Third person pov's:
Sobrang daming mga bampira at lahat sila ay nakalabas ang kanilang mga pangil at mga mata nilang kulay pula,halata sakanila ang pagdiriwang,na magaganap....nalalapit na ang kanilang tagumpay..
Sana lang ay magtagumpay sila...
"Oras na para gawin ang dapat gawin bukas ng gabi ay dadakpin nyo ang babae"sabi ng isang lalaking pinuno ng friage..
"Paano ang mga kasama nya?"tanong ng isang lalaki.
"Syempre patayin nyo alangan namang hayaan nyo lang!!"sya.
"Nalalapit na.......ilang araw nalang aming panginoon ay mabubuhay kang muli!!"
Nagsigawan ang mga bampirang naruruon na animoy mga nagwawalang nga hayop..
Nalalapit na ba ang muling paglalaban ng iba't ibang uri ng bampira?
Nalalapit na ba ang maaring maganap sa hinaharap?..
*********
CLARENCE'S POV:
Napabangon nalang ako dahil sa masamang panaginip,pinagpapawisan ako na pawang kagagaling lang sa pagtakbo...
Napatulala ako bigla....
*Dream*
Takbo....
Takbo...Tumakbo ka lang Clarence hanggang sa kaya mo pa....pero kahit anong takbo ko parang hindi ako nakakalayo...ano bang nagyayari... Bakit hindi ako umaalis sa pwesto ko..
Halos tumulo na ang mga pawis ko dahil sa pagtakbo pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko..
"Ano bang nagyayari!?"tanong ko sa sarili ko.
Biglang nagdilim ang paligid..hindi ko namalayan na nasa isang silid ako na hindi pamilyar nakaupo ako sa isang kama na kulay pula...sa buong sulok ng silid ay kulay pula lang ang kulay..
Humarap ako sa salamin at nakita ko ang aking sarili ngunit may napapansin ako..
Nagiba ang itsura ko ang buhok ko at ang damit ko..'hindi ako yan'sabi ko sa isip ko.
Mas nilapit ko ang mukha ko sa salamin at pinagmasdan mabuti ang repleksyon ko.hinawakan ko pa ang salamin ng biglang ngumiti ang repleksyon ko at napatingin nalang ako sa kamay ko na may dugo...
Lumaki ang mata ko sa nakita ko at lumayo sa salamin...nakatingin parin ako sa kamay kong may dugo..napatingin naman ako sa kabila kong kamay na may hawak na ispada..
"Teka saan galing tohh?b-bakit ako may hawak na ganto?"naguguluhan ako at sobrang natatakot..
Lumabas ako ng kwarto na hawak parin ang ispada..'ano ba itong lugar na ito..'
Nagsitayuan ng todo ang balahibo ko at natatakot..
Pagkababa ko ng hagdan bumungad ang mga bampirang nasa sahig at wala ng mga buhay ang iba ay unti-unti ng nagiging abo..
Ano na bang nangyayari?
May bigla nalang na may tumama saaking dagger sa aking binti mabilis na namanhid yun..lumingon ako sa grupo ng mga hindi ko kilala nagulat nalang ako na isa nilang kasama...at may nakita akong isang bagay..
Bigla akong napaluha???bigla nalang akong tumakbo hindi ko makontrol ang katawan ko parang may ibang kumokontrol...
Takbo lang ako ng takbo...
Takbo...takbo...
Hanggang sa nahulog na ako sa bangin na sobrang lalim na parang wala ng hanggan...
BINABASA MO ANG
Sweet Blood (My Vampire Lover)|COMPLETED|
VampireI'm one of those who are alone no friends and parents but one day everything changed in my life. in the unforeseen circumstances of my life. Everything is so complicated, my peaceful life has become a frightening and horrible. Then,what happen next...