CHAPTER 55: ALICE'S POV

420 4 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Agad kong minulat ang mata ko nag inat.

"Ouch!",naramdaman kong masakit ng mga legs ko lalo na ang pagkababae. Agad akong bumangon nang makita kong wala akong saplot na damit, agad akong tumayo kahit nararamdaman ko ang sakit makuha lang ang mga damit ko. At nang maisuot ko ang mga ito. Nakita ko ang dugo na naroon sa kumot.

"Hindi, walang nangyari sa amin. Panaginip lang yon.",paulit ulit kong sinasabi sa isip ko. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo. Uuga uga akong maglakad dahil sa sobrang sakit, pero tiniis ko. Pinipilit kong gumalaw nang normal. Pagkatapos kong maligo agad kong pinalitan ang kumot at bed sheet para hindi makita ang bakas ng dugo roon.

Agad na akong bumaba matapos kong ligpitin ang higaan namin. Nagtungo ako sa garden para magpahangin.

Habang naka upo ako sa root chair, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi.

Ano bang ginawa mo Alice, bakit mo hinayaang angkinin ka ng lalaking yun.

Matagal akong nakatambay sa garden. Hindi ko alam kung makakagalaw pa ako ng maayos pag nariyan na si Prin. Alam kong alam niyang inangkin niya ako kagabi.

Pagkatapos ng ilang sandali napag isip isip kong lumabas at mamasyal sa village.

Naglalakad ako nang bigla kong makita si Dhenze. Nagdidilig ito ng mga halaman. Napapangiti naman ako habang pinagmamasdan siya.

Mahilig din pala siya sa mga halaman.

"Alice! Nandiyan ka pala.",pagkatapos kumaway ito ng ngumiti. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Baka isipin niyang pinagmamasdan ko siya, baka iniisip niya ng gusto ko siya, What the heck!

Agad siyang lumapit sa akin at pinagbuksan ang gate nila. Halos walang pinagkaiba ang laki ng bahay niya sa bahay ni Prin. Maluwang at malaki ito, may garden sa harap at sa side pool at sa kabilang side naman parking lot. Makikita mo rin ang ibat ibang sasakyang naka park doon.

"Halika, pasok ka muna.",napatingin ako sa kanya nang makita ko siya. Naka boxer lang ito at naka sando ng see through.

"Ah eh! Hindi na. Mas gusto kong maglakad lakad.",pagkatapos tumalikod na ako. Ayaw kong makita ang itsura ni Dhenze. Kahit wala siyang ayos at gulo gulo ang buhok niya, makikita mo parin ang natural niyang gwapo.

"Wait! Samahan na kita!"

"Huwag na, hindi rin naman ako magtatagal eh.",pagkatapos humakbang na ako paalis. Tingin ko ambagal kong maglakad, kanina ko pa sinimulan maglakad pero bakit nasa bahay parin nila ako. Ganto ba talaga kalaki at bahay niya at kahit isang oras na akong naglalakad narito parin ako.

"Sama ako!",pagkatapos naramdaman ko ang kamay na humawak sa balikat ko. Agad akong napalingon.

"Dhenze! Ok sasama ka pero pwede palitan mo yang damit ang short mo. Di kaba nahihiya?",usig ko sa kanya. Huminto naman ito at humarap sa akin.

"Bakit? Ok lang para makita nila ang maganda kong katawan.",tugon nito sabay kindat. Naatras nalang ako sa sobrang kaba. Bwisit na to, ano bang nasa isip nito at ganyan ang suot niyang lalabas! Hyyst! Nakaka irita sa mata ang suot niya.

"Dont tell me, pinagnanasahan mo na ang katawan ko.",bulong nito. Hindi ko namalayan lumipad ang kamay ko patungo sa kanya.

"Huh! Bastos ka! Bakit ko naman pagnanasahan yan! Huwag ka nga Dhenze!",sigaw ko sa kanya matapos dumapo ang palad ko sa balikat niya. Hindi naman ito nagalit bagkus ngumiti ito.

"Just joking, ito naman kabilis mapikon. Sige antayin mo ako rito. Magbibihis lang ako para hindi ka mairita.",pagkatapos mabilis itong pumasok sa bahay niya. Tinignan ko lang siya habang papalayo.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon