MISERY 62💙

12 3 0
                                    


SHEAH'S P.O.V

Napayakap ako sa dalawang tuhod ko dahil sa biglang pag-ihip ng malamig na hangin.

" I get it,pero wala ka bang balak na bumalik na sa inyo. You know,matagal tagal na rin at alam kong nag-aalala na sila sa'yo " saad ni Janrei habang pareho ko ay nakatingala rin ito sa langit at pinagmamasdan ang napakaraming bituin samantalang nakatukod naman ang dalawang kamay sa damuhan. Na-ikwento ko na sa kaniya ang lahat lahat. Simula sa paglalayas namin hanggang sa mapunta kami dito minus nga lang yung mga happenings kasama ang mga mokong.

Natawa ako ng pagak dahil sa sinabi niya. Tsk! Imposible.

" Hindi naman siguro,kung oo e'di pinahanap na sana nila ako. Oh well,they can hire the most indemand private investigators to find me,right? But they didn't,let's just accept the crap that I'm not that important to them "matapang na sagot ko sa kaniya. Kahit na deep inside eh umaasa rin ako. Deep inside eh sumasalungat yung puso ko sa ibinubuka ng bibig ko. Deep inside ipinapanalingin ko na sana nga nag-aalala talaga sila sa akin. Na sana pinapahanap nila ako. Pero sino bang niloko ko? Heh! Tama na sa pagiging hibang Sheah,nagiging masokista ka na eh. Hinay hinay naman sa pagto-torture ng puso natin ha?


" Oh watch your word Sheah. I know na hindi yun ang gusto mong sabihin. Wag mo nang subukang magkunwari sa harapan ko dahil kilalang kilala na kita. Kung gusto mong umiyak then fine. Umiyak ka lang,hindi ako magsasalita,wala akong sasabihin,hindi kita huhusgahan. Ililihim ko na ang dungis dungis at ang pangit pangit mo pag nagda-drama ka. Wala akong pagsasabihan,promise. Sige na,umiyak ka na. Nandito lang ako " binaling na niya sa akin ang mga mata. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait. Hoohh! Ano pa bang ee-emote ko? Kung tutuusin ang swerte swerte ko dahil may kaibigan akong mga katulad nila.

Ganun ba talaga yun? Kung malas ka sa napuntahan mong pamilya,swerte ka naman sa mga makikilala mong kaibigan. Amputeks! Ba't ba ang lupit ng tadhana? Hindi ba pwedeng pareho na lang?!

" Sira " yun na lang ang tangi kong naisagot. Mabilis na kasing nag-unahan ang mga luha ko. Bakit ba kasi ang sensitive ko pag pamilya ko na ang usapan? Takte!

" Tsk! Siraulo man ako maaasahan naman 'to " tugon niya dahilan upang mas lalo akong maging emosyonal. Hindi na naman 'to ang unang beses na pinaglabasan ko siya ng sama ng loob,pag hindi ko masabi kanila Vine ang problema ko dahil sa alam kong may iba rin silang pinapasan na problema ay siya lang ang nakaka-usap ko. Lagi siyang nandiyan para mag share ng mga word of wisdom niya na napulot niya umano sa kanto. Siraulo talaga.

" But seriously,thank you Jan " seryoso nang saad ko. Dahan dahan naman itong ngumiti pero nagulat na lang ako ng hilahin niya 'ko papalapit sa katawan niya at saka yinakap.

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon