MISERY 58💙

4 3 19
                                    

I dedicated this chapter to
@TeacherAnny
Hello po Ma'am! Sana po magustuhan niyo ang chapter na ito.

VINE'S P.O.V

" Uoommggghhhttt " ungot ng gagu habang binabagtas namin yung hagdan. Takte! Ang bigat lang ha?! Imagine,inaalalayan ko siya at grabe lang dahil pasan-pasan ko yung buong bigat niya. Tsk! Papakalasing kasi tapos hindi naman kaya ang sarili.

" Umayos ka kung hindi'y bibitawan talaga kitang gagu ka! " pagbabanta ko sa kaniya kahit na hindi naman ata ako naririnig o naiintindihan ng gagu. Dala marahil ng sobrang kalasingan.

" Oouuuggghhttt " patuloy na ungot nito habang gumi-gewang gewang pa,pati tuloy ako eh napapasama. Arghh! Gagu ka talaga Leonard!

" Umayos ka sabi ehhh! " naiinis na singhal ko sa lasing saka ito pinukulan ng masamang tingin na parang maiintindihan niya kung ano ang nais kong iparating. Ksh! Kakainis na kasi eh! Ambigat kaya.

Wala naman itong ibang naging reaksyon,tsk! Sarap sapakin. Wala sa sariling naitirik ko ang sariling mga mata. Hoohh! Magpasensya ka Vine,lasing yan oh! Tinakasan yan ng sariling kaluluwa.

Napahinga na lang ako ng malalim saka ipinagpatuloy ang pagpanhik sa hagdan. Ilang minuto pa siguro ang lumipas bago kami tuluyang makarating sa kwarto nila ni Xan.

" Ohhhhhh my gags! Ipaalala mo sa akin Vine na bawian ang gagung toh pag gising na pag gising niya " nagpupuyos sa galit na saad ni Bella saka marahas na tumayo at padaskol na kinuha ang mga ginamit sa paglilinis ng katawan ni Xan na ngayon ay himbing na himbing na sa pagtulog samantalang siya naman ay hindi na yata matagalan ang amoy na nakadikit sa damit niya. Halatang iritang irita na ito pero in fairness pa rin dahil inuna nitong linisan ang gagu kaysa ang sarili niya. Oh well, there really is something between them.

" Sure! Are you going to kiss him as a payback? " asar ko sa kaniya saka ihiniga ang gagung si Leonard sa kama nito. Grrr! Pasakit talaga ang putcha! Note to my self: Kill this jerk when he woke up.

Mabilis ako nitong tiningnan ng masama at napapapadyak pa na umismid ang bruha. Tch! Pikon talo ang buang.

" Dream on " matigas nitong saad saka nagmadaling lumabas sa kwarto. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapailing-iling na lang.

Whatever Isabella,whatever!

Bumaba na rin ako upang kumuha ng maaligamgam na tubig,alcohol at bimpo. Hep! Hep! Hep! Wag kayong masyadong praning ha? Naaawa lang ako sa gagung yun kaya't lilinisan ko. Amp! Magka-utang na loob man lang sa akin at ng tigilan na ang pangungulit. Tss,kakabanas na eh.

Pagbaba ko ay nasa sofa pa rin si Sheah ngunit parang hindi naman nito napansin ang presensya ko dahil nakakunot lang ang noo nito at nakatulala sa kawalan. Tsk! Natitiyak ko na hanggang ngayon ay nagpa-process pa rin sa isip niya kung ano ang mga sinabi ko.

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon