CHAPTER 44: PAST#3
Nagpaulit-ulit ang mga sumunod na pangyayari. Gaya ng dati tuwing gabi ay umaatake ang mga bampira at sa pagsapit ng umaga ay ganun parin ang naaabutan ni Victoria sa tuwing gigising sya ay wala na ang kapatid naging madalas na rin ang paglabas nya ng bahay at pumupunta ng kagubatan at dun siya nagbabasa ng aklat na kanyang kinuha mula sa matanda. At sa tuwing pumupunta sya gubat ay hindi nya maiwasang hanapin si Zyleer may kung anong meron sa lalaking yun kung bakit sya nagkakaganito malamang ay dahil may gusto na ito sakanya ngunit hindi parin sya nakakasigurado sa nararamdaman.
Victoria’s pov:
Gaya ng dati ay wala na naman si ate sammer kahit sa kusina ay wala sya kaya ang lagi kong ginagawa ay aalamin ko muna ang mga lagay ng aking mga kasamahan bago ako dumako sa kagubatan, ngayon ko lang napansin na mas magandang magpahinga sa gubat hindi lang ito tahimik kundi rin malamig ang simoy ng hangin roon.
Naririto ako sa pinagtatambayan ko nung una kong nakilala ang lalaking nag-ngangalang zyleer, aaminin ko na makisig sya at mukha namang mabait ngunit hindi parin nawawala sa isip ko ang mga kauri nila na ginagawa sa mga kauri ko.
Pinag-tuonan ko ang aking sarili sa pagbabasa ng aklat unti-unti o naman na itong naiintindihan ngunit lamang parin ang katanungan sa kuryosidad ko dahil sa aklat na ito.Pamilyar ang mga dahong gamot saakin na nakalarawan rito kaya binasa koi to maigi at doon ko lang na tuklasan na kung anong nagagawa ng mga ito para makapagpagaling binasa ko rin kung ano ang mga kakailanganin sa pag-gawa.
“isang berdeng kandila para sa pang-gagamot, mga dahon na kakailanganin, tubig, isang kotsyaritang asin para mabuo ang gagawing lunas” matapos kong mabasa ang mga sangap ay nagtungo na ako agad sa proseso.
“sindihin ang kandila at ipaghalo ang tubig at asin para sa dahon ay durugin ito hanggang sa maging pino at ihalo sa tubig na may asin….” Napahinto ako sa pagbabasa ng mabasa ang mga dasal para maging epiktibo ang ginawang lunas binasa ko iyon ngunit hindi koi yon maintindihan.
“sabi ko na nga ba’t nasa saiyo ang aklat na iyan” isang boses matanda ang nagsali ta kaya nilingon ko ito.
‘si apong guang’
“apong” tawag ko sa pangalan nya.
“kamusta naman ang pagbabasa mo nan?” tanong nya.Hindi ko sya naisagot bugkos ay nagtanong ako, gusto kong malaman kung bakit may ganito sya.
“isa ho ba kayong mang-gagamot?” tanong ko
Ngumiti ito.“hindi lang ako isang mang-gagamot iha mas mataas ma riyan” usal nya na ikina taa ko. Ano ang ibig nyang sabihin? mas mataas pa ngunit ano naman iyon?’
“halika iha kung gusto mong matutunong mang-gamot ako ang makakatulong saiyo” usal ni apong.
“gusto ko ho apong, para matulungan ko ang aking mga kalahi!” sagot ko sakanya.
“tuturuan kita kung papaanong gawin ang mga ito sa isang kundisyon, papaya ka ba?” tanong nito saakin nasilayan ko ang kakaibang ngiti nya sa kanyang labi. Kinabahan ako sa pagababago ng anyang awra nagsitaasan ang aking balahibo sa buo kong katawan. Gusto ko syang tanungin kung bakit ganyan nalang sya makangiti dahil sa tanong nya saakin.
BINABASA MO ANG
Sweet Blood (My Vampire Lover)|COMPLETED|
VampirI'm one of those who are alone no friends and parents but one day everything changed in my life. in the unforeseen circumstances of my life. Everything is so complicated, my peaceful life has become a frightening and horrible. Then,what happen next...