SHEAH'S P.O.V
Natapos ang Orientation na wala akong naintindihan,pagkatapos na pagkatapos noon ay parang bula na bigla na lang nawala yung mga tao sa loob ng Hall,ang bilis nilang kumilos na parang mga nagmamadali kaya naman umalis na lang rin kami nila Vine,dumiretso si Vine sa team mate's niya sa Volleyball ganoon din si Bella sa softball, samantalang sinundo naman ng coach sa Taekwando si Gel at kasama naman ni Vics sina Maily at Glads para sa practice daw nila dahil maya-maya lang ay magsisimula na ang competition nila,kaya naman ito ako at mag-isa.
Dumiretso na lang ako sa quarter namin para magpahinga,medyo nahihilo na rin kasi ako kanina pa,saka pagod na rin ako sa kakalakad papunta roon at rito.
"Sheah!" nagulat na lang ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
Asar!Kitang nang nagpapahinga yung tao eh bigla bigla na lang mangugulat,sarap manapak!hsh...
"Bakit?" inis na tanong ko,ang hilig talaga ng mga tao ngayong mangguglat,nakakabadtrip!
"Uhmmm...kumain ka na?" tanong niya pa,tumingin naman ako sa wristwatch ko,tsk!Malapit na palang mag lunch,hindi ko napansin dahil sa sobrang busy at pagod kanina.
"Busog pa ako" sagot ko na lang,ayoko kasi siyang kausap kaya naman ayokong nagkakaroon ng long conversation sa kaniya.Ang creepy ng mga tingin.Tsk!Tapos hindi ko nga alam name niya...Oo na,oo na ako na ang masama,ilang buwan na rin kaming nage-stay sa lugar na ito at ilang buwan ko na rin siyang classmate pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.Eh sa hindi ako interesado eh,may magagawa ba siya,tsaka sa hindi ko malamang dahilan nakakainis siya,nababadtrip ako sa kaniya.I mean,nakakainis lang kasi,bwiset!Yung mga tingin niya na parang hinuhubaran ka?Tsk!Wag lang talaga siyang magkakamali gumawa ng hindi maganda dahil kahit lalaki pa siya at babae ako eh mapapatay ko siya.Tapos ang chismoso pa niya at ang hilig umepal.Napaka straw!Tsk!
"Ha?Eh kanina ka pa naka-upo at nagmumumok diyan eh,tara sama ka na sa amin,kain tayo at libre ko"
"No thanks" sagot ko na lang saka kinalikot yung phone ko,mas mabuti pang magbasa kaysa maka-usap ang isang kagaya niya,kinikilabutan ako sa mga tingin niyang parang may balak na masama.
Ewan ko ba,nakakabanas talaga yung mga mata niya,sarap dukutin eh.
"Kahit ngayon lang?" tanong niya naman dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.Bwiset!Ang kulit!!!!!
"Busy ako" iyon lang ang isinagot ko.Basta!Banas na banas ako sa kaniya,feeling ko kasi siya yung lagi kong na fe-feel sa school na laging nakatingin sa akin at sobrang creepy ng bagay na iyon.Gosh!Stalking is a crime,buti nga hindi ko pa siya kinakasuhan eh.Well,hindi sa pagiging feelingera pero nafe-feel ko talaga iyon.
At hindi kilig ang dumadaloy sa buong katawan ko kung hindi takot,na medyo nakakasuka.Tsss
Naramdaman ko naman na umalis na siya sa harapan ko,buti naman,dahil baka kung anong masabi kong hindi maganda sa kaniya pag hindi pa ako nakapag pigil.
***
"Wahhhhh..excited na akong mapanood ang mga basketball players!"
"Tnginang iyan!Balita ko ang gwapo ng Captain ng Princeter"
"Ehhh...Balita ko first game,ang maglalaban ay ang P.U at M.U"
"Ow my gahddd!Sobrang pogi ng Captain ng P.U"
"Gwapo din naman ang sa M.U"
"Putek!Kinikilig ako!"
"Sheezz..I can't wait!!!!"
"O my gahd!lahat yata ng basketball players ng P.U pogi!"
Yan!Yan ang kanina ko pang naririnig dito sa loob ng Gymnasium kung saan gaganapin ang laban ng basketball team.Marami nang tao sa loob,sa sobrang dami kahit malaki ang Gym ay halos wala nang vacant na seat.Halo-halo na rin ang iba't ibang kulay ng mga suot na shirt.Halos mahilo ako,tsk!At syempre halo-halo rin ang amoy ng mga pabango kaya nakakasuka talaga,at ako?Nandito ako sa isang bleachers dahil dito ako pina-pwesto ni Ma'am Ferrylin,may kasama rin naman akong ka team ko pero madami ring hindi.May color yellow,red,blue at madami ngayon ang white and black, syempre naman,school yata nila ang maglalaban ngayon.tsk!
![](https://img.wattpad.com/cover/197622479-288-k33675.jpg)
BINABASA MO ANG
Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)
Ficção AdolescenteHow do I Changed??? Well...I really don't know.. I just woke up one day that I'm already like this... and until now, It's still a MYSTERY! and no one know... Why and How? Thanks for the very beautiful book cover Luxxane♥