CHAPTER 49:PAST#8

18 2 0
                                    

CHAPTER 49:PAST #8

Victoria pov:

Pabalik na ako sa kampo ng sumagi sa isip ko si Zyleer, hindi ko maintindihan pero sigurado akong nasa maayos syang kalagayan kaya hindi ako nakakaramdam ng kaba.

Marami akong iniisip habang naglalakad pabalik, gaya ng tungkol sa mga kalahi ko, may kakaiba rin ako’ng nararamdaman sakanila at sa kapatid, pero hindi ko malaman kung ano yun na ba yun.

Tama ba ang gagawin kong hindi pagtulong sakanila? Sinusubukan ko’ng wag na lang sila’ng pansinin ngunit hindi ko maiwasan, kung hindi ko sila tutulungan para saan pa ang pag-aaral ko ng mga halama’ng gamot. Kung tutulungan ko sila ay paniguradong pag-aawayan ulit namin yun ni ate Sammer.

“pssst”

Napa masid ako sa paligid ng may marinig ko. Pinakiramdaman ko ang bawat pagihip ng hangin at pag-galaw ng mga sanga ng puno. Nakalanghap ako ng seresa at rosas sa paligid na satingin ko ay hindi ito ang una na naamoy ko ‘yun.

Dug...dug…..dug…dug….dug..dug…

Napahawa ako sa dibdib ko ng maramdaman ang malakas na pagkabog nun, at dahil sa katahimikin ay naririnig ko rin yun, hindi ko alam kung anong klaseng pagkabog ito, kinahabahan ba ako?

“sino ka?”

“magsalita ka”

Walang sumasagot kaya humakbang ako ng isa paabante.

“hindi mo pa rin alam kung sino ako?”

Isang boses ang napaka Pamilyar, at naintindihan ko na kung bakit ganito ang pagkabug ng dibdib ko.

“kamusta?” bulong sa tenga ko na ikina-taas ng balahibo ko. Naramdaman ko ang paghaplos nya sa balat ko na dahilan ng paglunok ko ng laway.

Humarap ako sakanya at mabilis na niyakap sya. Nakaramdan ako ng tuwa sa puso ng mayakap sya, ganito pala ang pakiramdam pag nagmamahal hindi mo matiis na yakapin ang minamahal mo at sabik na makita ang mahal mo kahit na minuto at ilang oras pa lang ang lumilipas. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya sa puso ko. Ang akala ko ay napatay ko na sya, buti na lang ay hindi nangyari iyon dahil malulungkot ako ng sobra. Nawala ang ibang nararamdaman ko at lahat ng iyon ay napalitan ng saya.

“patawad sa ginawa ko” mahinang usal ko, hindi sya nagsalita bagkus ay naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap nya saaki’ng bewang, tipid ako’ng napangiti dahil sa yakap nya’ng yun at kahit na hindi nya ako sinagot ay pinaramdam nya saakin kung ano ang sagot nya.

“ayos ka lang ba?” humiwalay ako sa pagkakayakap at gustong titigan ang mga mata nya, gusto ko’ng malaman kung ayos lang ang lagay nya.

“ayos lang ako pero sana wag mong uulitin” bumungad sakanya ang tipid na ngiti.

“pangako hindi ko na uulitin!”

“paano naman ako makakasiguro na totoo ang sinasabi mo”

“may isa’ng salita ako!” tipid kong pinakita sakanya ang mga ngiti ko sa labi.

“aasahan ko ‘yan”

Tinanguan ko sya at hindi napigilan ang sarili’ng yakapin sya.

Ito na ba ang oras para sabihin ko ang nararamdaman ko sakanya o sa susunod na araw na lang?
Kumalas ako sa pagkakayakap at kita ko sakanya ang pagtataka. Huminga ako ng pagkalalim-lalim.

“may gusto ako’ng itanong sayo”

“ano naman ‘yun?”

“ano’ng nararamdaman mo?” nagsimula’ng kumabog muli ang dibdib ko dahil sa kaba’ng nararamdaman habang hinihintay ang sagot nya.

Sweet Blood (My Vampire Lover)|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon