CHAPTER 43: ALICE'S POV

440 5 0
                                    

"Husbie!! Manganganak na ako!",mabilis akong nag tungo sa kinaroroonan ng husbie ko.

"Husbie!!",hawak hawak ko ang balakang ko habang bumababa sa hagdan.

"Wifey! Manganganak kana?!",agad kong binatukan ang asawa ko. Nakita na nga niyang manganganak ako, tatanungin pa niya.

"Ayy hindi, mag bubuntis palang ako!! Arayyy!! Dalhin mo na ako sa hospital!",sigaw ko sa kanya. Agad na siyang lumabas at sumakay sa sasakyan. Alam kong sobra sobrang kaba ang nararamdaman niya kaya naman natataranta na ito. Ngunit halos kalahating oras na ang nakalipas hindi parin ito bumabalik para kunin ako. Lalong nag init ang katawan ko dahil pumutok na ang panubigan ko.

"Husbieee!! Nasan kana!", sigaw ko nang bigla siya pumasok.

"Saan ka nanggaling!?",tanong ko sa kanya.

"Pumunta akong hospital!"

"Ano!? Nagpunta kana nang hospital tapos ako na manganganak iniwan mo!! Arrayy!!"

"Sorry wifey! Kaya nga bumalik ako kasi nakalimutan kita!",pagkatapos muli na naman siya lalabas.

"Saan ka na naman pupunta!?"

"Sa hospital wifey!", nasisiraan na ata nang ulo ang husbie ko. Ganto ba talaga siya kapag natataranta, hindi na niya alam ang ginagawa niya.

"Iiwan mo na naman ako hayup ka!! Manganganak na ako!!",sigaw ko sa kanya. Agad naman siyang bumalik at pagkatapos inalalayan na ako palabas.

"Mama, para po! Manganganak na asawa ko!",sigaw nito sa kalye. Muli ko siyang binatukan sa leeg. Wala na, sira na talaga ulo nang asawa ko. Kailangan pa niya atang maihatid muna sa mental bago ako magpunta sa hospital

"Bakit ka nag tayawag ng tricycle!? Nasan yung sasakyan naten!?",sigaw ko sa kanya.

"Sorry wifey! Sa sobrang pagmamadali ko para balikan ka, pati sasakyan nakalimutan ko!",napakasarap batukan talaga ng asawa ko.

"Arrayyy!! Lalabas na!! Husbie!!"

Napabalingkwas ako mula sa higaan ko. Hyyst, thanks lord panaginip lang pala. Agad akong bumangon at umupo sa kama. Napatingin ako sa katabi ko nang makitang wala na ito. Agad na akong bumangon at naglakad palabas ng kwarto. Hindi muna ako naligo dahil nilalamig pa ako. Agad aking nagtungo sa sala ngunit wala siya kaya naman sumunod akong pumunta sa kusina at naroon nga siya.

Nakita ko siyang nakatalikod. Napatitig ako sa kanya nang makita ko siyang naka sando lang. Kitang kita ang mga braso nitong maputi at makinis. Idagdag mo pa muscle na bumagay sa katawan. Sa macho niyang pangangatawan hindi mahirap maakit ang babaeng gusto nito. Muka palang nakaka akit na, katawan pa kaya.

Habang pinagmamasdan ko siya, bigla kong naalala ang panaginip ko kanina. Napapangiti ako habang iniisip ito. Hanggang sa unti unti na akong pumasok sa kusina at naglakad papunta sa kinaroroonan niya.

"Goodmorning husbie.",kusang lumabas ang salitang yon ng hindi ko namamalayan. Nais ko man pigilan yon ngunit huli na ang lahat. Napalingon na siya sa kinaroroonan at nakangiti. Gosh, wag kang ngumiti please. Lalo akong naakit sayo.

"Husbie? Haha! Anong nakain mo at tinawag mo akong hasbie?",tanong nito sa akin. Bakit ko nga ba siya tunawag na husbie? Hyst! Pahamak kang bunganga ka. Ngayon anong sasabihin ko sa kanya. Bumababa ako ng tingin dahil nahiya ako sa sinabi niya.

"Wala lang. Naisip ko lang sabihin yun. Ayaw mo ba? Ok lang naman kung Prin nalang itawag ko sayo.",sagot ko sa kanya habang papalapit ako sa kanya. At nang makalapit na ako agad namang siyang humakbang papalapit sa akin.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon