MISERY 30💙

14 6 0
                                    


                        SHEAH'S P.O.V

Sabado ngayon at wala dapat pasok pero pupunta kami ngayon nila Vine and Gel sa kaniya-kaniya naming group mates para sa group project.Hindi ko alam kung aalis rin ba sila Bella and Vics para asikasuhin man kung anong project nila pero kung hindi ay sila lang ang maiiwan dito sa bahay kasama ng----Ugh!Limang bisugong yun.

Okay,okay!Hanggang ngayon talaga hindi pa rin ako sanay I mean hindi pa rin ako makapaniwala na oh my gahd!Nasa iisang bubong lang kami?

Shit!Ba't ba kasi yun pa ang gustong kabayaran ng gagong Xan na yun?Nakakabwiset sa buhay!

Bumaba na ako para maka-alis na dahil late akong nagising ngayon at siguradong late na rin ako sa time na napag-usapan namin ng hintayan,tsk!Hindi ako pinatulog ng maayos sa mga nangyayari.

Suot ko ngayon ang black ripped jeans and stripe blouse habang as usual sneakers na naman ang pang paa.Inayos ko nalang yung clip na inipit ko sa hair ko.

Regalo pa sa akin toh ni Mama nung nakaraang birthday ko kaya naman paborito ko talagang isuot,feeling ko kasi pag suot ko toh may magandang mangyayari.

"Good Morning Sheah" bati sa akin nitong si Zai daw kuno ang pangalan.Tsk!

Anong maganda sa morning kung pagmumukha niyo kaagad ang makikita ko?
Tinanguan ko nalang siya dahil hindi ko kayang bumati kagaya ng pagbati niya.

Ni hindi nga ako binati ng mga kaibigan ko dahil sa mukhang mga biyernes santo yung mga mukha nila,halatang hindi rin nakatulog ng maayos at badtrip rin sa mga nangyayari ngayon.

Naka-upo silang lahat ngayon at kumakain,hindi ko alam kung gaano kakapal ang mga mukha nila at parang wala lang sa kanila lahat ng toh.

"Sheah,kumain ka na" saad ni Gel saka bahagyang ngumiti.

Tumango na lang rin ako sa kaniya saka ininum ang kinuha kong tubig.

"Hindi na,paalis na rin ako" sagot ko naman sa kaniya.

Bigla namang tumayo si Vine.

"Hintayin mo na lang ako She,sabay na tayo" saad pa nito saka dire-diretsong naglakad papunta sa kwarto niya.

Nakaligo na naman siya't magsisipilyo na lang at magbibihis ang dapat niyang gawin kaya't sigurado rin naman akong hindi siya magtatagal kaya't tumango na lang rin ako.

Tumingin ako kay Gel na ngayon ay nakatingin rin naman sa akin.

"Hindi ka pa aalis?" tanong ko sa kaniya

Ngumiti naman siya saka umiling

"Mamaya pang hapon yunh amin"

Tumango na lang ako sa sinabi niya saka dumiretso sa sala upang doon maupo,parang kailangan ko rin yun upang maging suporta dahil bigla yatang nanghina yung mga tuhod ko ng tumingin siya sa akin and again,hindi ko na kailangan sabihin pero sasabihin ko pa rin.
Shit!Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

Narinig ko pang tinanong nung Xan si Gel kung saan daw ang punta namin pero hindi ko na narinig kong anong isinagot niya.Tsk!Hindi rin halatang chismoso siya eh noh?

Hindi rin nagtagal at bumaba na rin si Vine as usual suot niya ngayon ang paborito niyang damit na hanggang sa pala pulsuhan niya at naka jeans rin siya habang nasa balikat niya naman ang shoulder bag niya
"Tara na" aya ko sa kaniya tumango naman siya saka lumingon sa maliit na dining room ng bahay kung nasaan sila Vics.

"Guise alis na kami,kayo na bahala dito!" sigaw niya pa

"Geh,ingat kayo!" balik sigaw naman ni Bella,tumango na lang rin ako saka nagsimulang maglakad papalabas ng bahay,sakto lang rin yung paglabas namin dahil may dumaan agad na jeep,sa mall yung usapan ng mga ka group mates kung place ng hintayan para mabili na rin daw yung mga kakailanganin,samantalang sa kabilang village namin yung kanila Vine,hindi ko nga malaman kung sino ang mas malayo eh.

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon