You and me.
I can't keep my eyes over youMorning.
▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫⭐ Earl POV ⭐▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫▫
After naming kumain ng Media Noche at nagbigayan ng mga regalo ay umakyat na ako sa taas para makausap ulit si Vianna. Alas-tres na ng madaling araw. Araw ng Pasko ngayon.
So gising pa kaya siya?
Mamayang hapon na ang uwi namin sa Laguna kaya susulitin kona ang pagstay namin dito.
Nag open ako ng messenger kaso hindi na siya online kaya naghilamos na ako ng mukha at humiga na sa kama. Kasama ko ang ibang pinsan kong lalaki sa kwarto pero halos lahat sakanila ay tulog na.
Zzzzzzzzzzzzzzzzz Zzzzzzzzzzzzzzzz...
K I N A U M A G A H A N
"Kuya wake up! We will pick mangoes at the backyard" dinig kong sabi ni Ellie habang niyugyog ako sa balikat.
"Hmmmm"ungol ko.
"Una na kayo. Susunod ako" muling sambit ko pa at naramdaman ko naman na bumaba na siya ng kama at lumabas ng kwarto.
Kinakapa ko sa tabi ko ang phone ko at nagmulat ng mata. Alas-otso palang ng umaga. Limang oras palang ang tulog ko.
*HUP*
Pabalikwas na bangon ko at dumiretso sa banyo para maghilamos ng mukha at nagsipilyo na rin. Tsaka na ako lumabas ng kwarto, nadatnan ko sina Mama at ibang tita ko na nagluluto ng umagahan namin. Binati ko sila iisa at dumiretso sa mesa. May nakaprepared na mga tinapay na may palaman kaya kumuha ako at nagtimpla ng sariling kape.
Matapos ay lumabas ako sa garden, nandun si Lolo nagmumuni-muni.
"Morning Lo" bati ko.
"Morning apo. Nalate ka yata ng gising ngayon ah?" sita niya sakin.
"Hmmm konti lang po. Nagkape na ho kayo? Baka gusto niyo po ipagtitimpla ko ho kayo" presinta ko sakanya habang hinihigop ang sariling kape at kumakain ng tinapay.
"Kakatapos ko lang kanina. Hindi umuwi ang Papa mo ngayon ah. Palagay ko sa graduation mona ang uwi nun. Mukhang nagkakaproblema yata sa kompanya. Bumaba daw ang sales"paliwanag niya kaya nalungkot ako ng bahagya.
'Kaya siguro hindi nakarating si Papa kahit pasko na ngayon. Dati kasi kapag ganitong panahon ay dumadating siya. Sana nga nakauwi nga siya sa graduation ko'
Bukod kasi sa pamamahala ng maliit na business na pinamana lang kay Papa ay nagtatrabaho din siya sa ibang bansa bilang isang architect. Gumagawa ng mga buildings at nangongontrata sila. So parang yung business talaga namin ay sideline niya lang at ang pagiging architect ang pinakapropesyon niya. Kung sanang pinili nalang niyang tumakbo bilang kandidato sa pamahalaan,edi sana hindi na siya nalalayo samin para magtrabaho sa ibang bansa.
Kaso nga lang ang lagi niyang dahilan ay ayaw niya kaming ilagay sa panganib. Alam naman nating lahat na kapag nasa politiko ka ay buong kapakanan ng pamilya ay nakabroadcast sa tv o radyo man, simpleng galaw mo ay binibigyan nila ng malisya, simpleng mali ay damay ang buong pamilya mo. Ang masaklap pati angkan mo paparatangan pa nila na apag nanalo ay sasabihin na kapit lang yan, namudbod ng pera kaya nanalo at bumili ng mga boto.
Naikwento dati sakin ni Papa ang mga bagay na yan, nung mga panahon na nasa politiko pa si Lolo at siya ang Governador ng Laguna. Naging maginhawa daw ang buhay nila nun pero naging masalimuot din sa kabilang banda dahil sa paninira sakanila ng ibang tao. Kaya naman siya mismo ay pinangako niya daw sa sarili niya na hindi namin mararanasan ng mga anak niya ang ganun bagay. Kaya naman ay idolo ko siya sa pagiging pursigido at mapagmahal tao para lubusan na matustusan ang papangailangan namin.
BINABASA MO ANG
LET'S MEET AGAIN (COMPLETE)
General FictionWaiting would never been easy. Loving would never been easy. Would you stay as a warrior or be a damsel in disguise of a weak girl? And life is a miserable and challenging thing, mostly of people would choose to left you, other would hurt you, do...