad kanina, naging ignorante na naman siya. Muli na naman niyang pinagmasdan ang silid ko.

"So anong sasabihin mo sa akin at dinala mo ako dito sa silid mo?",tanong nito sa akin pagkatapos umupo ito sa kama ko.

"Tumayo ka diyan! Wag mong uupuan ang kama ko ay mangangamoy malansa yan. Dika pa naliligo! Nangangamoy kana!",sigaw ko muli sa kanya. Pagkatapos pinalakasan ko ang aircon ng kwarto ko. Sinagad ko ito, para hindi mangamoy.

"Alam mo kung ganto lang din ang trato mo sa akin, mas mabuting bumalik nalang ako sa hospital.",sagot nito sa akin pagkatapos humakbang siya palabas ng kwarto. Pero dahil lahat ng gamit ko hightech at remote control. Kinuha ko ang remote sa kama ko at ni lock ang pintuan.

"Bat ayaw mabuksan ng pinto! Hoy Prin na lock na tayong dalawa dito! Tulong!!",sigaw nito hindi ko naman mapigilang matawa.

"Kahit sumigaw ka ng malakas, walang makakarinig sayo.",tugon ko sa kanya pagkatapos humarap siya sa akin.

"Paano na tayo. Dina tayo makakalabas dito!",sigaw ni Alice sa akin. Muli naman akong tumawa na siyang dahilan para mag tanong ulit.

"Prin! Ano na? Gawan mo ng paraan para makalabas tayo!",usig nito sa akin. Nanatili naman akong nakatayo at pinagmamasdan ang katangahan ni Alice.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon