MISERY 54💙

3 1 0
                                    

I dedicated this chapter to
abutterflyherself

Hi @abutterflyherselfYour one of my idol here in watty. I really admired your works so more power to you. I hope you enjoy this chapter.

SHEAH'S P.O.V

Sa pagmulat ko ng mga mata ko ay mga nag-aalalang mukha ng mga kaibigan ko ang bumungad sa akin.

" Oh my gahd " tili ni Bella sa natural nitong boses. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang mapahilot na lang sa sentido ko dahil sa biglaang pagkirot ng ulo ko.

Shit! Napapadalas yata ang pagkirot nito.

" Hey " ang mga katagang unang narinig ko mula kay Vine. Umupo siya sa gilid ng kamang hinihigaan ko at saka mataman akong tinitigan.

Bakas naman ang pag-aalala sa mukha ni Gel habang tahimik na nakatayo sa gilid ni Vine. Samantalang ngayon ay kakapasok pa lang ni Vics habang hawak-hawak ang isang mug at saka lumapit sa akin at inabot ito.

" Here! Drink this " saad niya pa. Wala namang pag-aatubiling inabot ko iyon at nakita ko ngang gatas ang laman nun. Hindi ko maiwasang mapabuga ng hangin. Hindi pa rin nawawala ang kirot sa puso ko ngunit bahagya itong nabawasan dahil sa nakikita ko ngayon sa mga kaibigan ko na bruhang magaganda.

Hindi ko ring mapigilang makaramdam ng guilt. Alam kong dahil sa akin kaya't may mga maleta sila ngayon sa ilalim ng kanilang mga mata. Halatang hindi nakatulog ng maayos.

Dumapo ang tingin ko sa wall clock na nakasabit sa dingding ng aking silid kaya't doon ko nalaman na malapit na palang mag-umaga. Nagmamadaling araw na.

" Uhm " tila napipi ako ngayon at hindi ko alam kung anong mga kataga ang dapat na lumabas mula sa aking bibig.

Nahihiya ako sa kanila lalo na sa inakto ko kahapon. Hindi ko alam kung maipapaliwanag ko ba sa kanila ng maayos. Kung maiintindihan ba nila ang kababawan ko? Oo,likas na mababaw lang talaga ako. Mababaw ang luha ko pero pati ang damdamin ko ay mababaw din. Kaya nga hindi na nakapagtataka na mabilis lang akong tumawa,mabilis lang akong sumaya at matuwa sa isang bagay pero kahit papaano ay mabilis din akong masaktan. Sensitive kumbaga. Tch! Ganun naman siguro talaga ang buhay.

" Kamusta ka na? " naga-alalang tanong ni Gella. Sa tono ng pananalita niya ay parang ilang taon kaming hindi nagkita. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil sa kaniya.

" Okay na yung pakiramdam ko " sagot ko,kahit na ang totoo ay kumikirot pa ang bahagi ng dibdib ko. May gusto akong itanong sa kanila ngunit nahihiya ako. Hindi ko alam at hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng ganitong hiya sa harap ng mga kaibigan kong ilang taon ko na ring nakasama.

" Eh yung puso mo? " awtomatikong nawala ang maliit na ngiti sa labi ko ng marinig ko ang tanong ni Vine. Kahit kailan ay napaka prangka niya talaga. Hindi ko tuloy maiwasang mapailing-iling sa aking isipan. Matagal-tagal na rin pala ng huli kaming magkakaibigan na magkaroon ng masinsinan at seryosong usapan. Matagal na rin ang huling heart to heart and girl to girl talk namin. Nitong mga nakaraan kasi ay puro lang biruan ang mga naging pag-uusap namin.

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon