CHURCH
Earl
Maaliwalas ang panahon.
Masarap ang ihip ng hangin.
Hindi ganun kasikat ang tirik ng araw sa balat ko. Habang tinatahak ko ang daan papunta kung saan. Bahala na. Hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ng paghahanap ko na ito.Bakit?
Umalis kasi ng bahay kanina sina Mama at Ellie, kapatid ko (pitong-taon gulang na batang babae). Wala akong kasama sa bahay kaya naisipan kong kumain nalang sa labas. Tamad din kasi akong magluto ng kakainin ko. Fast food. Sa fast food nalang ako kakain.
Naglalakad ako sa may palengke, maraming tao magulo, lakad dito at lakad doon. Nagpalinga-linga ako sa paligid naghahanap ng lugar na pwede kong pagpwestuhan para makain.
Sa kanang bahagi ng palengki ay isang malaking mall. Ang sa kaliwa naman ay ang malaking simbahan ng bayan ng San Cruz Poblacion.
Napakunot ang noo ko ng may nahagip ang mata ko ng isang bulto ng tao na madalang kolang makita na mapadpad sa gawing ito. Napapakusot ng mata. Baka namamalikmata lang ako.
Pero hindi! Siya nga!
Nakaformal siyang damit pero simple lamang yun. Nakasukbit ang bag niya sa kaliwang balikat. Nakasuot ng istilyeto na sapatos hindi ganun kataasan ang pulgada. Huli kong pinasadahan ng tingin ang mukha niya. Nagpapalinga-linga sa paligid na parang may hinahanap din. Pinakatitigan ko ang mukha niya habang hindi niya ako nakikita.
Tama ba nakikita ko?
Matamlay. Matamlay ang pagmumukha niya at parang may kung anong bumagabag doon. Gumalaw siya at umalis.
Naisipan kong sundan siya. Nilandas ang pwesto na tinutumbok ng mga kilos niya. Papasok siya sa simbahan. Lininga ko ang paligid at tumawid ng daan habang hindi inalis ang atensyon sakanya.
Tuluy-tuloy siyang naglakad papasok sa simbahan, pumpwesto sa mga nakahilerang mga upuan sa pinakaunahang bahagi ng loob neto. Malapit sa may altar.
Habang ako?
Heto!
Nasa labas ng simbahan. Nakamasid sa bawat galaw niya. Nagdadalawang-isip kung lalapitan ko ba siya. Kung pwede ko nga ba siyang kausapin at lapitan ng malapitan?
Tahimik ang paligid. Walang ibang tao kundi kami lang. Kaming dalawa lang at ang nakakabulahaw na tunog ng mga sasakyan na nagpabalik-balik na dumaan sa harapan ng simbahan. Tunog ng makina ng mga sasakyan, pito ng enforcer na nagmamando sa daan, iba-ibang sigaw ng mga nagtitinda sa kabilang daan at iba pa. Lahat yan ay naririnig ko samantalang ang mga mata ko nakapokus sa kinauupuan niya.
Tutuloy ba ako?
Lalapitan ko ba siya?Ewan ko. Yan ang tanging sagot ko.
Ewan ko, kung bakit ko nga ba siya sinundan 'gayong wala naman akong lakas ng loob na lapitan siya.
Patuloy ko siyang pinagmasdan ang likuran niyang nakaupo sa harapan hanggang sa napansin ko na dahan-dahan siyang yumuko. Napayuko din ako sa paanan ko at napangiti ng bahagya.
Nasa ganito man kaming sitwasyon ngayon-- pero masaya na akong makita siya dito. Halos anim na buwan na din ang lumipas. Mga panahon na malaya ko pa siyang natitigan.
Anong meron sa anim na buwan? Malalaman niyo rin kung bakit.
Namiss kong pakinggan ang boses niya medyo matinis sa sobrang liit pero lambing pakinggan. Medyo may pagkalambing kasi kapag siya ang nagsasalita. Ang pabango niyang kasim -halimuyak ng vanilla kapag napapadaan siya sa gilid ko o kahit sa harapan ko noong nasa nasa eskwelahan kami at magkaklase. At ang pinaka-inaabangan ko sa lahat ay ang nasisilayan man lang mukha niyang mala-anghel sa ganda. Sobrang amo ng kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...