CHAPTER 47:PAST#6

19 2 0
                                    

Chapter 47:past#6

Victoria pov’s:

Gising na ang diwa ko at agad na bumangon sa pagkakahiga, ramdam ko ang katawan ko ay sobra’ng gaan, tila lumulutang sa ere ang aki’ng katawan. Pagka-tayo ko ay ininat ko ang aki’ng katawan at pagkatapos ay muli ko’ng binaling ang pinaghigaan ko para tupiin.

Iniisip ko kung bakit ang gaan-gaan ngpairamdam ko ngayon kaya inisip ko kung anng ginawa ko kagabi. Napahinto ako sa aking ginagawa ng maalala ang nagyari kagabi kaya mabilis ako’ng bumaling sa mesa kung saan naruruon ang mga aklat na binuklat ko kagabi at ang naalala ko ko’ng aklat na mag-isang lumilipat-lipat ang mga pahina. Kaya nakaramdam ako ng takot at kaba ngunit pinigilan ko yun dahil ayoko’ng takutin ang sarili ko.
“isa lamang iyong panaginip” sinusubukan ko’ng mapaniwala ang aking sarili na isa lang iyong panaginip. Humugot ako ng malalim na hininga at binuga para maalis ang nararamdaman ko.

Matapos ko’ng ayusin ang pinagtulugan ko ay agad na ako’ng lumabas ng silid, pagalabas o ay nilibot ko ang kabuoan ng bahay ni apong guang. Maliit at lumana ito, marami ng sapot at maalikabok. Inalis ko na ang tingin ang paligid at naglakad palabas hindi ko malaman kung bakit ako lalabas at tila ang tagal ko’ng hindi lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ay nilanghap ko ang simoy ng hangin, ramdam ko ang pagdampi ng mahinang hangin sa’king balat na tila hinahaplos ako.

“gising ka na pala!” usal ng nasa likod ko, nilingon ko ‘yun at bumungad saakin ang matandang may hawak na tungkod at may nakapatong na balabal sakanya’ng balikat.

“magandang umaga ho sainyo.” Bati ko sakanya na may ngiti sa labi.
Hindi s’ya sya nagsalita bagkus ay tinitigan nya lang ako, ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil mawal sya sa hulog dahil kagigising pala’ng nito.

“kumain ka na ba?” tanong nito at umuling naman ako kaagad.
“tara kumain na tayo” usal nito at tumalikod, hahakbang na sana ako ng magsalita sya ulit.
“matanong lang kita, kumakain ka bang ng tinapay tuwing umaga?” tanong nito.
“hindi po eh--” sagot ko
“ngunit, ayos lang ho kung ‘yun ang kinakain n’yo tuwing umaga!” usal ko at Ngumiti, hindi ko pa nasubukang kumaain ng tinapay sa umaga dahil tuwing umaga ay kanin lang kami at gulay.

“mabuti, oh sya halika na sa loob” usal n’ya at nagpatuloy na sa paglalakad papasok.
Sandal ko pa’ng pinagmasdan ang paligid bago ako pumasok sa loob. Hindi ko ba maintidihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko.
SWESH**
Naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng may bigla’ng may nahagip ang mata ko sa madilim na bahagi ng bahay, ng binalikan ko ‘yun ng tingin ay wala nama’ng tao.

“hay! namalikmata lang ako”
Inalis ko sa isip ko yun at deretsyo’ng pumasok na sa loob.

*******

Patungo ako’ng gubat ung saan ay gusto ko’ng lumanghap ng malamig na hangin, hinahayaan ko lang ang paa ko ang magdesisyo ung saan nya gusto’ng pumunta kaya hindi ko napapansin na napapalayo na pala ako.

Nakarinig naman ako ng mabigat na buhos ng tubig.

‘may malapit na talon dito.’

Pinakinggan ko ang ingay na yun hangga’ng palakas na ‘yun ng palakas.

Pagkarating ko, bumungad sa’kin ang isa’ng talon at batis. Napakaganda’ng pagmasdan at tila kumikinang ang tubig dahil sa napakalinis at kulay asul rin ang tubig. Marami’ng nakapalibot na mga bato sa gilid na nagsisilbing mas nagiging malinaw pa.

Lumakad ako papalapit du’n at nilibot ang kagandahan ng kalikasan.
SPLASH**

Wala ako sa sarili at bigla’ng may humila sa’kin kaya nawalan ako ng balance at nahulog sa tubig. Hindi ko inaasahan na napakalalim ng batis na ito, hindi ako naka-angat agad at pumapailalim ako. Pigil ang hininga ko habang nakatitig sa itaas na nagliliwanag. Sinubukan ko’ng ipandyak ang mga paa ko ngunit hindi parin ako umaangat, ginalaw ko rin ang mga kamay ko ngunit wala pa rin, hindi ako marunong lumangoy at baka ito na ang ikamamatay ko.
Nahihirapan na ako’ng pigilan ang hindi paghinga kaya, binuga ko na ang huling natitira’ng hangin sa loob ng bibig ko, pagabuga ko gumawa ang hangin ng mga bula at du’n na lumabo ang paningin ko.

Sweet Blood (My Vampire Lover)|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon