Friday....▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Vianna POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
Pasado alas-otso ng gabi nung magkayayaan sila na umuwi na kami. Halos two weeks na akong pumasok dito sa company ni Mama bilang isang Admin assistant. Isang cosmetics company na gumamit ng mga catalogue para i-promote ang mga product namin at may mga artist silang kinukuha para mag-promote or magsuot ng mga produkto namin.
"Ingat po sa pag uwi, Mam" bati ni Manong Pipo, yung guard namin nakapwesto sa entrada ng establisyimento na laging na laging bumabati sakin kapag papasok at palabas na ako dito. Smiling face at mabait talaga siya. Minsan nakakwentuhan ko din siya kapag wala akong masyadong ginagawa.
'Pero ang kulet niya. Laging nagpo-po kahit matanda pa siya sakin. Kaloka naman sinabihan kona siya tungkol dun eh'
"Salamat po Kuya" nakangiti na sagot ko at nilampasan siya at naglakad na pababa sa hagdan.
"Ay Ma'am, may sundo ka pala!!" Habol na sita niya sakin kaya napaharap ako at nagtataka na tumingin sakanya.
"Po?"naguguluhan na tanong ko.
'Sino naman?'
"May sundo ka Ma'am. Muntik ko na pong makalimutan sabihin sa inyo"natatawa na sabi niya sakin habang lumilinga sa paligid na parang may hinahanap.
"Sino po? Wala naman pong nagsabi sakin na may susundo po sakin." takang tanong ko at nagpalinga-linga na rin sa paligid kaso wala naman akong ibang napansin na tao sa pwesto namin. Kaming dalawa lang ang nandito.
"Nasaan na nga ba si Sir? Kanina nandito lang yun lang ah" muling sambit niya at may hinahanap talaga siya.
'Sir? Si Lolo po'
"EHEM!!!"
Dinig kong boses ng pamiliar na boses at biglang may sumundot sa likod ko kaya napalingon ako.
"Love?!" napapangiti na sambit ko sakanya. Siya nga. Si Earl!! First time niyang magpunta dito. Halos two weeks na kaming hindi nagkikita. Busy daw siya at busy din ako.
"Yes it's me po. Hello!! Akin na yung gamit mo" nakangiti na sabi niya at piningot ang ilong. Tsaka ko inabot sakanya ang bag ko.
"Bakit hindi ka nagmessage na susunduin mo'ko?" Pang uusisa na tanong ko.
'Pero deep inside kinikilig ako nandito siya.' Hihihi'
"Hindi na po surprise kung ganun" mayabang na sagot niya at lumapit ng konti sa mukha ko kaya napayuko ako..
"Hindi ka yata busy?" bulong ko sakanya.
"Ayyyyyyiiiiiiiiee."tili ni Manong Pipo, kaya napabaling ako sakanya. "Ay sorry Ma'am dun po muna ako." dagdag niya pa at bumalik sa pwesto niya. Sa podium sa entrance ng company namin.
"So bakit ka nga nandito?" muling tanong ko kay Earl.
"Bawal ko bang sunduin ang girlfriend ko?" sagot niya at nagbaba ng konti para magkapantay ang paningin namin.
Nakatingala kasi ako sakanya."Ano yun?" nangiti na biro ko sakanya.
"Sabi ko bawal ko bang sunduin ang girlfriend ko?" Mabagal na sabi niya at nakangisi pa kaya napangiti din ako.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
Ficción GeneralWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...