SHEAH'S P.O.V" You're late " walang ka-ekpre-ekspresyong saad ng gagung si Raizu habang naka-upo sa mono block na upuan samantalang nakatayo naman ako.
" So kasalan ko pa pala ngayon? " sarkastikong saad ko sa kaniya. Kumunot naman ang ang noo niya.
" Grr! Oo na, oo na! Kasalanan ko na! Happy? " napapagiwing tanong ko sa kaniya samantalang hindi naman naalis ang gitla sa noo niya.
" Thank you sa pago-overtime ng panut na Teacher namin huh? Oh at saka sa napakagandang pa welcome ng baby baby mo " naiinis na saad ko saka tumalikod sa kaniya.
Ramdam ko din ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Ewan ko ba at parang napaka emotional ko yata ngayon. Hindi ko naman gustong sigawan ang gagung toh. Alam ko naman talagang super late na kami. Dapat ay mag sorry ako pero hindi ko naman kontrolado ang pagbuka ng bibig ko. Eh malay ko ba kung yun ang gustong sabihin ng nguso ko?!
Napahinga ako ng malalim,at magsisimula na sanang maglakad paalis ng biglang may mga bisig na pumulupot sa bewang ko. Hindi ko maiwasang magulat sa ginawa niya.
Biglang kumabog ng napaklakas at napakabilis ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan ko anung nangyayari sa tiyan ko,parang nawawala yata lahat ng bulate ko at napasukan pa ng mga paru-paro at iba't ibang insekto. Nakikiliti ako, hindi ko rin maiwasang mapaawang ang bibig. Kahit ang pag hinga ko ay naapektuhan. Parang kakapusin ako ng hangin anytime.
" A-anong g-ginag-gawa mo? " hindi ko maiwasang mautal ng isatinig ang tanong na yan.
Naramdaman ko ang pag amoy niya sa buhok ko at ang paghinga niya sa batok ko dahilan upang manindig ang balahibo ko.
" I am sorry " mga katagang lumabas sa bibig niya dahilan upang manghina ang mga tuhod ko,buti na lang at nakayakap siya sa akin dahil kung hindi ay baka kanina ko pa naramdaman ang paghalik ng puwit ko sa malamig na sahig na ito. " Don't leave " dagdag pa nito sa nakiki-usap na tono. Mas lalo namang bumilis yung tibok ng puso ko.
Syet! Bakit ganito kalakas ang epekto mo sa akin ha Raizu?
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ng pagkalakas lakas ang pintuan kung saan niluwa ang mga kaibigan kung bruhang magaganda at ang mga gagung ulol.
Halata sa mga mukha nila ang pagkagulat sa nadatnan ng eksena. Ilang segundo yatang naging tahimik ang buong paligid hanggang sa umugong ang sari-saring kantiyawan.
Hindi ko naman maiwasang pamulahan. Bwiset! Nakakahiya sa mga bruha. Siguradong aasarin nila ako ng sobra.
" Ayyiiiee! Ano yun ha? " mapang-asar na tanong ni Bella habang napapasayaw pa. Hindi rin maalis ang ngisi sa labi niya.
Naka-upo na ako ngayon sa isa sa mga mono block at parang nasa isang TV Show na ang pangalan ay Tonight with Boy Abunda. Kung makapagtanong kasi ang mga bruha ay parang gusto nilang malaman kahit katiting na bagay na nangyari bago sila dumating.
BINABASA MO ANG
Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)
Teen FictionHow do I Changed??? Well...I really don't know.. I just woke up one day that I'm already like this... and until now, It's still a MYSTERY! and no one know... Why and How? Thanks for the very beautiful book cover Luxxane♥