CHAPTER 61: ALICE'S POV

446 8 0
                                    

Abala ako sa pagdidilig sa mga halaman sa garden ng bigla muli akong nahilo. Ganto ba talaga kalakas ang tama ng alak sa akin? Kanina pa ako nahihilo ah.

Mabilis akong umupo at nagpahinga. Minamasahe ko ang sintido ko ang bigla akong may narinig na yabag papalapit sa akin.

"Are you ok?",tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nagulat ako ng makita ko si Prin. Bakit kaaga niyang umuwi? Wala pang alas Dose ah.

"Prin, bakit kaaga mo?",tanong ko sa kanya pagkatapos tumayo ako.

"Halika. I have something to tell you.",pagkatapos umalis siya. Agad naman akong sumunod sa kanya. Naka upo siya sa sala nang makapasok ako sa bahay. Umupo ako sa katabi nitong upuan.

"Gusto kong magpasalamat sayo dahil natupad na ang gusto ko. I already owned our company.",napangiti ako ng sabihin niya sa akin yun. Masaya ako para sayo.

"And i made it because of your help.",parang may kirot akong naramdaman ng bigla kong maalala ng deal. Nakuha na niya ang company nila, ibig sabihin tapos ng ang deal. Matatapos na ang pagpapanggap nila at nasasaktan siya pag iniisip iyon.

"Wala yon. Ginawa ko yun kasi alam kong makakatulong iyon sa akin at kay mama.",pagkatapos mapait akong ngumiti sa kanya. Alam kong inside of me nasasaktan ako.

"Then, go and dress up. Mag cecelebrate tayo.",pagkatapos ngumiti ito.

"Huh, ikaw nalang. Marami akong gagawin.", Pagkatapos tumayo ako ang nagtungo palabas ng bahay. Ayaw kong sumama sa kanya dahil alam ko sa sarili kong hindi ako magiging masaya sa celebration na yon.

"Alice! Wait!",naramdaman kong humawak siya sa braso ko. Pagkatapos pinihit niya ako paharap sa kanya.

"At anong gagawin mo? Remember may mga katulong tayo.",wika nito pagkatapos ngumiti siya. I hate that smile. Yung ngiti niyang nakaka fall.

"Please, join me. Lets celebrate.",pagkatapos bumaba ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nagtama ang mga mata namin.

"Sige, antayin mo ako. Magbibihis lang ako.",pagkatapos mabilis kong tinanggal ang kamay at nagmadali akong pumasok patungo sa kwarto namin. Kumuha ako ng isang dress na black, above the knee ito kaya naman pinarisan ko ito ng sandal na two inches ang taas. Pagkatapos nilugay ko ang kulot kong buhok at naglagay ng hairband. Lipstick lang ang nilagay ko sa muka ko. Pagkatapos nagspray ako ng pabango. Matapos kongag ayos tumingin ako sa salamin na kita ang buong katawan ko.
Ngayon na lang mangyayari to. Pagkatapos nito, aalis kana gaya ng pinag usapan niyo.

Agad akong bumaba at nakita ko si Prin na naka upo sa sofa.

"Tara na?",hindi naman siya sumagot bagkus ngumiti lang ito. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.

"Did i tell that you are beautiful.",pagkatapos ngumiti ito. Labas ang mga dimple malalim.

Magkasabay kaming lumabas ni Prin sa bahay. Agad kaming sumakay sa sasakyan nito. Muli akong nakramdam ng hilo kaya naman inihilig ko ang ulo ko at pumikit.

"Alice, wake up!",agad kong minulat ang mga mata ko. Pinalibot ko ang tingin ko at nakita ko si Prin na nakatayo sa tabi ko. Agad akong bumangon at lumabas ng sasakyan.

"Nasan tayo?",tanong ko sa kanya. Napakaganda kasi ng lugar. At kung titignan mo para itong beach resort.

"Narito tayo sa beach resort namin.",namangha ako sa sinabi niyan. Hindi mo talaga maikakailang mayaman sila. Napakadami nilang business at company.

My Dark Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon