CHAPTER 52:PAST#11

23 2 0
                                    

CHAPTER 52 PAST#11


Madilim na ang paligid at ang bilog na buwan na lang ang nagsisilbing ilaw sa gabi, mga nagsisikinangan na mga bituin sa langit, malamig at malakas na ihip ng hangin dahilan para sumayaw ang mga sanga ng malalaki’ng puno sa kagubatan, mga insekto at hayop na nag-iingay sa buo’ng lugar. Napakatahimik at pawang wala’ng nangyayari’ng masama ngunit sa bahagi ng lugar ay may kakaiba’ng nangyayari.

Kasalukuya’ng inaatake na ng mga bampira ang mga sweet blood at ni-isa sa mga iyon ay wala sila’ng pinapalagpas na buhayin, patuloy na nagsisigawan ang mga ito habang sinisipsip ang mga dugo nila. Ang karamihan ay lumalaban at may mga hawak na patalim, kung ito na ang kanila’ng huli nararapat lang na lumaban sila,matagal silang nanahimik ngunit ngayo’ng gabi na ito ay lalaban sila hangga’ng sa makakaya nila. Hindi lang pala mga royal blood ang umaatake rito kundi ang mga friage rin at tila ba nag-aagawan sila ngunit walang nagaganap na away.

Sigaw, tili, at tunog ng mga patalim lamang ang maririnig sa lugar na ‘yon at wala ng iba’ng ingay na kasama, ito na nga ba ang katapusan ng mga sweet blood lalo na’t ang inaasahan nilang magliligtas sakanila ay sinukuan na sila at tuluyan ng nalason ng kapatid ang utak ni Victoria. Wala na ba’ng paraan para matigil na ang nangyayari ngayon, hindi na ba nila maabutan ang pagsikat ng araw kinabukasan. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang paghihirap, dahil nakakasiguro na sila na hindi na sila masisikatan pa ng araw at hindi na muli’ng masisilayan ang kagandahan ng mundo, pagkatapos nito ay magiging isa’ng bangkay na lamang sila at kalauna’y maagnas ang buo nila’ng katawan.

“wala’ng dapat itira” usal ng isang lalaki habang kampanti’ng nakatingin sa nangyayari na para’ng sakanya ay palabas lang ang mga ito. Wala’ng bakas ng imosyon sa kanya’ng mukha at panatag lang ang loob at hindi nakakaramdam ng awa. Tunay nga bang walang awa ang mga bampira.

“itigil nyo na ito” isang sigaw ang nakapagpahinto sa mga bampira at mga lumalaban na sweet blood, nakatayo si Victoria sa hindi kalayuan. Kita’ng kita nya ang mga kalahi nya na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay,ang ibang bampira na napatay nila ay nasa lapag rin at unti-unting nagiging abo.

Dahil sa nakita ni Victoria na istatwa sya sa kinatatayuan nya, kalat ang mga dugo sa lupa at mga patalim na may dugo.

“ikulong sya” usang utos na agad na ikinakilos ng dalawang bampira at agad na hinawakan sa magkabilang braso si Victoria. Hindi naka-galaw si Victoria dahil hindi nya lubos maisip na unti-unti na sialng nauubos,hanggang sa namalayan na lang nya na nasa isang kwarto sya at naka-kandado na ang pinto.

“palabasin nyo ako rito”

“magbabayad kayo sa ginagawa nyo’ng ito at sisiguraduhin ko’ng uubusin kayo” sigaw ni Victoria habang kinakalampag ang pinto,hindi nya alam ay wala’ng nakabantay sakanya at wala’ng nakakarinig.

Wala ng nagawa si Victoria at umupo sa kama habang naka-kuyom ang kamaonya dahil sa sobra-sobrang galit na nararamdaman. Tuluyan ng nag-iba ang kulay ng kanya’ng buhok,ramdam nya ang init na dumadaloy sa dugo nya,ang mga mata nya na nag-iinit at nagiging uya asul na may lila. Ang kanina’ng damit nya’ng pantulog ay naging isang magara’ng bistida na mahaba at binabalutan ng kulay dugo.


Victoria’s POV:

“papatayin ko kayo’ng lahat!!” sa sobrang sakit hindi ko napigilang mang-gigil,pagbabayaran nila ang ginawa nilang ito,pinakiiusapan ko sila ng maayos ngunit walang nakinig,simula ngayong gabing ito magbabago ang lahat,wala na akong paki kung ito na ang huli ko sa mundo ang mahalaga ay makapaghiganti ako sakanila at patayin sila hanggang sa maaabot ng makakaya ko. Mula sa panaginip nagising na ako sa katotohanan gagamitin ko ang lakas ko para patayin sila,tinatanggap ko kung ano nga ba ang kapalaran ko,kung san una pumapatay ako ung kinakailangan ngayon papatay ako sa sarili ko’ng kagustuhan ito ang buhay ko, nabubuhay ako para pumatay.

Sweet Blood (My Vampire Lover)|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon