SHEAH'S P.O.V
" Uy akin yan! Bwiset toh " angil ni Vine saka inagaw yung bowl ng pop corn kay Roe na katabi niya lang.
Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang mga nakakapanindig balahibong pangyayari sa buhay ko. Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng makalabas sa Hospital si Vics. Maayos na din ang pakiramdam ngayon ni Vine. At ilang araw na rin ang lumipas simula ng mapansin ko ang pagiging malapit sa isa't isa ni Carl at Gel,samantalang wala namang pinagbago kay Xan at Bella,bangayan pa rin ang eksena ng dalawa.
" Kuwago! Ikuha mo nga ako ng juice! Bilis! " utos ni Bella habang bising-busy sa panonood ng After.
Mabilis namang bumusangot ang mukha ni Xan
" Grrr! May kamay ka naman ah! Ano ka sini-swerte? Hah! Kumuha ka mag-isa " sagot sa kaniya ni Xan saka itinuon sa telebisyon ang mga mata.
Mabilis na dumapo sa mukha ni Xan ang pillow na binato ni Gel. Palibhasay nasa single sofa lang siya kaya't siya lang ang tinamaan. Hay! Hindi na ako nagulat pa sa mga nangyayari ngayon. Ganiyan naman lagi ang eksena eh.
" Aba't! Ikuha mo sabi ako ng----"
" Here Bella oh " hindi na natapos ni Bella ang sentimyento niya dahil inabutan na siya ni Gel ng juice.
" Ayiieee! Thanks Gel "
Bumalik naman kami sa panonood.
" Awwww!!! " sigaw ni Vics ng makita ni Noah si Hardin sa likod ni Tessa.
Sheezzz!!!
Halos lahat naman kaming girls ay ganun ang naging reaksyon. Shit naman kasi! Sinong hindi masasaktan kung halos magdamag kang nag-alala sa babaing mahal mo tapos babalik siya kina-umagahan at sasabihin na kailangan siya ng kaibigan niya thought muntik-muntikan ng mayroong mangyari sa kanilang dalawa?!? At ang masaklap pa ay sumunod pa si Hardin kay Tessa papunta sa bahay nito kung nasaan din si Noah na alalang-alala kay Tessa. At anu? Let me explain?! Yan lang ang sasabihin niya? Amputek! Kung sa lagay ko lang mangyayari ang bagay na yan ay siguradong makakapatay ako. Grrr!
Napapaawang na lang ang bibig ko dahil sa mga sumunod na nangyari. Heh! Nakamove-on agad si ate girl ha?!
Sabagay! Doon pa lang sa linyang ' I felt I lost my best fried ' eh halata nang kaibigan lang ang turing niya kay Noah pero bakit niya ba kasi jinowa ha?!
Nang-gigigil ako kay Tessa ng magulat ako nang bigla na lang sumandal ang ulo ng gagung si Rai sa balikat ko. Huhuhuhu! Feeling ko magkaka-heart attack yata ako sa sobra na namang bilis ng tibok ng letcheng pusong toh!
" I feel sleepy " nakapikit pang saad nito. Gagu! Lasing ba toh?!
" Eh di doon ka sa kuwarto mo matulog " pagtataray ko pa sa kaniya kahit na...grrr! Hooh! Pinagpa-pawisan na talaga ako ng malagkit.
BINABASA MO ANG
Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)
Teen FictionHow do I Changed??? Well...I really don't know.. I just woke up one day that I'm already like this... and until now, It's still a MYSTERY! and no one know... Why and How? Thanks for the very beautiful book cover Luxxane♥