SHEAH'S P.O.V
Maaga akong nagising dahil nahihiya naman akong lagi na lang akong pinupuntahan dito sa kuwarto para lang tawaging kumain.
Bumangon na ako habang yung dalawa kong kasama dito sa kwarto ay himbing na himbing pa sa pagtulog.
Napangiti na lang ako dahil sa posisyon ng dalawa kong kaibigan,nagyayakapan sila na parang magugunaw na ang mundo.
Pagkatapos kong ayusin ang pinaghigaan ay dumiretso na ako sa banyo para maligo dahil plano ko sanang ako ang maghahanda ng pang umagahan ngayon.Makabawi man lang sa mga araw na lutang ako at hindi nila maka-usap ng maayos.
Nang matapos na akong maligo at makapagpalit ng damit ay napag desisyunan ko nang bumaba at dumiretso sa kusina para magluto.
"Hhhmmmm...." hindi ko maiwasang mapa-hummmm habang naglakakad pababa.
Pero napatigil talaga ako ng may maamoy na napaka bango and I think galing yun sa kusina.Err...bigla tuloy akong na-excite.
Mabilis akong tumakbo papunta doon.Tsk!Kahit kailan ang aga-aga talaga ni Gel sa lahat ng bagay.
"Gel!Mukhang ang sarap yat------" masayang saad ko pero agad rin napahinto ng hindi si Gelliana ang madatnan kong nagluluto.
Dahan dahan itong lumingon na walang bakas ng kahit na anong ekspresyon ang mukha.
Tumikhim ako saka dahan-dahang naglakad papunta sa isang upuan at saka doon umupo habang pinapanood siya sa kaniyang ginagawa.
Parang bigla tuloy akong nawalan ng ganang magluto ngayon.
Kitang kita ko mula dito sa likod ang perpektong hubog ng katawan niya.Yung tipong likod pa lang busog kana at alam mong may maipagmamalaki pa.
'Hsh!Ano ba itong pinagsasasabi ko?!'
Pero hindi Sheah,wag kang masyadong ma-attracted sa kaniya dahil pare-parehas lang silang lahat.
Boys are always boys.Paaasahin ka lang sa wala tapos iiwan kang kawawa.Tsk!
Oo tama,walang malisya ang lahat ng nangyari.Posibleng may girlfriend na siya kaya mas mabuti kung didistansya ka na.
Wala lang lahat ng mga nakita mo noon.Yung pagligtas niya sayo at yung pagiging sweet niya na siguro para sayo ay sweet na kahit hindi naman ganun sa iba.Yung paggamot niya sa sugat mo at yung paghatid niya sa iyo.Wala lang ang lahat Sheah.
Ganun lang talaga siya at hindi ka dapat mahulog sa mga taong kagaya niya.Hindi Sheah,masasaktan ka lang.
Huminga ako ng malalim bago napagdesisyunang lumabas na sa kusina dahil parang ilang minuto pa lang akong nandoon ay parang hindi na ako makahinga.
"Where are you going?" bigla ay narinig ko ang isang malamig na boses na nakapagpatigil sa akin sa paglalakad.
"Babalik sa kwarto" simpleng sagot na hindi nagpapa-apekto sa kaniya.
Great job Sheah!Hoh!
Ilang minuto lang rin at hindi ko na narinig pa ang sagot niya kaya ipinagpatuloy ko na lang ang paglakakad.
"Wait a second,try to taste this one" rinig kong saad niya dahilan upang mapatigil na naman ako sa paglalakad at mapalingon sa kaniya.
Doon ko nakita na inilipag niya ang isang maliit na platito na may lamang maliit na pirasong beef steak sa mesa.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa sinabi niya,baka kung ano pang isipin ng kumag na toh kung i-snobin ko lang siya,tsk!
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)
Dla nastolatkówHow do I Changed??? Well...I really don't know.. I just woke up one day that I'm already like this... and until now, It's still a MYSTERY! and no one know... Why and How? Thanks for the very beautiful book cover Luxxane♥