SHEAH'S P.O.V
"Matulog na tayo,maaga pang gigising bukas" saad ni Ma'am Ferrylin habang inaayos ang mahihigaan,nasa alas nuwebe na pero gising na gising pa rin ang diwa ko,ewan ko ba at hirap na hirap akong dalawin ng antok ngayon.
Nandito kami sa quarters namin ngayon at kaniya-kaniyang latag ng mahihigaan,katabi kong naglatag si V pero kanina pa siya nakatulog.
Sila Bell,Vics,Glads,Mae,Vine at Gel naman ay nandoon sa kani-kanilang quarters at sigurado akong himbing na himbing na yung mga yun sa pagtulog...or not?
Ah ewan,pero si Bell ay siguradong natutulog na yun dahil napagod siya kanina sa laro nila.Hay ewan ko ba!Sa pagpasok namin sa school na ito ang daming ganap eh.Nakakabaliw rin,kaya siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok,tsk!
"Oh Sheah,hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Ma'am Ferrylin habang humihikab,suot suot niya ngayon ang kulay puti niyang pajama at sweater, halatang sanay siya sa ganoong kasuotan tuwing matutulog.
Napangiti nalang ako saka umiling,
"Hindi pa po ako makatulog" sagot ko na lang sa kaniya.Ngumiti naman siya saka umupo sa nilatag niyang higaan na katabi lang ni V.
"Oh siya siya,ikaw na ang bahalang patayin ang ilaw kapag matutulog ka na ha" bilin pa nito bago humiga,umo-oo na lang ako.
Hay,mukhang mahaba-habang gabi to ah.Humiga na rin ako pagkatapos magdasal.Hindi ko maiwasang itanong sa hangin kong kamusta na kaya sila Mama?Hinahanap kaya nila ako?
Tsss...Ano ka ba naman Sheah?Kailan ka ba hindi nagtanong sa hangin bago matulog,eh halos gabi gabi naman yan ang nasa isip mo.
Napailing na lang ako dahil sa naisip ko,nababaliw na talaga ako dahil pati sarili ko ay kinakausap ko na.
Pinikit ko ang mga mata ko at nagbaka-sakaling sa pamamagitan nito ay dalawin na ako ng antok pero wa epek pa rin.Naaalala ko lang yung nangyari kanina habang nakapikit ang mga mata ko.Tsk!
Bumangon na lang ako at saka isinuot ang tsinelas na nasa gilid ng pinto.Binuksan ko rin yung pintuan at saka ako lumabas,napagdesisyunan ko kasing maglakad lakad na lang upang pagurin ang sarili ko at baka sa paraang iyon ay dalawin na ako ng antok.
Paglabas ko ay agad agad kong pinagsisihan ang suot ko,tsk!Ang lamig ng hangin tapos nakasando lang ako at short?Hays...Ang tanga mo rin minsan Sheah.
Hinayaan ko na lang,nagpatuloy ako sa paglalakad at sa pagmamasid sa paligid.Napakatahimik na sa buong paligid tapos medyo madilim pa,hindi kasi lahat ng straight lights bukas,siguro ay dahil na rin sa sinasabi ng Dean kaninang umaga na curfew.At curfew na nga siguro.Siguradong ipapatawag ako sa Dean's Office bukas na bukas pag nahuli ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang mga bench,kaya naman mabilis akong naglakad upang maka-upo doon,medyo malayo na rin pala ang narating ko.Hindi na naman ako masyadong natatakot dahil dala ko naman yung cellphone ko so pwede akong makahingi ng tulong if something happen,besides marunong din naman ako sa self-defense. Tsaka hello?Nasa loob ako ng isang elite school, sigurado naman akong walang magtatangka dito dahil malakas ang security nila lalo na ngayon na maraming students ang nasa pamamalakad nila.Kung meron man ngang gagawa ng kabaliwan eh yung students lang na nasa loob talaga ngayon ng school.
Ilang minuto rin ang inilagi ko doon at napagpasyahan ko nang bumalik,baka maalimpungatan yung mga kasama ko,mag-alala at hanapin ako,naku!Mga praning pa naman yung mga kaibigan ko minsan,baka tumawag agad yun ng mga pulis.
Tatayo pa lang sana ako ng may maramdaman akong parang nakatingin sa akin,shit!Bigla akong kinilabutan kaya naman tumayo agad ako at mabilis na naglakad pabalik sa quarters namin pero pag minamalas ka nga naman.
BINABASA MO ANG
Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)
JugendliteraturHow do I Changed??? Well...I really don't know.. I just woke up one day that I'm already like this... and until now, It's still a MYSTERY! and no one know... Why and How? Thanks for the very beautiful book cover Luxxane♥