I dedicated this chapter to
AerisScarletHi @AerisScarlet ♥ I just want to say thank you! You're one of those Highfivers who support me from the very start. Hope you support me and this story until the end.
SHEAH'S P.O.V
Kahit nasasaktan ay bumalik ulit ako sa gymnasium kung saan ang venue ng event. Pagdating na pagdating ko ay kakaiba at mga mapanuring tingin ang agad na nakuha ko mula sa mga kaibigan ko siguro ay dahil na rin sa pamumugto ng mga mata ko na hindi naitago ng concealer na ginamit ko. May nagtataka,naguguluhan,nag-aalala,nakikisimpatya,at may galit. Halo-halo na hindi ko na nabigyang pansin ng sobra. Ayoko lang magmukhang bastos sa side nila kaya't bumalik pa ako sa kabila ng masamang pakiramdam na nadarama ko.
Hindi na naman sila umimik pa at itinuon na lang ang atensyon sa unahan dahil ilang minuto lang rin at nagsimula na ulit ang programa. Gusto ko pa sanang manood at makinig pero tuluyan na talaga akong nawalan ng gana.
Parang gusto ko na lang umuwi,yakapin ang unan,maramdaman ang malambot na kama at matulog.
Ayoko nang umiyak,pagod na ako. Pagod na ako sa pag-iyak sa pamilya ko pati sa taong mahal ko. Pagod na pagod na pagod na ako.
Natapos ang event na lutang ako. Pero hindi sa cloud nine yung napuntahan ko dahil napunta ako sa kaharian ni Hades at ng asawa niyang si Persephone, at pareho nilang ipinamukha sa akin kung gaano ako ka-tanga,kung gaano ako ka-malas,kung gaano nila ako kinaa-awaan.
Kahit ang pagsagot nila sa question and answer na palagi naming inaabangan ng mga bruhang kaibigan ko tuwing manonood kami ng mga pageant ay hindi ko na napagtuunan. Kahit nung siya na ang sasagot ay naglagay ako ng earphones sa tainga at nag-play ng music upang hindi ko na marinig ang boses niya at kung anu man ang sagot niya sa tanong na kung bibigyan ka ng pagkakataong bumalik sa nakaraan at gawin ang mga bagay na nais mong isakatuparan. Ano ang mga iyon at bakit? Shit dude! Nangi-insulto ba ang gagung judge na nagtanong nun? Hooh! Buti na lang at hindi ko na narinig ang sagot niya dahil baka bigla na lang akong humagulhol kapag nalaman ang sagot niya at makuha ko pa ang atensyon ng mga tao. Tsk! Kahit na baliw at tanga ako sa pag-ibig ay ayoko namang magmukhang kawawang sa paningin ng mga tao.
Basta ang alam ko lang ay nanalo sila,oo! Si Lauren at ang lalaking dahilan ng pag-iyak ko ang nanalo.
See? Kahit pangalan niya ay nahihirapan na akong sabihin. Palagay ko kasi ay hahagulhol na naman ako pag lumabas ito sa bibig ko.
Damn it! Ganun na ba talaga kalakas ang tama ko sa iyo? Wala na bang antidote toh?
Masyang masaya sila dahil sa mga nangyari,nagkayayaan pa nga na mag celebrated eh. And take note! Sa bahay namin gaganapin. Ang galing lang di ba? At ang mas magaling pa diyan,sasama ang buong tropa nila oh my! Scratch the tropa, what I mean is lahat ng classmate niya at kasama doon ang higad na si Laureta. Hmm,maayos ba ang pet name na binigay ko sa kaniya? Well,it sounds good for me.
![](https://img.wattpad.com/cover/197622479-288-k33675.jpg)
BINABASA MO ANG
Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)
Fiksi RemajaHow do I Changed??? Well...I really don't know.. I just woke up one day that I'm already like this... and until now, It's still a MYSTERY! and no one know... Why and How? Thanks for the very beautiful book cover Luxxane♥