MISERY 55💙

1 1 2
                                    

I dedicated this chapter to
Maryaclara98

Hi @Maryaclara98 ♥ I just want to say thank you for supporting me and my works. Thanks for every votes you gave on my story. More power to you and I hope you enjoy this chapter.

ROE'S P.O.V

" Bye guise! I really enjoy this night! " paalam ng mga kaibigan or more like kaklase namin. Wala naman kaming ibang nagawa kung hindi ang iangat na lang rin ang kamay at ngumiti bilang pamamaalam.

Tapos na ang naganap na celebration sa bahay ng mga amazonang bruhang magaganda sabi nila. At take note kasama na doon ang boss my babybabes ko.

Oh well,nakaalis na ang lahat ng bisita at kami na lang ang natira,psh! Syempre dito kami nakatira eh.

Pero nakakapagtaka dahil kanina pa seryoso ang mga mukha nila at parang mga wala sa sarili. Parang ang naiiba lang yata ng ekspresyon sa mukha ay si Gel na halatang kinakabahan at naga-alala. Si Bella naman kasi ay seryoso rin at kahit na kanina pa siya inaasar o dinadakdakan ng ugok na kaibigan kong si Xan ay hindi niya ito pinapansin. Taliwas sa palaging ekspresyon niyang iritang-irita at sa pagiging agresibo ng bibig niya upang mabilis na basagin ang mga banat ng ugok. Samantalang si Vics naman ay tahimik lang at seryosong naka-upo sa isang tabi,halatang malalim ang iniisip at si Vine naman ay kanina pa ako hindi pinapansin. Hindi ako tinatapunan ng kahit na kapirasong tingin at hindi din nagbabanta na iti-tape ang bibig ko o di kaya'y sisirain ang mukha ko kahit na kanina ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang dumaldal ng dumaldal na, oh well,ginagawa ko lang rin naman dahil sa kaniya. Gusto ko kasi na laging nasa akin lang yung atensyon niya,gustong gusto ko kapag naiinis siya o di kaya'y nayayamot sa akin. Ang ibig sabihin kasi nun ay napapansin niya ang presensiya ko.

Pero what the heck?!

Ano bang meron sa kanila ngayon at parang may mga sariling mundo sila? Masyado na akong nawi-wirduhan sa mga inaakto nila kanina lalo na ng sa iisang kotse silang lima sumakay at hindi sumabay sa amin gaya ng laging nangyayari. But wait?! Lima right? Oh eh asan nga pala si Sheah? Is it because of her?

Kahit na nini-nerbyus at parang nagwawala yung puso ko sa tuwing nilalapitan at kinaka-usap ko siya ay napag-desisyunan ko pa rin na lumapit upang komprontahin siya. Shit! Ano bang ginagawa ng mga hormones na ito sa akin ha? Ksh! Umayos ka Leonard!

" Hey! " kinakabahang saad ko ng umupo ako sa tabi niya. Tsk! Never pa akong kinabahan ng ganito sa buong buhay ko. Bakit ba ang lakas ng epekto ng babaing toh sa akin? Eh  sandamakmak na babae na naman ang nakilala ko noong nasa ibang bansa pa ako. Mga modelo at artista,may magagandang kurba at mga sopistikada pero hindi naman ako kinakabahan ng ganito kapag ka-usap sila at lalong hindi bumaba ang self esteem ko kapag tinitingnan nila ako,alam ko naman kasi na may maipagmamalaki ang mukha. Pero Tae! Pag siya yung tumingin sa akin feeling ko nababawasan ng ilang inch ang confidence na meron ako sa bawat minuto. Never din akong kinabahan sa pakikipagpalitan ng sentyemento,kahit nga kay Daddy na tinitingala ko ay easy pissy lang ako kung makipag-usap,seriously? Anong pinakain ng babaing amazong toh sa guwapong tulad ko?

Walang kagana-gana niya akong binalingan ng tingin pagkatapos ay pinagtaasan ng kilay. Tch! Kung nasa mood lang siya ay siguradong sinigawan na niya ako at sinabing lumayas ka sa harap ko at saka nakatanggap na ako ng isang malakas na sapak na siya lang ang babaing nakakagawa . Pero ngayon ay pagtaas lang ng kilay ang natanggap ko. Bahagya tuloy akong nalungkot. Bahagi na ng routine ko sa araw-araw ang makatanggap ng sandamakmak na sapak mula sa kaniya sa umaga,tanghali,hapon at gabi. Pero kulang yung ngayon,tsk!

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon