CHAPTER 4: DIMARK'S POV

1K 14 1
                                    

Kasalukuyan akong gumagawa ng report ko sa office ko ng biglang pumasok ang isa kong tauhan na si Jack. Isa siya sa mga tao ko na nagbibigay balita tungkol sa mga tao malapit sa akin.

"Oh Jack, bat ka nandito?",tanong ko kay Jack na tila may sasabihing di maganda.

"Sir,may kailangan kang malaman",tugon ni Jack.

"Ano yun?anong klaseng balita yan?",tanong ko kay Jack kasabay nun ang pagtayo ko mula sa kina uupuan ko.

"Sir,patay na po si Maam. Apple.",sagot ni Jack at pagkatapos iniabot niya sa akin ang mga larawan. Larawan niyang may tama ng baril sa ulo.

"Ano!!totoo ba ang balitang ito Jack?? Huh??!!",kasabay nun ang pag kwelyo ko sa kanya.

"Sir,confirm na po. Nabaril siya sa ulo na siyang dahilan ng pag kamatay niya ",sagot ni Jack.

"Hindi maari!! Hanapin mo ang pumatay sa kanya at pag nahanap mo patayin mo din!!",utos ko kay Jack habang ako hindi makapaniwala sa nangyari.

"Masusunod ,Sir.!",sagot naman sa akin ni Jack at pagkatapos nun nagmadali siyang lumabas sa office ko.

Lintik lang ang walang ganti. Malaman ko lang kung sino ang pumatay kay Apple, mamamatay sa mga kamay ko. Ipaghihiganti kita Apple. Hindi ako titigil para makuha ko ang hustisya sa pagmatay mo.

Pagkatapos umalis  ni Jack, tumayo ako sa kina uupuan ko. Iniisip ko ang nangyari. Di ako makapaniwala sa nangyari, dahil nag uusap lang kami kagabi. Hindi maaring malaman ni Prin ang nangyari sa mommy niya dahil kung hindi, maaaring magpakamatay ang anak ko.

Umuwi ako agad sa bahay para ayusin  ang lahat. I papa cremate ko nalang ang bangkay ng asawa ko para hindi malaman ni Prin na wala na ang mommy niya.

Pagkapasok ko sa room namin ni Apple hindi ko maiwasang maiyak. Hindi ko akalaing hanggang dito nalang ang buhay niya.

"Apple,bat mo kami iniwan ng anak mo??!",

"I thought may vacation ka lang sa italy! But why??"

"I promise, i will give you the justice!!"

Sa ilang oras na pag iisa ko sa loob ng room, hindi mo namalayang nakatulog na ako.

Brrrt!!! Brrtt!!

"Helow, Jack? Anong balita?",tanong ko kay Jack habang pilit kong minumulat ang mata ko.

"Sir, ayos na lahat. Na cremate na ang bangkay ni Maam. Apple.",bungad na sabi ni Jack.

"Sige Jack, salamat.",tugon ko naman kay Jack.

"Ibibigay ko nalang ang Abo bukas Sir.",pahabol sa sabi ni Jack.

"Teka Jack!, anong balita sa taong pumatay sa asawa ko? Nahuli naba?",tanong ko kay Jack habang papalabas ako sa loob ng room namin.

"Sir, wala pang lead kung sino, pero may mga nagsasabi na aksidente ang nangyari.",sagot ni Jack sa akin.

"Aksidente??paano?? Jack antayin mo ako pupuntahan kita",sabi ko ulit kay Jack bago ako tuluyang makalabas ng bahay.

Sinakyan ko ang kotse ni Apple. Ng palabas na ako sa garahe naka salubong ko si Prin na papasok sa bahay.

"Dad! Where are you going??", tanong ng anak kong si Prin.

"Im going to my friend.",sagot ko naman kay Prin.

"But why are you using Mom's car??,tanong naman ulit ng anak ko.

"Sorry son, i have to go. Mag usap nalang tayo mamaya.",sagot ko naman sa kanya at pagkatapos pinaharurut ko ang sasakyan papalayo.

Hindi ko alam kung paano ko itatago ang nangyari sa asawa ko. Alam kong ang anak ko ang masasaktan ng husto sa nangyari dahil si Prin ay malapit sa mommy niya. Pero kailangang hindi malaman ni Prin ang nangyari,dahil once na nalaman niya ang nangyari sa mammy niya, maaring magbago ang lahat.

Pagkarating ko sa bahay ni Jack, agad akong pumasok sa bahay niya at nakita ko naman siya.

"Ngayon mo sabihin sa akin Jack ang lahat ng nalaman mo",usig ko kay Jack habang pinagtitimpla niya ako ng tea.

"Ayon sa nakalap na impormasyon ng mga pulis. Aksidente ang nangyari. Si Maam. Apple ninakawan pala,ngayon may nakakita na hinahabol niya ang nagnakaw sa bag niya. Pagkatapos may tao daw na bumaril sa magnanakaw kaso  nung unang putok ng baril hindi natamaan ang suspek at nung  pangalawang kalbit biglang sumulpot si Maam. Apple kaya siya ang nabaril at ang masaklap sa ulo pa. Kaya agad siyang binawian ng buhay.
Eto pala ang bag niya Sir.",ang mahabang pagsasalaysay ni Jack sa nangyari.

"Mangalap kapa ng maraming impormasyon kung totoong aksidente lang ang nangyari? At alamin mo kung sino ang taong aksidenteng nakabaril sa asawa ko. At may paki usap ako sayo, hindi maaring malaman ng anak ko ang nangyari.",tugon ko kay Jack.

"Ok,Sir.",sagot naman ni Jack.

Pagkatapos namin mag usap ni Jack agad akong bumalik sa bahay para maka usap ko si Prin. 

"Oh Dad your here!",pabungad na sabi ni Prin habang paakyat ako ng hagdan.

"Yes son, may sasabihin kapa?aakyat na ako."

"By the way Dad, where is Mom?",tanong ni Prin habang papa upo ito sa sofa para manood.

Bumaba ako sa hagdan at nagtungo sa sofa para masagot ko ng maayos ang tanong ng anak ko.

"Hindi sinabi ng Mom mo na she were having a vacation in canada. Nag flight na siya kaninang umaga.",pagsisinungaling kong sabi kay Prin.

"Vacation? Wala naman akong nalaman at wala siyang sinabi sa akin na mag babasyon siya.",pag aalinlangan na tanong ni Prin.

"Yup,pinapasabi niya sayo. Biglaan din kasi, kahit ako nagulat din.",sagot ko naman kay Prin.

"How long she's having her vacation?,tanong nito ulit.

"She said, more than a year",tugon ko naman.

"Ok,paki sabi nalang kay Mom enjoy her vacation, and paki sabi wag na siyang mag alala sa akin. I will be ok",sagot naman nito agad.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Prin umakyat ako agad sa room ko para mag pahinga.

"Buti hindi niya inisip ang bakasyon ng mommy niya!"

"Hyyst!! Hanngang kailan ko itatago ang lahat ng to?"

"Kailangan maibigay kona ang kompanya bago niya malaman ang lahat, dahil kung hindi wala nang manghahawak sa kumpanya."

Nag shower muna ako bago ako humiga. Sa aking paghiga wala akong ibang naiisip kundi ang asawa ko. Sa tuwing titingin ako sa bawat sulok ng kwarto wala akong ibang nakikita kundi siya. Mahirap man tanggapin at isipin ngunit sa isang iglap nawala kana. Hindi ko mapigilang lumuha. Hanggang diko namamalayang nakatulog na ako.

Kinaumagahan hindi ko naabutan si Prin sa bahay, maaga itong pumasok sa opisina. Naalala ko nasa kotse pala ang abo at bag ni Apple. Kaya ng makita ito agad kong dinala sa kwarto.

Nang iwan kona ang gamit may biglang tumunog sa bag tinignan ko ito at nakita ko ang cellphone.

Calling Mark Prin!

Ang anak ko tumatawag sa mommy niya pero paano sa sasagutin kung ang boses ko ang maririnig niya. Kaya ni minsan hindi mo sinagot ang tawag ni Prin bagkus pinatay ko ang CP ni apple at tinanggal ko ang sim at kinalas ko lahat para wala ng matawagan si Prin.

Gagawin ko ito hindi dahil sa kumpanya o ayoko kong magbago si Prin, gagawin ko ito dahil ayokong masaktan ang anak ko. Mula ngayun pinapangako kong babawi ako. Ipaparamdam ko kung gaano ko kamahal ang anak ko.


My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon