MISERY 40💙

12 6 27
                                    

SHEAH'S P.O.V

~clap~clap~clap~

" Oh! Mag-isa ka yata ngayon, Sheanah? " nakangising saad ng nagmamatapang na pusit. Huh?! Matagal na rin pala simula ng huli kong makita ang pangit na pagmumukha niya? Kung hindi ako nagkakamali ay noong may Intrams pa ang huli.

At teka nga,alam niya pala ang pangalan ko huh?!

Oh well, whatever! Wala akong balak alamin ang pangalan niya.

Umalis muna ba siya at naghanap ng mga bayarang tuta? Gahd!

Pero magpasensya ka Sheah. Huh?! Remember, madami sila dahil sa mga alagad niyang tuta. Masasayang lang ang saliva at time mo kapag pinansin mo pa sila at isa pa,kahit marunong kang lumaban ugh! Hate to admit it pero hindi mo talaga sila makakaya. Duh! Baka masayang lang ang face mo,huh! Alam kong hindi mo matatanggap na maging retokada '

Mas pinili ko na lang ibalik sa telepono ang atensyon ko at umaktong walang narinig at hindi sila nakita. Kahit na ang totoo ay paanong hindi ko sila makikita? Duh! Sobrang dami nila. Seryoso, ilan ba ang nagastus niya sa mga asung toh? Tsk! Nagsasayang lang siya ng pera.

" Aba't! Huh?! Ang kapal naman ng mukha mong isnobin ako,hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang laway ko? " halata sa boses niya ang pang-gagalaiti dahil sa hindi pagpansin sa kaniya. Mukhang napahiya yata siya sa harap ng mga utusan niya.

" Wag kang magmagaling diyan Sheanah, wala kang kasama ngayon kaya't kayang kaya kong gawin lahat ng gusto ko. Sabihin na lang nating parusa toh dahil sa kaibigan mo ang isang taong malaking sagabal sa akin " saad pa nito dahilan upang mapaangat ang tingin ko. Kitang kita ko ngayon ang ngisi sa mukha niya.

Tsk! Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin siya maka-move-on sa pagkatalo niya mula kay Divine? O sadyang hindi niya lang matanggap na napahiya siya sa eksenang siya mismo ang nagsimula?

Hindi ko mapigilang palihim na mapairap sa hangin. Bwiset na bruhang pusit na kulay violet ang buhok. Tch! Akala niya ba ay ikina-astig niya ang buhok niya? Kahit ang pagsusuot niya ng kulang sa telang kulay itim na damit dahilan kaya't pwede na siyang maituring na  intern as Grim Reaper?! Ang sagwa! Bwiset,tsk!

" Oh anu? Nabahag na ba ang buntot mo? Tsk! Hindi ko alam na napipi ka na pala,tsk! How sad " saad pa nito na hindi naalis ang ngisi sa labi,halatang nang-aasar.

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon