MISERY 60💙

11 3 0
                                    

SHEAH'S P.O.V

"Ksh! Hindi pa ba kayo tapos ha? " mahahalata sa boses ni Bella na inis na inis na siya.

Well,sino nga bang hindi maiinis? Late na late na kami sa oras na napag-usapan. Dapat ay kanina pa kami nasa bahay ni Lola pero wala eh,hindi kami makaalis-alis at kasalanan yun ng mga mokong. Sasama pala sila eh dapat kanina pa sila nag-ayos di ba? Hindi yung kung kailan bihis na bihis na kami at paalis na saka naman magsasabing seryoso silang sasama sila at magpapahintay pa talaga ha?! Watdapak di ba?

" Heto na po kamahalan oh,pababa na po oh! Wag kang bulag oh! " naiinis na ring buwelta ni Xan,siguro'y dahil sa nababanas na rin ito kakapakinig sa mga sinasabi ng  sirang plakang bibig ni Bella.

" Aba't! Wag mong sagarin ang pasensya ko Alexander! Baka gusto mong maiwan dito "

" Whatever Isabella,whatever. Tch! Wag kang atat "

" Siraulo ka pala eh! " mabilis na nahagip ng kamay ni Bella yung remote na nakapatong sa center table at saka ibinato kay Xan. Tututol pa lang kami ngunit wala na---wala na kaming magagawa pa,ayun na eh. Naglanding na sa ulo ng gagu. Tsk! Wala sa sariling napailing-iling na lang kami.

" Ouch! " daing ng lalaki habang hinihimas himas pa yung noong tinamaan. Tsk! Ano pa nga bang bago? Eh hobby na naman talaga nila simula pa lang ang magbatuhan eh.

" Napaka sadista mo talaga. Ksh! Kaya wala kang boyfriend eh! " halos umusok ang ilong na sigaw ni Xan,mukhang nasaktan nga talaga ang gagu. " At ilang ulit ko bang kailangang ipaalala sa iyo ha?! Mahal ang bayad sa face kong bwiset ka! Ilang beses mo na tong ginasgasan ah,tch! Makikita mo't babawian kita " parang baklang nagta-tantrums na saad ni Xan. Tsk! Kunti na lang talaga at magdududa na ako eh.

" Huy kuwago wag kang umasta na kala mo kung sinong  gwapong anghel dahil hindi bagay sa iyong peste ka! Unang una, walang connect ang pagiging sadista ko kung bakit wala kuno akong boyfriend?! Duh,paano mo nalaman? Stalker ka ba? " nakataas nag kilay na tanong Bella. Naghahamon. " Hindi mo ba alam na mas naa-attract ang mga lalaki sa mga babaing sadista? Oh well,paano mo nga pala malalaman kung bakla ka naman. Oh my bad,nakalimutan ko. Pasensya na " halata namang hindi nagugustuhan ni Xan kung ano ang mga lumalabas sa bibig ni Bella dahil na rin sa paniningkit ng mga mata nito.

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon