MISERY 63💙

8 2 0
                                    

SHEAH'S P.O.V

" Ha? " wala sa sariling lumabas sa pangahas kong bibig. Grr! Putakteng lamok yan oh,hanuh daw?

" Wala ba talaga akong pag-asa sa'yo? " puta! At inulit pa talaga ha?!

Oh ano na ngayon Sheah ha? Ano nang isasagot mo sa kaniya ha?!

" Uhm " syet! Ano bang dapat kong sabihin?

Na,hindi Rai. Mali ang iniisip mo dahil sa totoo lang ay gustong gusto kita! Pero syet na malagkit! Paano ko ba yun sasabihin? Paano ko ii-express yung sarili ko? Eh nakakahiya ng sobra eh.

Para naman itong natauhan at saka napailing-iling. Huminga ito ng malalim at saka bahagyang ngumiti kaya lang ay hindi nakatakas ang bahagyang paglamlam ng mga mata nito.

" I'm sorry,hindi dapat kita pinipilit. Masyado yata akong naging mabilis at nabigla kita " parang nahihiya pang saad nito at saka napahawak sa batok niya. Syet! Ba't ba ang gwapo mo ha?!

And no! No! Naku naman,ano bang tamang itawag sa akin? Eh kung ang lalaki torpe kamusta naman pala ako na babae?

" Uhm,ano---kasi---ano " nalintikan na talaga. Argh! Parang nagkabuhol-buhol pa yata yung dila kong letche.

" It's okay " pilit pa rin ang ngiting sagot nito at saka na naglakad,pero halos manigas ako sa kintatayuan ko ng bigla itong huminto at bahagyang tumunghay sa harap ko. " Goodnight Yanah " kakaibang kilabot ang inihatid sa kalamnan ko ng maramdaman ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa balat ko. Takte! At mas lalo pa akong nanigas ng sa isang iglap ay hinalikan niya ang pisngi ko. Puta! Nag magha-hyperventilate na yata ako.

Ilang minuto na yata siyang nakaalis pero hanggang ngayon ay nakatanga pa rin ako dito at hindi makagalaw. Grabe! Nakakatakot talaga ang epekto niya sa akin.

***

Hindi ako pinatulog ng mga nangyari kagabi. Hooh! Kung mag-inarte naman ako dito eh parang ang big deal nun. Wait,what?! Big deal naman talaga yun ah! Sinong nagsabing hindi at ng maupakan ko.

" Sheah "

Tsk! Tsk! Tsk! Ba't ba kasi ang unfair!!! Bakit pag ang lalaki ang umamin eh okay lang pero pagbabae yung umamin eh iba na agad ang dating. Kung ano-anong maririnig mo na kesyo malandi ka,pakawala,malibog,masyadong sabik at kung anu-ano pang nakakasukang term. Sa totoo lang eh nakakapikon na talaga ha!

" Sheah "

Ang unfair unfair talaga ng mundo. Ba't ba hanggang ngayon eh nananaig pa rin ang diskriminasyon? Hmp! Kung makapag-emo tuloy ako ngayon eh akala mo naman nasa panahon ako ni Jose Rizal at kailangan kong makidigma para sa kalayaan. Hay buhay!

" Sheah "

Paano kaya  yung mga susunod na henerasyon? Tsk! Magiging ganito pa rin ba sa kanila? Oh malaya na nilang maipapahayag ang damdamin nila?

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon