CHAPTER 51:PAST#10

17 2 0
                                    

CHAPTER 51:past#10

Victoria pov:

Seryoso pa rin ako ng makarating sa bahay, iniisip ko ang desisyon ko na tutulongan ko ba ang kalahi ko, minsan ay iniisip ko na sige dahil para sa lahat naman ngunit niisip ko rin ang sinabi ni ate sammer na kasalanan ng isa kasalanan ng lahat at ang pagkakaintindi ko roon ay kung nagtraydor ang isa ay magtatraydor rin ang lahat, ngunit ramdam ko at ang alam ko’ng sinasabi ng puso ko ay tulungan sila. Kahit na napapaniwala ko ang isip ko sa mga sinasabi kong tama na ito hindi naman sumasangayon ang puso ko at pinipigilan nito ang sinasabi ko sa isip ko.

“tila napaka lalim ng iniisip mo” nawala ang iniisip ko ng bigla’ng magsalita si ate sammer na papalapit na ngayon sa’kin. Naalala ko ang nangyari kanina, alam ko na sya ang nagsalita kanina at ang akala ko ay mali ang iniisip ko’ng kasamahan nya ang mga bampira kanina, buti nalang ay mali ako.

“wala ito” usal ko at binalik ang tingin sa lamesa habang tinititigan ang baso na may tubig.

“ate sammer, buo na ang desisyon ko” sanabi ko yun habang nakatingin sa baso,hindi ko alam kung ano ng reaksyon ng mukha nya dahil nasa likod ko sya.

“A-ano’ng desisyon ang sinasabi mo?” tanong nya

“sasang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo pero sana hayaan mo’ng gamutin sila sa huling pagkakataon” seryoso’ng usal ko, sandali sya’ng natahimik pero agad ri’ng nagsalita.

“s-sige pumapayag na ako!” usal nya, tatango-tango ako at ininum ang tubig sa baso.

‘maging tama sana ito’ng huli ko’ng desisyon’

“lalabas muna ako!” usal ko at tumayo.
“sige, mag-iingat ka!”
Lumabas ako para kamustahin ang lahat, kumatok ako sa iba’ng bahaypara matignana ng mga sugatan at ginamot hangga’ng sa kumatok ako sa isa’ng bahay at pagbukas nun ay ang matanda’ng kumatok sa bahay namin dati.

“pumasok ka!” aniya

“narito ako para siguraduhi’ng ayos ang kalagayan nyo dahil ito na ang huling pagtulong ko sainyo”

“iha, ano ang ibig mong sabihin?”

“nagdisisyon na ako at ang desisyon ko ay huwag na lang mangealam”

“hindi mo na kami tutulungan?ang lahat dito ay umaasa sa katapangan mo”

“ngunit ang karamihan ay nagtatraydor”

“wala’ng nangyayari’ng ganoon rito iha” usal ng matanda kaya nagkaroon ako ng interes na tanungin sya ulit.

“may mga iba rito na kinakausap ang mga bampira para patayin ang lahat at maligtas ang sarili nila,tapos sasabihin nyo’ng wala’ng nangyayari’ng ganoon?”

“dahil wala nama’ng nangyayari’ng ganoon,sabi ba yan ng kapatid mo?” tanong nya at hindi ako nakapagsalita.

“kung tama ako, ako na ang nagsasabi’ng nagsisinungaling sya sayo—“

“hindi nya magagawa yun, at isa pa,wala’ng maykarapatan sainyo ang pagsabihan ng sinungaling ang kapatid ko dahil hindi sya ganun” tumaas ang dugo ko dahil sa inis na nararamdaman,pero pilit kong pinapakalma ang sarili dahil  ayaw ko’ng katakutan nila ako,ang gusto ko lang ay gamutin ang sugatan at tignan na ayos lang sila at hindi makipagtalo.
“talaga ba’ng kilala mo ng husto ang iyong kapatid Victoria?” napatingin ako ng may pagtataka dahil sa tanong nya na para’ng mas kilala nya ang kapatid ko kesa saakin.

“ang lahat ng sinasabi nya ay hindi totoo”

“paano kayo nakakasiguro na tama ang sinasabi nyo at mali ako,wala kayong alam tungkol sakanya”

Sweet Blood (My Vampire Lover)|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon