CHAPTER 12: ALICE'S POV

640 8 0
                                    

Pagkatapos kong pumayag sa deal namin ni Prin. Hindi parin matahimik ang utak ko. Hindi parin ako sigurado sa desisiyon ko,kahit sinabi ni Prin na sya na bahala lahat sa mama ko, hindi ko parin maiwasang magduda dahil ang katulad niyang taong maitim ang budhi ay kahit kailan hindi magagawang tumulong sa usang taong magiging sagabal sa plano niya.

Pagkatapos namin mag usap ni Prin sa baywalk, agad din akong bumalik sa hospital para tignan si mama. Nilipat ba kasi ito sa ordinary room ta baka maya maya magising na ito.

Nadatnan ko naman si Anne na dadalaw sa hospital. Kayat magkasama na kaming pumunta sa loob.

"Nurse, asan na po yung babaeng nandito sa ISU?",tanong ko sa nurse nang makita kong wala na si mama sa ISU.

"Ah, si Lisa? Naging kritikal lalo ang kondisyon nya kayat nilagay siya sa ( CCU- citical care unit). Pumutok kasi ang ugat sa puso niya kayat ilang bese siyang huminto sa paghinga. Pero mgayon nasa CCU para mas mamonitor pa siya ng mga doctor.",mahabang paliwanag ng nurse.

Halos dina ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko maiwasang magulat dahil kahapon lang sinabi ng doctor na nag reresponse siya, pero bat ngayon nasa CCU ba siya?

Siguro nga kailangan ko ng i give up si mama. Masyado ng maraming nakaturok sa kanya. Sa totoo lang machine nalang bumubuhay sa kanya. Pero natatakot ako dahil si mama nalang ang nag iisang meron ako. Kahit may mga kapatid ako, hindi ko naman sila buong kapatid.

Maya maya dumating na ang mga kapatid ko. Hindi ko na kasi kayang itago sa kanila ang kalagayan ni mama.

"Kamusta si mama, ate?",tanong ni Albert habang si Jobert naman dumiretso  sa bintana para pagmasdan si mama.

"Lalong naging kritikal ang kondisyon niya, ilang beses siyang huminto aa paghinga pero wag kayong mag alala dahil patuloy parin siyang nirerevive ng mga doctok.",mahabang paliwanag ko kay Albert. Hindi naman mapigilang umiiyak ni Albert kayat niyakap ko siya.

Pagkatapos tinipon ko ang dalawa kong kapatid para sabihin sa kanila ang desisyin kong i give up na si mama.

"Alam naman natin na malala na talaga ang sakit sa puso. Maaring hindi na siya mabuhay ng matagal. At alam niyo naman siguro na machine nalang ang bumubuhay sa kanya. Kaya hinihingi ko ang desisyon nyo. Mas makakabuti kung tapusin na natin ang pag hihirap ni mama. Mas masakit na makita natin siya nahihirapan, sobrang daming mga aparatus ang naka tusok sa kanya. Kayat mas makabubutung tanggalin nalang. Para maka pagpahinga narin si mama.",mahabang paliwanag ko sa kanila.

"Ano ate? Hindi pwede! Alam kong lumalaban si mama kaya sana naman lumaban din tayo. Kahit ilang beses nang huminto ang pagtibok ng puso niya, wag naman nating siyang isuko. Dahil siya mismo ate lumalaban para sa atin!",tutol naman ni Jobert.

"Siguro nga ate, mas mabuting ipaglaban pa natin ang buhay niya. Paano kung isinuko natin sya pero may pag asa pa palang mabuhay siya. Masasakit sa atin na tapusin ang buhay, kahit wala ng pag asa. Mas mabuting antayin nalang ang kamatayan nya, kesa tayo mismo ang papatay sa kanya.",mahabang paliwanag naman ni Albert.

"Sige, ipaglalabanan natin si mama hanggang sa huling hininga niya",tuhon ko naman kasabay nun hinimas ni Anne ang likod ko.

Nanatili ang mga kapatid ko dito ng isang araw. Pagkatapos nun bumalik din sila sa probinsiya para ipag patuloy ang pag aaral. Samantalang ako naiwan naman sa tabi ni mama.

"Alice, uwi ka muna. Ako muna mag babantay sa mama mo, pagod na pagod kana, para makapag pahinga ka naman",tugin ni Anne sa akin.

"Hindi Anne, dito lang ako babantayan ko si mama. Salamat nalang Anne.",sagot ko naman kay Anne.

"Alam mo, tama ang desiyon mo. May awa ang diyos kaya hanggang lumalaban ang mama mo, magpakatatag kayo at ipaglaban din siya.",bilin naman ni Anne sa akin pagkatapos niyakap niya ako at sinabing..

"Andito lang ako Alice, hindi kita iiwan."

Natulog kaming dalawa ni Anne sa hospital. Si Anne kasi may sarili siyang bahay pero mag isa nalang siya sa buhay dahil namatay ang mga magulang niya sa aksidente, nag iisa din siyang anak. Lahat ng mga kamag anak niya nasa probisya kaya ako lang ang ang parang naging pamilya niya.

Kinaumagahan

"Alice gising!", sigaw ni Anne sa akin.

"Bakit Anne?"

Laking gulat ko ng makita ko si Prin sa harap ko. Kaya pala ako ginigising ni Anne dahil may bwisita sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?!",tanong ko kay Prin.

"Nandito ako para sunduin ang fake Gd ko.",sagot naman nito sa akin. Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ng sabihin niya iyon.

"Sige Alice, labas muna ako mukang may pag uusapan kayo",paalam ni Anne.

"Hindi Anne, dito kalang sa loob para malaman mo ang pag uusapan namin.",bilin ko naman kay Anne pag katapos tumabi sa akin ai Anne.

"Hindi moba naalala ang pinag usapan natin noon. Na tirira ka sa bahay ko ang mag papanggap bilang Gf ko. ", tugon nito. Nakita ko naman ang pagkakagulat ni Anne.

"Naalala, pero hindi ko pwedeng iwan ang mama ko ngayon. Lalo nat kritikal ang kondisyin niya. Kaya titira lang ako sayo kung maayos na ang lagay ni mama.!",sagot ko kay Prin at nvumiti naman ito bila pang aasar sa akin.

"Ngayon kana titira sa bahay. Wag kang mag alala nandiyan narin ang mga kinuha kong mag babantay at mag aalaga sa mama mo, kaya wala ka ng excuses para hindi sumama sa akin ngayon.",sumbat naman niya sa akin.

"Lumabas ka muna, may sasabihin pa ako kay Anne bago ako sasama sayo!"

Tumalikod naman ako kay Anne at kina usap siya.

"Anne, ikaw na bahala sa mama ko"

"Ano bang nangyayari? Bakit diko alam to?",tanong naman ni Anne sa akin.

"Anne, aorry kung ngayon ko lang sasabihin to. Ang totoo niyan papatayuan ng resort ang area namin pero hindi ako pumayag dahil ayokong mawalan ng tirahan at hanapbuhay ang mga tao dun. Kaya nagkaroon kami ng kasunduan. Hindi niya itutuloy ang pagpapatayo ng resort kung papayag akong magpanggap bilang gf niya para makuha niya ang mana. Kayat pinili ko ang deal na yun dahil alam kong mas makakabuti ito. Pero wag kang mag alala kapalit naman ng deal na yun, siya ang mag babayad ng lahat ng gagastusin ni mama sa hospital, sa maintenance at sa mga mag aalaga sa mama ko. Kayat Anne ikaw lang ang maasahan ko. Wag mong pabayaan mama mo huh, pangako pagkatapos ng deal na ito. Babalik din sa dati ang lahat.",mahabang paliwanag ko kay Anne pagkatapos muling pumasok si Prin, kayat wala na akong ibang magawa kundi ang tuluyang sumama.

"Anne! Kaw na bahala kay mama!",pahabol kong sigaw kay Anne. Tumango naman si Anne bilang tanda ng pag sang ayon niya.

Nakita ko rin ang dalawang kinuha ni Prin na mag aalaga sa mama.

"Ate, paki usap alagaan niyo po mama ko. Wag nyo po siyang pababayaan.",paki usap ko naman sa dalawang mag aalaga kay mama. Kaya kay Anne,tumango din sila at ngumiti.

"Aalagaan namin mama mo.Pangako.",sagot naman nilang dalawa. Hindi mo mapigilang hindi umiyak bago ako makalabas sa hospital.

At napanatag ako na may mga tao akong mapagkakatiwalaan ako sa pag aalaga sa mama ko.

Tinangay na ako ng Prin at sinakay sa sasakyan niya. Medyo naninibago ako dahik hindi ako sanay sumakay sa mga ganitong sasakyan. Nahihilo at nasusuka ako. Pero dahil mabilia at malapit lang ang bahay nila. Agad naman kaming nakarating.

"Anong ginagawa mo!?",sigaw sa akin ni Prin. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Kayat nagsuka ako pagkarating namin aa bahay nila.

"Did i till you! Na wag kang magkakalat dito aa bahay!",sigaw nito ulit sa akin.

"Pasensiya na, nahihilo kasi ako.",sagot ko naman sa kanya.

"Linisan mo yan!",  sumbat naman nito sa akin. Kayat wala din akong ibang nagawa kundi linisan ang dumi ko.

Simula na ito ng pag hihirap ko mula kay Prin. Pero pinili ko ito kaya titiisin ko hanggang matapos ang deal at pag natapos na ang lahat sigurado akong magiging maayos din ang lahat

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon