048:

126 7 1
                                    

  ▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ VIANNA POV⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫

Natapos ang Pebrero ng ganun kami at ngayon ay kalagitnaan na rin ng Marso. Halos mag iisang buwan na rin kaming hindi nag uusap or nagkikita.

Nagmessage siya sakin at humingi ng paliwanag kung bakit ganito kami kaso hindi ko siya nireplayan at ni sineen ay hindi ko binasa ayoko muna kasi gusto ko marealize niya na may ilan sa mga  tinuring niyang mga biro ang hindi na maganda sa pandinig at nakakasama na ng naramdaman ng iba. Sino ba naman kasing matinong tao na sasabihan mo ng  bebreakan mo siya ng dahil lang sa motor? Ganun lang ba ang halaga ko sakanya.

Sabihin man natin na joke ba yun o hindi masakit parin lalo na at bago palang kami. Nung una na sinabi niyang may chance na iwan niya ako ay nagdamdam na ako tapos heto naman ngayon? Hindi ko gets yung mga punto niya. Hindi ko gets kung paano niya nakukuhang sabihin ang mga salitang yun gayon na wala naman siyang sakit, wala naman siyang karamdaman na iniinda para sabihin niya sakin na iiwan niya ako, na bebreakan niya ako. Parang atat na atat siyang mangyari yun.

Kinkwento ko lahat kay Mama yung nangyari kasi nagtataka din sila kung bakit hindi daw ako umaalis ang sabado gayong dati ay nagpapaalam pa ako na hindi pumasok ng sabado pero ngayon halos isang apat na linggo na akong pumapasok ng Sabado.

Sabi nga nila "divert your pain as a blessings." Alam lahat ni Mama yun, pinaliwanagan niya ako na makipag ayos at pag usapan namin yun kaso ayoko muna. Masakit kasi.

Friday ngayon at nagyaya kaming mga girls na magshopping kanina. Sinundo nila ako nina Donna sa work at ipakilala ko na din sila kay Mama. Naipagpaalam na din nila ako kay Mama na hindi ako uuwi mamayang gabi kaya bago magpunta sa mall ay dumiretso muna  kami sa bahay para makakuha ako ng damit na pamalit at masusuot ko. 

Simula nung nagkita kami ay nakaclose kona sila. Madalas  kaming mag usap sa gc na ginawa ni Donna at nagkukumustahan and update sa mga ganap ng bawat isa. Madali silang maka vibes kasi pareho silang mga madaldal parang ako. Si Niña ay may kaya sa buhay. Ganun din naman si Donna. May ari sila ng mga iilan hotels dito. Yung Mama niya dating artista  tapos yung Papa naman niya ay politiko.  Sina Niña naman ay nasa food industry daw ang fam niya. Parehong chef ang parents niya.

Minsan ay nag girls night out kami sa condo ni Nina or sleep over sa mga condo unit nila. Nagchi-chikahan at movie marathon kami kapag nagkakasama. May blessing naman pala dala ang pagtatampo ni Earl kasi natutunan kong hindi lang relationship namin umiikot ang buhay at oras ko. Ngayon ay may panibago na. Heto yung friendship na nabuo ko kina Donna.

Last week nagkita kami nung dating friends ko nung college. Nakita ko siyang nag aaplly ng work sa isang establishment na nadaanan ko. Lumihis siya ng daan kaya hindi kona siya hinabol. Nag away kami dahil sa betrayal. Siguro nasakal ako sakanila kasi sila yung tipo ng friends na controlling. Kapag sila yung friends mo bawal kang sumali sa ibang group, bawal kang makipagkwentuhan sa iba dapat sakanila lang. Bawal kang magkaroon ng lihim kasi friends nga daw kayo kaya dapat lahat alam nila. No secrets. Bawal kang tumanggi kapag inaya ka nila. Kapag tumanggi ka magtatampo na sila at sa bandang huli ay ikaw pa ang may kasalanan at ikaw pa yung dapat humingi ng tawad. Alam naman nila na hindi ako madalas payagan pero ganun parin sila. Pinilit nila ako at kapag hindi ako sumama ay magagalit na sila at sinusuyo ko sila kasi nga friends ko sila kaso matigas sila minsan.

And nung after ng thesis performance namin  nalaman ko matagal na pala silang may extra gc na hindi ako kasali, may mga lakad sila na hindi na nila pinapaalam sakin kasi hindi naman ako sasama. Kaya pala madalas kapag magkakasama kami ay  may mga pinag uusapan sila na hindi ako makarelate. Minsan din na nagkayayaan sila na mag outing habang nasa mismong harapan ko pero hindi man nila ako inaaya. Parang nagbago ang ihip simula nung magkakasama sila sa dorm at ako naman ay hindi pinayagan na magdorm kasi delikado nga daw. Simula nun nagbago ang lahat. May mga times na nakipag usap ako sa iba  and the next day I find out na binblock na nila ako sa lahat ng mga socmed accounts nila. In unfriend na rin nila.

LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon