MISERY 24💙

18 6 0
                                    

                        SHEAH'S P.O.V

Tapos na ang game at panalo ang Princeter Varsity Team pero hanggang ngayon lutang pa rin ako,tsk!Ano bang nangyayari sa akin?Peste!Tandang tanda ko pa lahat ng nangyari.Tapos itong si V inaasar asar pa ako,kesyo yun daw yung reason kung bakit hindi pumayag si Ma'am na sa softball game nalang ako magbantay,tsk!Sira rin ang ulo ng babaing yun eh noh?

Tsk!Tapos kanina halos hilingin ko na lang na kainin ako ng lupa kaysa matingnan nila ng ganoong klaseng tingin.At yung ano...yung aish!Yung puso ko....

"Sheah?!?" Napasapo ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay mahuhulog na ang puso ko anytime.Makagulat lang kasi,tsk!

"Ano?" inis na tanong ko sa kaniya,kanina pa siya nagsasalita diyan pero hindi ko na lang pinapansin,ewan ko ba!Tampo ako sa kaniya.Akalin mo yun,kilala niya pala yung taong yun tapos wala man lang siyang pasabi,ni hoy o ni hay! wala.Di man  lang niya ipinakilala sa amin,ano naman daw yun?Paano niya nagawa yun?Samantalang siya halos alam niya lahat tungkol sa akin,naki-kwento ko lahat sa kaniya.Hmp!

"Sheah naman eh"

"Ano nga kasi?"

"Galit ka?"

"Hindi"

"Okay"

Tapos hindi na siya nagsalita,much better, tampo pa rin ako sa kaniya eh.

"Okay,okay fine...that guy,he is Zaijohn Charles Rosales,he's the guy who brought me to the hospital last time you confined,hindi ko naman alam na magkikita pa kami dito eh,I almost forgot his  name na nga  pero kanina,he invited me to---"

"To cheer for him" pagpatuloy ko sa sinasabi niya,nahihiya at namumula naman siyang tumango.Hay naku!Anong nangyayari sa kaibigan ko?In love ba ito?

"So?" Tanong ko pa

"So I go besides nahila na ako nila Glads and Maily eh" saad niya pa,tsk!I know naman na kahit sino pang humila sa kaniya ay magagawan at magagawan niya pa rin ng paraan para tanggihan lalo na kung ayaw niya pero the fact na gusto niya ring manuod so why not right?

"At nagpahila ka naman" saad ko at ipinagpatuloy na ang paglalakad,papunta kami ngayon sa Cafeteria nila para kumain ng snacks,may pina reserved na daw doon na food sila Ma'am Ferrylin para sa lahat ng taga Christofany University, so okay na din yun para less gastos.

"Uhmm...parang ganoon na nga" saad niya na nagpairap sa akin.

"Gusto mo ba siya?" Tanong ko naman sa kaniya na nagpatigil sa kaniya sa paglalakad.So ano na?

Peke pa siyang tumawa,tsk!Obvious masyado eh.

"Ha?Hehe..Ano ba iyang mga sinasabi mo Sheah" saad niya pa saka na ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Pero hindi mo pa rin sinagot yung tanong ko"

Tumahimik na lang siya at hindi na nagsalita pa.Okay?Nag over reacted ba ako?Tsk!Ang sama ko rin talaga minsan.

Inakbayan ko na lang siya.

"Lam mo Vics,okay lang naman sa akin eh,I understand and I also know that they'll also understand it.Kasi lahat naman ng tao dumadaan sa ganiyang stage,okay!Siguro medyo nauna ka lang pero it doesn't mean na hindi na namin naiintidihan iyang nararamdaman mo.Loving someone is a part of our life,ang akin lang naman.Kung magpapaligaw ka na pakilala mo naman sa amin ha" saad ko dahilan upang mamula iyong pisngi niya,napapadalas na yata ang pamumula ng pisngi niya ngayon ah.

"Tsk!Pinagsasasabi mo diyan Sheah?" natatawa niya pang tanong,inirapan ko na lang siya at sabay na kaming natawa.

Ganiyan talaga kami,parang kanina lang ay nagtatampuhan pero hindi rin magtatagal at maaayos na ang lahat.Siguro ganoon talaga pag nagkakaintindihan ang bawat isa,pag nagkakaisa ang mga magkakaibigan at may tiwala sa isa't isa.Siguro ganiyan talaga pag mahalaga sa iyo ang isang tao,pagmahal mo ang isang tao.

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon