CHAPTER 50 PAST#9

19 2 0
                                    

CHAPTER 50:past #9

Victoria Pov’s:

“papatayin kita” seryoso’ng usal ko na ikinatigil nya sa paghinga nya at naistatwa.

“A-ano’ng sabi mo?” nauutal na tanong nya.

“Di ba ang sabi mo, mahal mo ako?”

“O-oo!”

“dahil sa sinabi mo’ng yan, papatayin kita ng pagmamahal ko!” abot tenga ang ngiti ko sakanya ng sabihin ko yun, ngayon nabawasan ang bigat na nararamdaman ko, hindi ko na rin iisipin pa kung kailan ko plano’ng sabihin sakanya ang mararamdaman ko. Kasabay ng paghinto ng ulan ay nabitawan nya ang hawak nya’ng payong at wala’ng pasabi’ng hinila ko palapit sakanya at kinulong sa mga bisig nya. Napakasarap sa pakiramdam na parehas kami ng nararamdaman.

“ang akala ko kung ano ang sasabihin mo” usal nya at kumalas sa yakap, Ngumiti lang ako sakanya at hinawakan ang balikat nya. Nagulat na lang ako ng biglang lumaki ang mata nya habang nakatingin sa’kin na ikina-taka ko naman.

“bakit?” tanong ko

“ano’ng nagyari sa buhok mo?” tanong nya saakin kaya tinagilid ko ang buhok ko para makita.

“wala naman ah?” usal ko

“May ibang parte ng buhok mo ay olandes!”

“olandes? Wala ako’ng makita” usal ko

“Ito, nasa harap mo” hinawi nya ang buhok ko at pinakit ang buhok ko nga’ng may kulay. Napatitig naman ako roon at takang tinignan.

‘bakit ganito ang kulay ng buhok ko?’

“ano’ng nangyari dito?”

“hayaan mo na yan Zyleer, maliit na problema lang ‘yan” Inayos ko ang buhok ko at tinakpan ang may kulay ng itim ko’ng buhok. Ano ba kasing nangyari dito.

“aalis na ako!” usal nya nabalik ako sa riyalidad ng sabihin nya yun, wala naman ako’ng magagawa kundi ang tumango.

“magiingat ka”

“oo”

Umlis na sya at heto na naman ako at mag-isa sa gubat, naisip ko’ng tumungo sa bahay ni apong guang para ipaalam sakanya kung ano’ng meron dito sa buhok ko atnagka-ganito. Nagsimula na ako’ng paglakad papaunta sa bahay nya, maingat ako’ng naglakad dahil madulas ang lupa dahil basa.

“apong guang!” usal ko.

SHWEEWW**

Umihip ang hangin dahilan para gumulo ang buhok ko, inayos ko yun at binuksan ang pinto ng bahay ni apong guang, gaya ng huli ko’ng punta dito ay ganun pa rin ang itsura.

“apong guang!” pag uulit ko sa pangalan nya.

“oh, ano’ng ginagawa mo dito iha?” tanong nya. Agad naman sya’ng napatingin sa’kin at dumako ang mata nya sa buhok ko. Hindi na ako mapakali dahil gusto ko’ng malaman ang nangyayari sa buhok ko. Tumaaas ang balahibo ko dahil sa kakaiba’ng nararamdaman ko ngayon.

“ano’ng nangyari dyan sa buhok mo?” tanong ni apong na ikinataka ko dahil ang akala ko ay alam nya ang nangyayari sakin.

“hindi nyo ho alam?” nangangamba’ng tanong ko sakanya na mas ikinabog ng puso ko, tumaas pa lalo ang balahipo ko ng ngumisi sya na para’ng baliw at sigurado ako’ng alam nya ang sagot sa tanong ko.

Sweet Blood (My Vampire Lover)|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon