013:

226 15 6
                                    

Let's spread love and kindness to one another.
Hindi natin alam mga pinagdadaanan nila.

Have a nice Day.

▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

I was just roaming around the mall.
Saan ba pwedeng kumain dito?
Yung may masarap na bulalo.
Miss kona kumain nun.
Iba kasi ang lasa ng bulalo dun kesa sa laging kong natitikman sa syudad.
Aissshhh kakainis naman! Kung kaya kolang sana bumbyahe mag isa ay pupunta ako dun.

Napagdesisyunan ko na kumain nalang ng ibang putahe kesa sa bulalo.
I've order a sinagang sa misui na hipon tsaka may dessert din halo-halo. Malamig na ang panahon kaso gusto ko ng malamig.

"Ma'am your order po. Enjoy the meal" sabi ng crew pagkaserve sakin ng inorder ko pagkatapos ay umalis na. Walang masyadong tao sa resto na ito. Pinicturan ko rin kanina ang buong lugar. I just love taking photos wherever I go kasi kapag nalulungkot ako sila yung nagiging sandigan ko. Once na kita ko yung mga nasa gallery ko ay sumaya ako. Just by reminiscing each details ng mga picture na yun. Kung saan, kailan at sino yung kasama ko.

Pinicturan ko yun at pinost sa Twitter with a caption of " Another life experience that I have made on my own. Thank God for a wonderful life. Have a misui for Lunch. Tara let's Eat"

Tapos ay inumpisahan ko ng kumain. At sarap na sarap ako ng may maramdaman ko may nakamasid sakin. Aishhh panira naman oh. Bahala kang maglaway diyan sa kinakain ko. Wala akong time para sayo. Pagkatapos kong kumain dumiretso ako sa cosmetics shop dito sa loob ng mall. Hahanap muna ako ng bagong collection ng lipstick. Maputla kasi ang skin complexion ko kaya dapat may make up or lipstick para hindi mapagkamalan na may sakit ako. Siguro ganun talaga iba-iba ang reference natin para mapataas ang confidence natin sa pagharap sa mga tao and make up are one of my assets to boost my confidence. Sabi nila mamahalin ka ng mga tao kapag maganda ka. Nope! Mamahalin ka ng mga tao kahit ano pa hitsura mo, estado mo sa buhay basta ikaw, sa sarili mo marunong kang magpakatotoo at maging mabait sa lahat. As in SA LAHAT. Cuz living in this world is just temporary so mag-iiwan kapa ba ng bad image na tatandaan sayo ng iba tao. Diba hindi? So be kind to everyone, to anyone kahit mga kaaway mo pa sila.
Bumili ako ng vice co na lipstick, isa yung brand na pagmamay ari ng isang artista. Isang lokal brand. Itatry kolang kung babagay skin.

"Thank you Ma'am. Balik po kayo at ang ganda niyo po" usal ng saleslady na tumulong sakin para mahanap ang preferred kong kulay ng lipstick. Ang bait niya at simple lang.

"Welcome po, babalik po ako kapag nagustuhan ko ito. And thank you sa compliment" wika ko sabay ngiti sa saleslady at lumabas na ako ng shop nila.

Saan pa ako pupunta nito? Halos alas-kuatro trenta palang ng hapon. Tinatamad pa akong umuwi. Kaya napagpasyahan ko na magpunta sa TimeZone. Mahilig akong magpunta dun kapag nagtutungo ako sa mall. Nanood lang ako ng mga naglalaro. Hindi kopa natry maglaro ng kahit na anong games dun kasi dati hindi naman ako pinapayagan nila mama na maglaro sa labas. Halos sa loob lang ng bahay. Hawak ang barbie maghapon at kalaro ang mga pinsan ko.

"Waahhh you're so galing naman!!" rinig kong usal ng isang bata.

"Wahh you're madaya Carl!!" mukhang kaaway niya yung kasama niya. Kanina pa sila. Dalawang bata na nakalikod sakin at naglalaro. Hindi ko kita ang mukha nila. Naglalaro sila dun sa parang nangisngisda ka tapos ilalag mo yung nakuha mo dun sa butas habang may nahuhulog ka ay madagdagan pa mga parang ticket or prize mo. Ang haba na nga ng mga nakuha nila. Maraming tao ang nanonood sakanila kaya likod lang ang kita ko. Natatakpan sila.

"Stop!! Hey your cheating!!" maktol ng batang babae.

"I was just a good player. And please shhhh your so maingay oh" paninita naman ng batang  lalaki.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon