MISERY 32💙

10 6 2
                                    

SHEAH'S P.O.V

"Bye Sabi,ingat!!!" sigaw namin habang kumakaway.
Sumilip naman siya mula sa sasakyan at kumaway rin.Hindi naman nagtagal at nawala na sila sa paningin namin.Napagdesisyunan na lang namin na pumasok na sa bahay upang gawin yung mga trabaho namin ngayong walang pasok.

Nagbunutan kasi kami ng mga gagawin at gumawa na rin ng scheduled si Bella.Sari-saring pagpo-protesta pa nga yung naririnig namin mula sa mga ugok na kasama namin sa bahay eh.

Nabunot ni Bella ang pamamalengke at sa kamalas malasan nga naman at si Xan ang nakapartner niya.Pareho silang badtrip sa isa't isa kaya hindi na ako magtataka kung magtagal talaga sila sa pamamalengke dahil sa pagbabangayan nila.Araw kasi ngayon ng pamamalengke kaya naman ayun at umalis na sila.

Napunta naman sa paghuhugas ng pinggan si Vine at ang kapareha niyang nakabunot nun ay si Roe.Hindi naman sila umangal at hindi rin naman talaga kasi sila nag-uusap.

Samantalang swenerte naman si Gel at napunta siya sa pagluluto na paborito niya naman talagang gawin.Kasama niya si Rai at hindi ko alam kung kamusta naman ang kakalabasan ng mga luto nila sa araw-araw,tsk!Sana lang ay hindi kami malason.

Si Vics naman at ako ay napunta sa paglalaba,tsk!Ang malas ko dahil yun yung nabunot ko kahit na yun ang pinaka-ayaw kung gawaing bahay sa lahat.Mas preferred ko pa yata ang mamalengke o di kaya ay maghugas ng mga pinagkainan.

Kasama nga pala namin na nakabunot ng paglalaba si Zai and Carl.Hindi naman ako nakarinig ng kung anong opinion o pagpo-protesta mula kay Vics at Zai kaya nakakapanibago lang.

Nung umiyak si Vics,parang kahit papaano ay nagkaroon ako ng kaunting clued kung bakit ganito sila sa isa't isa.Pero hindi pa rin yun sapat para malaman kung ano nga bang problema nila o mas dapat bang sabihin na may problema nga ba sila?

"Sheah,ako na lang kaya ang maglalaba,parang magkakasakit ka yata" saad ni Vics habang kinukuha ang isang malaking laundry basket.

Umiling naman ako saka kinuha ang isa pa.

"Hindi,kaya ko ito noh,tsk!"

Ngumuso na lang siya saka nagkibit balikat at naglakad papunta sa sa likod ng bahay kung saan may malaking hose at kung nasaan matatagpuan ang washing machine.

Nadatnan naman namin doon yung dalawa.Kumunot nalang yung noo ko ng hindi magpansinan sila Zai and Vics.Ni hay ni hoy wala.

Tiningnan ko naman si Carl pero nagkibit balikat lang siya.Okay,mukhang wala rin siyang alam sa nangyayari.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo She,kahapon may pumunta dito tapos hinahanap ka" biglang saad ni Vics habang binabalnawan yung mga damit.

"Sino daw?" tanong ko na lang habang nilalagyan ko naman ng powder yung washing machine.

"Stalker mo" saad niya dahilan upang mapatingin ako sa kaniya nang nakakunot noo.

"Heh,masamang biro" saad ko na lang saka umikot ang mga mata.Tumawa naman siya na mukhang nakakatawa yung naging reaksyon ko.

"Buti nga umalis agad eh,nakakayamot rin siya"

"Ba't kasi pinapansin niyo pa?Hayaan niyo na lang mapapagod din yun" saad ko na lang saka tinulungan siya sa ginagawa niya.

"Masyadong epal eh sinong hindi makakapansin?"

Napailing na lang ako sa sagot niya.Hay!Totoo nga naman kasi,nakakayamot na yung mukha nung lalaking yun.Nakakapanindig balahibo kapag natingin siya.Tsk!

Medyo natagalan rin kami ni Vics bago natapos.Hindi na nga ako makahinga dahil sa atmosphere kanina,wala na ring nagsasalita kaya naman mas lalong awkward, hindi rin naman ako makapag-isip ng matinong topic.

Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon