MISERY 31💙

6 6 0
                                    


               SHEAH'S P.O.V

"SHEAH KAKAIN NA!"

"UY BUMABA KA NA!"
Rinig kong sigaw mula sa labas pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko.Pagod ako at gusto ko lang magpahinga.

Hinayaan ko na lang silang magsisigaw dahil tinatamad pa rin ako.Siguro ay dahil makikita ko na naman siya.

Hay!Dapat hindi ko na masyadong bigyang pansin ang bawat galaw niya.I should avoid him from now on.

Narinig ko na lang ang marahas na pagbukas ng kwarto ko at ang papalapit na mga hakbang ng isa sa kanila

"Uy Sheah,may sakit ka ba ha?" tanong pa ni Bella habang nilalapat ang palad niya sa aking leeg at noo

"I am just tired" yun na lang ang sinagot ko na hindi iminumulat ang mga mata.

"Tsk!Tired pero mainit ka" halata ang pagka-inis sa tono ng pananalita niya kaya naman minulat ko na ang mga mata ko.

"Ugh!Okay lang ako" saad ko naman pero tinaasan niya lang ako ng kilay,umikot na lang ang mga mata ko saka bumangon kahit gustong gusto pa ng katawan ko ang paghiga sa malambot na kamang yun.

Nakalimutan ko ring sabihin na kasama ko na sila ni Vics sa iisang kuwarto while nasa isang kuwarto naman si Gel and Vine at yung limang ugh!Yung mga sakit at perwisyo sa buhay na mga mokong na iyon ay nasa tatlong kuwarto.

Ewan ko kung sino ang nagso-solo,wala akong balak alamin.

"UY ANO NA?!" rinig kong sigaw ni Vics mula sa baba

"PABABA NA!!!" sigaw naman ni Bella dahilan upang mapatakip ako ng tainga,tsk!Ang lakas talaga ng boses niya.

Naglakad na nga kami pababa,papunta sa maliit na dining room ng bahay kung saan siguradong naroroon ang lahat.

"Ano ba naman yan,kababaing tao ang lakas lakas ng mga boses?Seryoso ba toh ha?" parang tanga pang saad ni Xan

Nakita ko namang inirapan siya ni Bella.

"Anong pakialam mo?Tumahimik ka dahil nakiki-kinig at nakiki-nood ka lang,walang humihingi ng opinion mo so shut the fck up!" sigaw ni Bella habang dahan dahang hinihila ang upuang paborito niyang upuan.

"Tsk!Nagtatanong lang naman" nakabusangot nang saad ni Xan.

Tumikhim naman si Vine kaya napatigil sila.

"Nasa harap tayo ng hapagkainan so pleased" saad ni Vine na seryosong seryoso ang mukha.

Huminga naman ng malalim si Bella saka masama nalang na tiningnan si Xan.

Umupo na lang rin ako,malaking pabilog na mesa ang narito kaya naman nakapa-ikot kami ngayon dito maliban na lang kay Gel na busy sa paghahain.

"May sakit ka?" biglang tanong ni Vics,umiling naman ako at sinubukang hindi maapektuhan sa mga tingin nila sa akin ngayon.

Tumayo na lang ako para tulungan si Gel na abalang-abala.

"Thanks She" saad nalang niya ng maka-upo na kami at matapos nang maghanda habang nakatingin lang sa amin yung iba.

"Welcome"

Nagsimula na kaming kumain ng matapos magdasal si Gel,sobrang tahimik at mga kubyertus lang ang maririnig.Nakakapanibago dahil kadalasan sa mga oras na ganito ay nagbabangayan na si Zai at Vics.

"Hmm...Anong nagyari sayo Sheah at parang wala ka sa sarili ng dumating kanina?" biglang tanong ni Vics dahilan upang makuha nun ang atensyon ng lahat.

Huminga na lang ako ng malalim at nilunok ang kinakain bago sumagot.

"Pagod lang ako" yun na lang ang naisagot ko.

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon