CHAPTER 45: PAST#4

21 3 0
                                    

CHAPTER 45: PAST#4

’ang akala ko ay katapusan ko na.’

“ayos ka lang ba?” isang Pamilyar na boses ang narinig ko mula sa di kalayuan na-alarma ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ngunit hindi ito ang panahon para alamin ang nararamdaman ko.

“wala kang paki-alam!!! Kaya umalis ka!!” galit na sigaw ko

“kung aalis ba ako ay mawawala ba ang galit na nararamdaman mo?” tanong na naman nya, kaya kumigpit ang pagkakahawa ko sa punyal at nanginginig ang kamay ko dahil sa galit.

“hindi!! At wala kang karapatang makialaman ang nararamdaman ko!! Kaya umalis ka na kung ayaw mo pang mamatay!!” sigaw ko nangingid na ang luha ko dahil sa galit sa loob-loob ko gusto kong bumalik dun at sunod-sunod silang patayin pero naisip kong hindi ko yun magagawa.

Nabigla ako sa pagsulpot nya sa harap ko at mabilis na niyakap kaya hindi agad ako nakapalag. Yakap nya ako gamit ang isa nyang kamay na makalagay sa likod ko at ang isa naman nyang kamay ay hawak ang pulsuhan ko na may hawak na punyal.

“hindi ko man nararamdaman ang nararamdaman mo ngayon ay naiintindihan kita” bulong ny sa tenga ko. Pilit kong hindi pinapakinggan ang sinabi nya at inisip ang mga masasama nilang ginawa.

“naiintindihan kong galit ka naiintindihan kong ginagawa mo ito dahil ayaw mo ng ganito pero sana inisip mo kung anong posibleng mangyari pagkatapos mong gawin ang mga ito” mahinahong sabi nya. Hindi ko na naiwasang pakinggan sya alam kong seryoso sya sa sinasabi nya dahil sa malamig nyang boses. Kumalma ako at nabitawan ang kawak ko dahilan para lumuwang ang pagkakahawak nya saakin.

“hindi lahat ng pambira dito ay inaatake ang kampo nyo—“ hindi to ko ang sasabihin nya at tunulak ko sya papalayo saakin.
“huh! wag ka ng magbait-baitan pa, k-kahit na hindi lahat kayo ang gumagawa saamin nito bampira parin kayo, pumapatay!!!!!” sigaw ko at ayun na na naman ang mararamdaman kong galit.

“kaya wag mo ng umasang maniniwala ako sayo dahil kung ang isang bampira pumapatay ganun rin ang lahat!” sigaw ko.

“walang pinagkaiba! Kaya umalis ka na at baka mapatay pa kita!!” sigaw ko hindi ko na sya narinig nagsalita at gaya ng sinabi ko ay umalis sya.

‘kahit kailan hindi nyo ako mapapaniwala sa mga sasabihin nyo dahil alam ko ang ginagawa ko at alam ko kung ano ang totoo wala na akong pakialam kung bigla nyo nalang ako patayan pero kahit ano pang mangyari ay lalabanan ko kayo sa ano mang paraan’

Muli kong kinuha ang punyal ko at naglakad pabali sa kampo, at mga ilang minuto lang ay nakita ko ang mga bahay-bahay kaya lakad takbo na ang ginawa ko para mabilis na makarating.

Bumungad saakin ang iilang kababaihan na nakahiga sa lupa kaya agad ko itong nilapitan at ng malapitan ko ay agad ko itong iniupo sa isang upuang kahoy.

“dalhin nyo ang ibang sugatan dito” utos ko nilapag ko ang punyal sa isang mesa at tinignan ang mga sugat nila.

“dyan lang kayo gagamutin natin iyon wag kayong mag-alala” sabi ko sakanila na ikinatango sila. Iniwan ko sila at mabilis na pumunta sa bahay at kumiha ng pandikdik,mangkok, at dumako ako sa likod para kumuha ng dahon, hindi ko alam kung ano ng pangalan ngunit natatandaan ko kung ano ang nagagawa nito.

Sweet Blood (My Vampire Lover)|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon