SHEAH'S P.O.V
"Hay salamat!Tapos na rin ang exam,hay sa wakas!" masayang saad ni Bella na parang wala kaming ibang kasama ngayon dito sa loob na sinasakyan naming jeep pauwi sa bahay.
"Itong week talagang ito ang sobrang napagod ako,hays!Halos hindi ako natulog kaka-review" saad naman ni Vine habang naka nguso
"Oo nga noh?Hay salamat naman at ngayon ay makakakain na ako ng maayos" saad pa ni Vics habang hinihimas himas ang mga librong ngayon ay nakapatong sa mga hita niya.
"At makakausap na natin ng maayos si Gel" dagdag ko naman.
It's been a week na rin mula ng matapos ang Inter High at salamat naman dahil hindi na muli nagtagpo ang mga landas namin.Hindi na namin nakita or naka-usap man lang yung limang yun after ng dinner at nung makita ko silang kasama ng boyfriend ni V,ewan ko na lang kay Vics.Masaya naman ako dahil kahit papaano ay umayos na ulit at bumalik na ulit sa normal yung tibok ng puso ko na parang dati lang ay sumama yata sa marathon,inisip ko na lang na pagod lang ako ng mga oras na yun at nalilito sa nararamdaman ko.Kaya kahit papaano rin ay nakalimutan ko na,medyo natuwa rin ako ng hindi nila napansin ang kung ano mang problema ko,pero kahit ganun nga ay hindi ko rin naman mapigilang malungkot sa hindi ko malamang dahilan.At isa pa,nakuha ng school namin ang championship sa volleyball girls,hindi naman talaga maitatangging magaling sila kaya nga natalo nila ang mga taga Princeter thought nag first runner up lang si Gel bilang Ms.Inter high 2019,natalo kasi siya ng taga Princeter,ganun din yung Cheering Squad namin kaya kahit papaano naman ay dikit rin ang laban.Itinuring na over-all champion ang Princeter samantalang ikalawa lang kami.
About naman sa hindi masyadong maka-usap ng maayos si Gel,ewan ko kung epekto ng exam namin this week dahi sa pagru-rushed ng lessons o dahil sa nangyari sa Inter high kung meron man ngang nangyari.
"Dito na lang po!" saad ni Bella sa driver dahilan upang mapahinto ang jeep medyo nakalayu-layo nga lang dahil sa mabilis nitong takbo,nagbayad na naman kami saka bumaba.
"Oh!bakit may magarang sasakyan sa harap ng bahay natin?" halatang kinakabahang saad ni Vine.
Nasa tapat lang ito ng bahay namin dahil hindi naman talaga ito makakapasok dahil nga ni-locked talaga ni Bella ng napakahusay to the point na ang daming kadena at kandado ang ikinabit.Hindi na naman ako bago sa ganitong bagay dahil ugali na talaga niya yun."Hala,anong meron?" takang tanong pa ni Vics kahit pare-pareho naman kaming walang alam.
Medyo may distansya pa kami sa bahay dahil hindi agad naka tigil yung jeep pagkasigaw na pagkasigaw ni Bella.
"Oh my gahd?Hindi kaya---" hindi na itinuloy pa ni Bella ang sasabihin dahil sa pare-pareho naman kami ng ini-iisip.
"Gosh!What are we going to do now?" parang kinakabahan na ring tanong ni Gel
Nagkibit balikat na lang ako,kahit kasi ako ay kinakabahan rin sa mga posibleng mangyari.
"WIFEY!!!!" halos mapasigaw kami sa gulat ng bigla na lang may nagsalita,noon lang namin narealized na parang ilang minuto pala kaming mga naging tuod at halos hindi huminga habang hinihintay na may bumaba mula sa sasakyan.
At dahil dun ay bigla kaming nagising sa realidad na mali nga ang hinala namin.Siguro nga ay nabunutan ng mga tinik ang mga kaibigan ko,nakahinga ng maluwag at nawala ang nerbyus,pero hindi ako.Sobrang kumabog ng napakabilis yung puso ko na parang sumama na naman sa marathon ang lintik,nadagdagan ang kabang nararamdaman ko at halos pagpawisan ako kahit halos wala na ring araw.Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng mga ganito.Napaka wirdo ko na talaga,sa tingin ko ay nababaliw na ako.
Ano bang nangyayari sa akin?
Siguro dahil na rin sa posibilidad na nandito rin siya.
"Wifey buti naman at dumating na kayo,kanina pa kita hinihintay eh" saad nitong boyfriend daw kuno ng kaibigan ko na hindi ko namalayang nasa harapan na pala namin at may malawak na ngiti.
"Tsk!Bakit kayo nandito?" tanong naman ni Vics habang naka kunot pa ang noo,nabanas siguro dahil sa masyado siyang kinabahan kanina
"Tss..As usual, my wifey is really cute when--"
"Shut up Rosales" pagpuputol ni Vics sa dapat na sasabihin nitong boyfriend daw kuno niya.
Nakita ko naman ang pag iling-iling nila Vine.Tsk!Mukhang naasiwa sila sa paglalambingan ngayon ng mag jowa daw kuno.
Nagsimula na lang kaming maglakad habang rinig na rinig pa rin namin ang pagtatalo ng dalawa sa likod namin.
"Akin na yan,ako na ang magdadala"
"Argh!Tumigil ka na Rosales kung ayaw mong mamatay!!!!" narinig ko pa
Halatang pinagtatalunan nila ang mga librong ngayon ay dala-dala ni Vics.
"What the freaking hell brought you all here?" matigas na tanong ni Bella sa apat na lalaking ngayon ay kaharap namin.
Halatang badtrip siya dahil sa sobrang kabang naramdaman namin para sa wala.
At sa kasamaang palad,mas lalo pang bumilis yung tibok ng letcheng pusong toh!
"You owe me something, remember?" biglang sagot nung lalaki na kung hindi ko nakakalimutan ay Xan daw ang pangalan.
"Ha!Ang tigas ng mukha,bravo" natatawang saad ni Bella habang napapapalakpak pa pero bigla rin naman sumeryoso yung mukha,tsk!Bipolar!
"At kailan pa ako nagkautang---""I am here to regain it" nakangising pagpuputol ni Xan sa dapat ay sasabihin ni Bella
Umuusok naman yung ilong ng kaibigan naming nakatitig sa Xan daw kunong ito habang kami ay nakatingin lang sa kanilang dalawa.
Okay,anong nangyayari?
"Regain huh?Oh babatuhin mo din ako niyang putchang sapatos mo?Oh eh di sige,bilis bilisan mo ng matapos na toh!" nanggagalaiti sa galit na sigaw pa nito
Bigla namang tumawa yung kausap niya habang mga expression less pa rin ang mga kasama nito,maliban na lang siguro sa Rosales na yun na hanggang ngayon ay nakikipagtalo pa rin kay Vics
"Nope,not in that way" saad pa nito dahilan upang matigilan si Bella kahit kami ay nagulat sa sinabi nito,pakiramdam ko kasi ay may masamang mangyayari at hindi maganda ang mga salitang susunod na sasabihin nitong lalaking toh.
"Ha!At mukhang demanding ka pa ha" naiinis pa ring saad ngayon ni Bella habang pa cool cool lang yung kausap niya.
Naman,yan yung mga taong masarap sapakin eh.Feeling masyado.
"Well,hindi naman masama yun.Right?"pang-iinis pa nito.
Napailing-iling na lang kami dahil sa mga inaasal nila,para silang aso't pusa at mukha rin silang mga bata na nag-aaway.
" Masama?Well pag ikaw, oo naman masama yun"
"Tsk!Whatever you say Isabella,you still owe me something"
"Aish!Ano ba kasing kailangan mo?Utang na loob naman,wag ngayon okay?Masakit yung ulo ko at pagod ako so just spilled the hell out of it!" Bella stated while rolling her eyes in so much irritation and frustration that she's feeling right now.
Bigla namang sumeryoso yung mukha ng kausap niya at walang kagatol-gatol na sinabi ang mga katagang nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko.
Oh my gahd!
Sa tingin ko malala na toh
BINABASA MO ANG
Changed by a Misery (Variance Of Fate Series #1)
Teen FictionHow do I Changed??? Well...I really don't know.. I just woke up one day that I'm already like this... and until now, It's still a MYSTERY! and no one know... Why and How? Thanks for the very beautiful book cover Luxxane♥