CHAPTER 46:
SWEET BLOOD CHAPTER 46
FAST FORWARD*
Victoria pov's:
Hindi na nga nagbago ang isip ko at dito na kay apong matutulog, gabi na rin at nag-aayos na ng higaan. Iniwan ko saglit ang ginagawa ko at lumapit sa bintana, pagkalapit ko bumungad saakin ang Malaki, maliwanag at bilog na buwan. Tinitigan ko 'yun at bumuntong hininga ng maalala ang aking kapatid. Bihira lang namin masilip ng ganito ang buwan tuwing gabi dahil sa ganitong oras ay dumarating na ang mga bampira.
Ang gandang pagmasdan ang buwan dahil ito ang nagsisilbing ilaw tuwing gabi, tuwing tititigan ko ito ay gumagaan ang pakiramdam ko samahan pa nito ang mga bituin na nakapalibot sakanya at ang bulalakaw na gumuguhit sa kalangitan at mabilis ring naglalaho. Ang sabi ng aking ina na ang mga bituing malalaki at kumikinang ay ang aming mga ninuno, maaari kang humiling ng kung anong gusto mo, kung hindi naman ay sabihin mo lang ang gusto mong iparating sakanila at pakikinggan ka nila. Naghanap ako ng bituing kumikinang ngunit halos lahat ay kumikinang ngunit may umagaw ng atensyon ko ang isang malaking bituing kay lakas ng kinang kaya tumitig ako dun at nakaramdam ako ng tuwa ng tinitigan ko iyon.
"kay ganda mo namang bituin!" usal ko sabay nguniti, kuminang naman ito naparang sumagot sa sinabi ko.
"gusto kong iparating sa'yo na sana'y silipin mo ang aking kapatid kung nasa mabuti siya'ng kalagayan" kausap ko sa bituin. Mga sandal pa ay muli ito'ng kuminang ng napaka-lakas. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"iha hindi ka pa natutulog?" nai-alis ko sa'king paningin ko sa kalangitan ng mapatingin ako sa likod ko kung saan ay may nagsalita. Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng papag.
"matutulog na ho ako apong sumilip lang ho ako saglit sa labas para makita ang napaka-gandang buwan" usal ko at itinuloy ang pag-aayos.
"ganun ba? Sya nga pala pagpasensyahan mo na ang silid na ito" usal nya at tumingin naman ako sa mukha nya.
"ayos lang yun apong matanong lang kung kanino itong silid?" tanong ko sakanya
"sa aking anak na babae ito" sagot nya at inilibot ang paningin sa loob ng silid.
Parang mali ang naitanong ko sakanya ng makita ko kung gaano nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya.
"oh sya matulog ka na dumaan lang ako para tignan ka" pag-iiba nya ng usapan kaya hindi na ko nagsalita pa at tumango nalang bilang sagot sakanya. Isinara na nya ang pinto ng makalabas sya sa silid kaya agad kong naibaling ng atensyon ang paglatag ng pumot. Tumayo ako naman ako at nilibot ng tingin ang paligid.
Gaya ng nakita ko sa mesa ni apong ay marami ring aklat na nakahilera sa isang lalagyan. Kaya nakaroon ako ng interes na silipin ako ang mga aklat na yun. Mula sa unang hilera, una kong kinuha ay ang nasa unahan. Nagulat nalang ako ng makita kung ano ang nakasulat dun.
Mas naging interesado pa ako ng makita ang mga nilalaman ng aklat na hawak ko kaya pagkatapos kong makita ang unang aklat ay kumuha pa ako ng isang libro at gaya ng una ay ganun rin ang nilalaman. Hindi ako makapaniwala na baka ang lahat ng aklat dito ay ang laman ay tungkol sa ginagawa ng mga mangkukulam at mga itim na mahika na ikinataas ng balahibo ko. Lahat ng aklat ay binuklat ko ngunit iisa lang ang laman at habang binabasa ang isa sa mga yun ay umihip ang malakas na hangin at pumasok sa silid na ito, dahil sa ihip ng hangin ay gumalaw ng gumalaw pataas ang kurtina, kaya agad akong lumapit sa bintana para agad na isara yun. Dumampi sa'king balat ang malamig na hangin mula sa labas na ikinataas ng balahibo ko sa buong katawan, kinabahan ako bigla sa hindi ko malamang dahilan. Nang maisara ko ang bintana ay gumalaw bigla ang isang aklat at mag-isang nililipat ang mga pahina ng mabilis. Napatakip ako sa bibig ko para hindi sumigaw sa nakikita ko ngayon, sobrang bilis ng kabog ng puso ko na parang lalabas na ito sa kinalalagyan nya. Ilang sigundo pa ay huminto na ito sa pag-galaw at dahan-dahang lumapit dun.
BINABASA MO ANG
Sweet Blood (My Vampire Lover)|COMPLETED|
VampireI'm one of those who are alone no friends and parents but one day everything changed in my life. in the unforeseen circumstances of my life. Everything is so complicated, my peaceful life has become a frightening and horrible. Then,what happen next...