CHAPTER 17: MARK PRIN'S POV

588 8 3
                                    

Dinala ko si Alice sa isang food chain. Kanina ko pa kasi naririnig ang mga dagundong sa tiyan na. Umorder ako ng marami para masigurado kong mabubusog siya. Pagkatapos naming kumain dinala ko na siya sa bahay.

"Mang Boy, pabuhat ako ng mga to. Pakidala nalang sa loob",pakiusap ko kay mang Boy ang tagapangalaga sa garden at garahe.

Pagkatapos pumasok na kami sa loob. Tahimik si Alice hanggang maka uwi kami.

"Hey, bat napakatahimik mo?",tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at sumagot.

"Mukang nasobrahan ko ata kumain.",tugon nito.

Ang babaeng ito talaga, kahit kailan walang mabuting nagagawa.

"Paanong hindi masosobrahan kung parang patay gutom kang kumain.",sumbat ko sa kanya. Muli naman siyang nanahimik.Pagkatapos umupo ito sa sofa. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa....

"Ano ba Alice!! Wala kabang manners ha? Linisan mo yan!",sigaw ko sa kanya. Sumuka kasi siya sa floor ng hindi ko namamalayan at ang masama tumalsik sa akin ang mga patak nito.

"Wala ka talagang magandang maiidulot!",muli kong sigaw sa kanya pagkatapos umakyat na ako sa kwarto  at naligo. Kadiri kasi siya. Hindi ko masikmura ang kadugyutan niya.

Pagkatapos kong maligo muli akong bumaba para tignan kung ano na naman ang kababalaghan na ginagawa niya. Nakita ko siyang inaayos ang mga pinamili naming gamit niya.

"Yan! Siguro naman may maisusuot kana.",tugon ko sa kanya, napatingin naman siya sa akin.

"Sobra  sobra pa to. Andami nito, hindi ko ito maisusuot lahat.",sagot naman nito sa akin.

"Kailangan mong isuot lahat yan. Marami yan kaya kahit isang buwan kang hindi maglaba hindi mauubos yan.",tugon ko sa kanya. Pagkatapos unti unti niyang binuhat ang mga gamit niya papuntang kwarto. Umupo naman ako sa sala at nanood ng Tv. Ilang minuto na ang nakalipas hindi pa lumalabas si Alice kayat pinili kong puntahan siya sa kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto nakita ko siyang suot niya ang black dress na backless sa likod at may bilog malapit sa clivage. Bumagay sa kanya ang damit dahil maputi siya idagdag mo pa ang magandang hubog ng katawan niya. Hindi ko tuloy maiwasan titigan siya. Dahil pag pinagmamasdan mo siya lalo siyang gumaganda. Meron siyang mahaba at magandang kulot na buhok. Isama mo pa ang matangos niyang ilong at ang mapula pula niyang pisngi. May mga pantay at magagandang ngipin at mapulang labi.Sa pagkakataong iyon lalo ko siyang pinagmasdam dahil may maganda siyang alindog. May katangkaran din siya. Bagay sa kanya ang maging model.

"Ayyytt!! Anong tinatayo mo diyan?",tanong nito sa akin at bigla akong bumalik sa katotohanan.

"Ahm, its my room so i have the authority to enter here and why are you asking me that question?",tugon ko sa kanya pagkatapos tinitigan ko lang siya pataas at pababa.

"Eh, bakit ganyan ka tumingin? Alis ka muna at magbibihis lang ako."usig naman nito sa akin ngunit hindi ako sumunod bagkus umupo ako sa harap niya.

"Pweds ka namang magbihis dito. Bakit kailangan ko pang umalis?",tugin ko sa kanya. Pagkatapos biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Hoy!! Wag kang gagawa ng anong kalokohan. Naku!! Makakapatay talaga ako!",sabi nito habang naka pa meywang sa harap ko tumayo naman ako at lumapit sa kanya. Napa atras baman siya.

"Hep!! Diyan kalang. Wag kang gagalaw. Mapapatay kita.!",sigaw nito ulit sa akin, ngumiti lang ako habang patuloy ako lumalapit sa kanya hanggang sa napatid siya at natumba.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon