I dedicated this chapter to
purpleyhanHi @pupleyhan ♥ I just want to say hi and hello. I really admired your work,the truth is I'm your avid fan since I read your story about the Series of Erityian Tribes. I hope you enjoy this chapter.
P.S
Pagpasensyahan niyo na at pagod ang ating mga bida kaya't sa akin na muna ang pagkukuro sa kwento ha? Yiiee,salamat ng marami sa inyong malawak na pag-unawa☺
AUTHOR'S P.O.V
" My gahd! " napapasampal sa noong saad ni Vine ng walang sumagot sa tanong niya. Wala namang ibang naging reaksyon ang katabi nitong si Sheah at tanging panlalaki lang ng mga mata ang nagawa habang nakatingin sa mga taong ngayon ay kaharap nila.
Nang wala pa ring nagsasalita ay akmang isasarado na ulit ni Vine ang pintuan ng mabilis na naiharang ng lalaki ang sariling katawan. Umiirap na tiningnan lang ito ni Vine at saka pinagtaasan ng kilay.
" Tsk! Ano pa ba ang ginagawa niyo rito ha? Hindi ba't pinaalis na namin kayo! " buong tapang na bulyaw ni Vine kahit na ang totoo ay kinakabahan din ito,lalo na at wala sa maayos na kondisyon ang mga lalaking kaharap. At sa totoo lang rin ay nahihiya naman siya sa mga inakto at sinabi niya kagabi. Pero ayaw niya namang humingi ng sorry lalo sa lagay at itsura ng mga ito ngayon. Hindi tuloy niya mapigilan na makonsensya.
Tsk! Below the belt na ba ang mga nasabi ko? Aish! Kainis naman.
Bulong ng bruha sa isip. Hindi pa sana siya babalik sa mundong Earth kung hindi lang nakita ng dalawang mga mata na mtutumba na ang lalaking kaharap niya. Mabilis na kumilos ang katawan niya upang daluhan ito at alalayan,siguro ay dahil na rin sa adrenaline na naramdaman kaya't walang pagdadalawang isip niyang ipinulupot ang mga braso nito sa leeg niya upang magkaroon siya ng maayos na pwersa at hindi sila parehong humalik sa lupa pagnagkataon.
Kahit nakaramdam ng kaunting pagkailang ay hindi na rin niya inalintana. Maging ang hiyang nararamdaman niya kanina ay ipinagsawalang bahala na lamang niya. Total naman ay lasing ang mga kaharap niya kaya't hindi naman siguro nito matatandaan kung ano man ang mangyayari ngayon sa kanila.
" Uuugghmmm " mahinang ungot ng lalaki na inaalalayan niya. Ramdam na ramdam niya ang bigat nito kaya hindi niya mapigilang mapangiwi.
Bwiset na kupal! Hindi naman pala kayang magpakalasing ay uminom-inom pa. Walanghiya!
Samantalang ang isang lalaki naman ay inaalalayan ng dalawa. Mukhang pare-pareho silang lasing ngunit mas malakas ang tama ng dalawa sa kanila. Mukha kasing end of the world na ang itsura ng mga ito. Pasuray-suray na at parang hindi na kayang maglakad mag-isa.
BINABASA MO ANG
Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)
Fiksi RemajaHow do I Changed??? Well...I really don't know.. I just woke up one day that I'm already like this... and until now, It's still a MYSTERY! and no one know... Why and How? Thanks for the very beautiful book cover Luxxane♥